"How are you?" dad asked me. We ate breakfast together.
Maaga pa ako nagising to take a dip on the small pool here in the house. Nagpahanda naman si daddy ng almusal sa labas kaagad.
Tinali ko naman ang bathrobe ko at umupo sa harap niya.
"Good, dad. You?"
"Fine as ever, Iana... Kamusta ang trabaho mo sa kasal ni Francine?" napalunok naman ako.
Mas open ako sa daddy ko kesa sa mommy ko. Kahit sa mga suitors ko ay kay daddy ko sinasabi. My dad is not tolerating me, alright? Mas nakakaintindi lang kasi siya kesa kay mommy.
"Okay naman. Mabait ang fiance niya." sabi ko. Kaya nga nakuha niya loob ko eh.
"Nix Ferguson? Hmm... He's a good man... I met his father how many times for seminar." tumango naman ako kay daddy.
Kilala kaya ni daddy ang mga Ferguson? Tanongin ko kaya siya?
"Si Nix po ba, dad? Nakakasama mo rin sa seminar?" tanong ko at sumubo ng pancake.
"Isang beses lang... He will inherit their company..." kaya mas gusto ni granny para kay Francine.
Napaisip ako, paano kaya kung mas nauna kong nakilala si Nix kay Francine? Paano kung kami ni Nix instead sila ni Francine? Matutuwa rin kaya si granny? Ma e-excite kaya siya? I bet not. del Carmen ang dala kong apelyido at sa kay daddy mapupunta if ever mag me-merge ang kompanya. Hindi makakatikim si granny sa akin, sa amin, kay daddy. Kaya siguro isa siya sa mga taong itatakwil ako kapag malaman niyang nagkakagusto ako sa fiance ng pinsan ko.
Phoenix:
I heard your dad arrived? Next week na lang tayo mag kita ulit. Enjoy, Iana.
Nakangiti naman akong nag reply kay Phoenix. Like what I've said. Nagiging close na kaming dalawa. Minsan ay iniimbita niya ako kahit hindi related sa kasal nila ang pag-uusapan namin.
Oo! Sige next week! Thanks. He knows you, tho.
Phoenix:
Pogi eh >:)
Natawa naman ako sa reply niya.
"Hija..." nabigla naman ako sa pagtawag ni granny sa akin.
"Granny..."
"Who are you texting? My boyfriend ka na ba?" she asked with a wide smile.
"S-Si Madi po granny. She is inviting me for dinner." I lied.
"Oh... Akala ko may boyfriend ka na eh... If meron, tell me so we can background check him, okay? Sana gumaya ka sa pinsan mo sa pagpili ng boyfriend, okay?" she said and kissed me on my cheeks. Tipid akong ngumiti at tumango.
That ruined my day.
I invited my father to go out. Pumayag naman siya.
"Bakit? Wala ka na bang gamit?" natatawang tanong ni daddy.
"Grabe! I just want to spend time you dad!" natatawang sabi ko.
He made a face kaya mas natawa ako.
He is a cool dad. Marunong makisabay. I remember, we have a dance video nga eh. It was New Year in Paris ng nagkakasiyahan. Sabi niya gumawa daw kami ng dance cover nadalawa.
"That's the Ferguson..." sabi ni daddy ng nakapasok kami sa isang restaurant para kumain. I am not spoiled but he is spoiling me. Binilhan niya ako ng mga bagong gamit. Kahit ayaw ko ay pinipilit niya ako.
Una akong nakita ni Denzel Ferguson. May sinabi naman siya sa kuya niya kaya napatingin ito sa pwesto namin.
"Let's say hi, Quiana." aya ni daddy.
No problemo, dad.
He greeted the Fergusons. Kumpleto sila andoon, of course wala iyong model nilang kapatid na si Stacey Ferguson.
"We are just having a daughter-father time together." natatawang sabi ni daddy. Ngumiti naman ako.
"Your daughter is a great designer. Siya ang gumawa ng gown namin for Nix's wedding." said Tita Paige.
"That's her passion, Paige... Wala ngang interest sa negosyo kaya gusto ko kung may asawa siya ay businessman para matulungan ako... Pero depende sa prinsesa namin..." sabi ni daddy at tumingin sa akin. I smiled at him. I saw Nix smiled too.
"Join us here! Kaka order pa lang namin!" aya ni tito Kendrick.
"It's okay, Kendrick. It's your family day." sabi ni daddy.
"We insist, Zeke. Minsan lang 'to. Kailan ka babalik sa Paris?" at nag-usap na sila tungkol sa business. Katabi ko si Kennedy at sa harap ko si Phoenix. Sumasabay rin si Phoenis sa usapan nila. Of course, he can relate.
Kennedy and I talked. She asked me about fashion designing.
"I studied at IFA Paris, Kennedy."
"Wow! Really?!" she shrieked. Natatawa ako sa kanya. She is so talkative at sobrang sarap kausap! I want to have a sister too! Siguro kapag may ganito akong kapatid sa bahay ay siya magiging best friend ko at sa lahat ng bahay ay click kaming dalawa.
"Stacey told me you're one of designers who made her gown." nakangiting sabi ni tita Paige sa akin.
The spotlight is now on me at nahihiya ako. At na co-conscious ako kasi hindi inaalis ni Nix ang titig niya sa akin! Bakit ba?! Nakakatunaw!!!
"Yes po... She wore my gown with passion and grace..." puri ko kasi totoo iyon. Hindi ko alam na magkasing edad lang kaming dalawa. Mas matangkad si Stacey sa akin dahil pang modelo talaga ang height niya. Sobrang bagay sa kanya ang cheekbones niya!
"I bet, Quiana's boyfriend is really lucky to have her."
"Walang boyfriend nga, Paige." sagot ni daddy.
"What?" hindi makapaniwalang sabi nito. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Well, sa bagay. Sa ganda mong yan, let boys drool at you, Iana." tumawa naman si daddy sa sinabi ni tita Paige.
Boys drool at me but I am drooling at Nix alone! Is he drooling at me too?! I don't know!
"Diba, Denz? She is beautiful." uminit naman ang pisngi ko sa sinabi ni tita Paige.
Tumawa naman si Denzel. "Ask Kuya, mom. Mas mataas ang standards niya sa akin eh." gusto kong tadyakan si Denzel.
May alam ba siya? O obvious lang ako kapag nagkikita kaming dalawa?
"Of course mom, she is very beautiful... One of a kind..." Nix complimented.
Parang sumabog ang puso ko sa sinabi niya. Tumawa naman si Denzel at si Cyril. Pumalakpak pa ito na para bang ang saya saya nilang dalawa at nanalo sa lotto!
May kung ano naman akong negatibo na naisip. Ano kaya ang mga sinasabi ng mga magulang at kapatid ni Nix ng pinakilala niya si Francine dito? Is Francine and Kennedy really close? Eh si Stacey kaya? Gusto niya rin si Francine? I don't know! Nakakainis! Why I am comparing things?! Eh from the very first place ay hindi nga ako gusto ni Nix! He is being friendly and just stating the truth! Subukan niyang sabihin na pangit ako kasi sasaksakin ko ngalangala niya para hindi siya makapagsalita sa kasal nila! Ha!!
"We'll have dinner some other time with Meredith, Zeke. Kailan ba uwi niya?" tanong ni tito Kendrick.
"The day after tomorrow ay narito na siya."
"Date set then... Alam naman siguro ni Quiana ang address namin?" napatingin naman sila sa akin.
Ngumiti ako at tumango. I saw Nix bit his lower lip and I don't know why. He. Is. Damn. Hot.
"Uhh, Quiana..." tawag nito.
"Hmmm?"
"Tomorrow... 3pm... The appointment for the cake." I nodded at him.
I hate it! I hate the fact that he is getting married! And I hate it more because he is getting married to my cousin, Francine Gil!
BINABASA MO ANG
Stolen Heart
RomanceLalaking may isang salita. Lalaking paninindigan ang responsibilidad. Lalaking may takot. At madami pang katangian na meron si Nix Ferguson. Yung bang 'ideal man' talaga. Kaya mapapagkatiwalaan talaga ito. Hindi hilig sa mga babae, sa mga flings, at...