Kabanata 21

355 11 0
                                    

Phoenix

"Bro.. Nililigawan mo pala si Francine Gil?" tanong ni Uno sa akin isang araw.

"Why?"

"Bakit iyan naman na gustohan mo? Akala ko ba ayaw mo sa mga pala party?" natatawang tanong pa niya.

"Ewan ko. Ganyan siguro kapag inaayawan, mas lalo mong pinapahalagahan." binatokan naman ako na dalawa ni Troy at inasar na corny.

"Mas maganda pinsan niyan... Sino nga iyon, Troy?" tanong ni Uno. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

"Yung del Carmen?"

"Oo! Oo! Wala na yun dito diba? Matagal na?"

"Oo sabi ng pinsan ko ay sa Paris na daw iyon nag-aral, fashion designing."

"Kapag sagutin ka ni Francine, patulong ako dun sa del Carmen ah? Mas gusto ko yun eh! Sexy, maganda, mabait, matalino, talented... Package deal bro..." sabay halakhak ni Uno. Napailing na lang ako.

I asked Francine about her cousin. Siyempre curious rin ako. Pihikan si Uno sa mga babae at bakit ganoon na lang kaya ang paghanga niya sa del Carmen na iyon?

"Why? You know her?" asked Francine.

"No... My friends know her. Pinapatanong lang nila." rason ko.

Quiana Blaze G. del Carmen.

"Wala nga siyang account, Kuya!" naiinis na sabi ni Stacey sa akin.

"Sa Instagram? Wala rin?" tanong ko. She rolled her eyes at me.

"Ano mo ba yang Quiana na yan?" she asked.

Oo nga? Ano ko ba? Ba't ko hinahanap?

"N-Nevermind, Stace."

Maraming kwento si Francine tungkol sa pinsan niya. At masasabi kong tama ang mga sinasabi nina Uno at Troy sa akin.

"Kuya! Eto ba iyong pinapahanap mo sa akin last time?" Stacey asked and showed me a magazine.

"Who?"

"That is Quiana Blaze del Carmen! Wow! She is studying fashion designing abroad?! She got featured!" tili ng kapatid ko.

I took the magazine on her and stared at Quiana del Carmen they are talking about.

Short hair with beach waves. Sexy lips. Brows on fleek. Perfect skin tone. Pointed nose. Rosy cheeks. The curves on her body was shown because of the bodycon dress she wore.

What the fuck is she? A goddess?

Curiosity can really kill you. Damn, Phoenix.

Nagtagal kami ni Francine. I thought before we will only last months dahil iba ang lifestyle niya sa lifestyle ko. Hindi ko naman sinasabi na santo ako katulad ng kapatid kong si Cyril. I am 50% Denzel, 50% Cyril.

Francine was possessive. May mga oras na nagbibigay na lang ako ng excuse para wag sumipot sa family gathering nila. Ilang beses ko ring sinubukan kumalas sa kanya dahil nakakasakal. She though I will get mad if she go and party, but the truth is, it is very fine with me. Mag party siya hanggang gusto niya. I don't care.

Nakakasawa pala iyong ganoong relasyon. Iyong sobrang obsess ang tao sa'yo. Yung hindi ka makagalaw. Iyong kahit pag banyo mo ay kailangan ipaalam mo.

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon