Kabanata 2

447 12 0
                                        

Nagtatawanan kami ng mga kaibigan ko habang pa gewang gewang na kung lumakad pabalik sa pwesto namin. When we say booze up, we really booze up.

"Welcome back, Quiana Blaze!" sigaw ni Lexa na napakalakas. Nag cheers naman kaming tatlo. This is the perks of having a small company. Ang importante ay masaya kayo at totoo.

I excuse myself to go to the restroom. Naka ilang hakbang pa lang ako ng may nabangga ako.

"Oops sorry!" sabay hagikhik ko. Tiningnan niya naman ako. Matapang ang titig niya. Hilong hilo na ako kaya hindi ko gaano makilala ang mukha niya. His eyes... The eyes.

"Phoenix?" tanong ko.

"You're drunk. Madam Fransella is surely worried about you." is he talking about my Granny? And wait. Bakit andito siya?

Humagikhik naman ako. "Concern mo naman sa akin future cousin-in-law." tinapik ko naman ang balikat niya at lalagpasan na sana siya ng hawakan niya ako sa pulupulsuhan. Tumaas naman ang kilay kong tiningnan siya.

"You need to go home, Quiana." Wow! He pronounced my name perfectly! For the first timer, they pronounced my name so wrong especially when they are reading it. Others call me Kwi-ana and others calling Kway-yanah. Like duh? It's Quiana. Ki-Ya-Na.

Because Quiana means soft. And  I am soft.

"Bakit ka andito? Andito rin ba si Francine?" tanong ko.

"No. She's not here."

"Then why are you here?" may idea namang pumasok sa isip ko. Tinuro ko naman siya. "Don't tell me, you're cheating to my cousin!" sabi ko. His jaw dropped.

Why? Anong mali? Hindi porke't lalaking may paninindigan at isang salita siya ay hindi na niya magawang mangaliwa! He is not that saint. I bet. All in.

Tumawa naman ako.

"Joke lang! 'To naman! Di ka ba pwedeng mabiro?" tanong ko at ngumiti ng nakita kong nagseryoso na talaga ang mukha niya.

I regret I didn't let my friends tell me about this guy! Sana inalam ko na lang. Ang pangit naman siguro kung tanongin ko si Francine. Baka ano ang isipin niya. Tss! Asa, I will never ever be a snake.

"We're not that close so don't joke about me." and this time, my jaw dropped.

Is he damn serious? Akala ko santo!? Ba't tunog gago!?

Tinulak ko naman siya at inirapan.

Edi hindi close!

Dumiretso ako sa banyo at nag-ayos doon. Tiningnan ko naman ang Michael Kors kong relo.

12:36am.

Still early!

Sa Paris ay hindi ko 'to masyadong ginagawa. I am an introvert at minsan lang lumalabas ang pagiging extrovert ko.. but I have few friends. Mabuti na iyong kaonti atleast totoo kesa naman madami na puros plastik naman.

I only go out and have fun if I think myself deserve a reward and relaxation. Hindi naman pwedeng aral-trabaho lang ako. I need to have my stress-reliever too.

Naisipan kong maghanap ng trabaho habang nandito ako. Should I get in the modeling agency at i-offer ang mga damit ko sa kanila? I don't know. Papatulong ako sa mga kaibigan ko. Because in Paris, I don't search for work. It search me.

"Hoy senyorita Quiana!" halos nabalikwas ako sa kama ko sa malakas na hampas sa kwarto ko sa mansion ni granny.

Is that Bern's voice!? Dali dali akong tumakbo at binuksan ang pinto. Niyakap ko naman si Bern at nagpabuhat sa kanya. Locking my both feet on his thighs and hugging his neck so tight.

"Missed you!" sigaw ko.

He frowned.

"Wow. Bagong gising ka insan. Remember?" tinawanan ko naman siya.

"OA ah? Sobrang linis mo naman kung ganoon. Kumpleto bakuna? Hindi nakaranas ng lagnat? Ganun?" nagtawanan naman kami sa sinabi ko.

At may kasama na ako for preparing Francine's wedding! Hindi ako pupunta or hahanap talaga ako ng kasama kung kami lang ni Nix. Like seriously? He was  harsh on me. Kahit last night dito siya nag dinner ay hindi ko siya pinansin. Pogi sana, kaso may attitude.

Namasyal kami ni Bern sa syudad at nag suggest siyang puntahan namin ang clothing line ng kaibigan niyang si Kim. Sabi ni Bern, she's finding a professional designer. I don't count myself as a professional kasi hindi pa naman ako ganoon ka grabe pagdating sa industry but I can slay though.

"Bern, samahan mo ako sa Saturday for checking the venue of Francine's wedding." sabi ko. Umismid naman si Bern.

"Bern! Sige na!" aya ko.

"Bakit ako? Kasama mo naman fiance niya." sabi nito at naghanap ng mga damit.

"Yun na nga. Awkward." sabi ko.

Kwinento ko naman kay Bern ang nangyari sa club. Tumawa naman siya.

"Iana, Nix is a good man. He was concerned and you're not allowed to joke like that." sabi ng pinsan ko.

I rolled my eyes.

Kahit na. Ang harsh niya. Well, tama naman siya hindi naman kasi kami talaga close na dalawa.

Nakahiga lang ako sa kama at walang ginagawa. Kim, Bern's friend, told me to show her designs of gowns dahil daw titingnan niya. If pasado daw sa taste niya ay baka kunin niya. It's the design she will buy, iba ang gagawa nito.

Kumunot naman ang noo kong ng may natanggap akong text sa unkwown number.

I'll fetch you after lunch tomorrow.

Huh? Sino naman ang kikitain ko bukas? Madison? Lexa? The guy I've met last time? Sino 'to?

It's Nix.

My jaw dropped.

Hindi na ako nag reply. Means oo na iyon. At bakit naman ako mag re-reply? Close ba kami? Hindi naman ah.

Halos pinilit ko si Bern na pinilit pero ayaw niya talagang sumama.

"I am effin tired Quiana! Pwede namang dalawa lang kayo. Ano naman ang masama doon? Magiging bahagi naman siya ng pamilya niyo." sabay irap ni Bern. Malakas ko naman siyang hinampas sa braso.

"Pamilya natin!" he really hates his family big time. Kahit sinasabi ko sa kanya na tanggap na siya ay ayaw pa rin siya. Kasi gusto niya kung tanggapin siya, iyon yung tanggap talaga siya without conditions. Through his ups and downs ay tatanggapin siya.

"Whatever."

Wala akong nagawa kaya nagbihis na lang rin ako. Francine even called me to remind me for the errand. 

"Couz, after lunch daw kayo ni Nix magkikita. Sunduin ka niya diyan." sabi nito.

"Yeah. He texted." sabi ko.

"Thank you Iana! I promise, babawi ako sa'yo!" sabi nito.

Masisikmura ko kaya si Phoenix sa isang buwan na wala si Iana? Na ako ang sasama sa kanya for  the preparations for their wedding!? Mygad! I hate it!

Iniisip ko pa lang na magkasama kami sa loob ng sasakyan niya ay naiinis na ako. Siguro mahangin rin siya? Siguro snob siya? Hindi ko alam. Iba ang impression ng lahat sa kanya at iba rin ang sa akin. He showed me his attitude and for me first impressions last. He can't blame me though.

Nagsuot ako ng off shoulder na blue at labas ang pusod ko, naka mid high waist ako na skinny jeans para hindi sayang ang palabas ko ng pusod. I wore a black stilettos too.  Okay na 'to.

Sumasayaw ang maikli kong buhok habang bumababa ng hagdan. Ganito ba talaga sa bahay? Wala masyadong tao? Tsk! Andito nga si Bern, hindi naman lumalabas ng kwarto niya. 

Paglabas ko ng gate ay andoon na ang sasakyan ni Nix. Ferrari ito na kulay puti.

Tumaas naman ang kilay niya sa akin ng nakita niya ako. Parang natiklop naman ako. Is my outfit okay!? Is my outfit can slay!? I don't know! Na conscious ako bigla.

"Nakulangan ka ba ng tela?" tanong nito na nagpalaglag ng panga ko.

What in the world!?

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon