Kabanata 4

388 11 0
                                        

Nanggigil ako habang nakaupo sa mesa nila Phoenix. Damn it!

Sila lang naman na magkapatid ang nag-uusap. Saan na ang sinabi niyang pag-uusapan namin ang KASAL nila?!

Napatingin naman ako sa gawi ng mga kaibigan ko at nag a-action pa ito na kausapin ko daw. Neknek nila! 

"Tawagin mo lang ako doon kapag mag-uusap na tayo." hindi ako nakatiis. Tumaas naman ang kilay nito sa akin. 

Bakit ganito? Bakit nanghihina ako sa titig niya?! What the hell happening, Iana?!

Hindi ko na hinintay na sumagat siya at umalis ako doon. Malakas na sinabunutan naman ako ni Lexa.

"Tumigil nga kayo! Ba't niyo ba ako tinutulak sa lalaking iyon? Fiance yan ng pinsan ko!" sabi ko. "Ng kapatid mo!" dagdag ko at pinandilatan si Bern.

He just rolled his eyes at me. "I am excited of what will happen... Couz, always remember. I got you.. Forever!" sabay kindat niya. Tumawa naman silang tatlo.

Sarap pang untugin!

Hindi ko mapigilan ang sarili ko wag tumingin sa gawi ng Ferguson na iyon! Bakit kaya nahuli ako ng dating?! Shet, Iana! Crush lang yan! Gwapo kasi eh! Hot kasi eh!

Mabilis naman akong umiwas ng tingin ng napatingin si Nix sa pwesto ko. Baka mag assume yun!

Inayos ko naman ang short hair ko na may beach waves ng tumayo si Phoenix doon. Nakangiti pa rin siya dahil sa may sinasabi ang kapatid nito.

"Lalapit... Lalapit..." malanding bulong ni Lexa sa akin. 

I bit my lower lip and took a sip on my ice tea.

"Let's go, Quiana." I bit my lower lip harder. Shit. Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag tinatawag niya ang pangalan ko? Ang ganda ng accent, ang perfect na pagkabigkas.

Hinila niya naman ako pasakay sa sasakyan niya. Gabi na, saan naman kami pupunta? Ano naman pag pa-planohan naming dalawa?

"Phoenix, may tanong ako." sabi ko.

"What?"

"Hindi ka ba galit kay Francine? I mean, kasi kung ako ang bride at umalis ang groom ko magagalit ako. Just what the fuck? We should plan the wedding together."

Ngumisi naman siya. "Yes, Iana... WE are planning the wedding TOGETHER." hindi ko alam ang punto niya pero alam kong may mali sa sinabi niya. Uminit naman ang pisngi ko. Hindi ko naman siya sinagot at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Delikado, Quiana. Wag kang papaloko sa sinasabi ng isang 'to. Malay mo fuck boy.

"Kanino namang bahay 'to?" tanong ko ng bumaba ako ng sasakyan niya. Sobrang laki ng bahay- or should I say, mansion?

"Ours." he said. Of course, what would I expect? Like what they said, Fergusons are billionaire.

"Mabuti naman at nagkikita pa rin kayo dito." sabi ko.

Okay... Okay... I am still acting cool. Ayaw kong uminit ang ulo ko sa kanya. Ayaw kong mairita. Sobrang delikado naman nito! Kasi kung alam niyang naiirita ako, mas lalo niya akong iinisin at lalapitan... At kapag mabait ako, mahuhulog ako. Hindi pwede! Bawal! Sobrang bawal!

"My sister and my mother want a long gown that is customized. We will pay for this." sabi nito habang lumalakad kami papasok ng bahay nila. Pagpasok mo pa lang ay family picture na kaagad ag bubungad sa'yo. Malaki ito.

Nakaupo ang tatlong babae doon. Na sa gitna ang mommy nila at dalawang babae sa gilid. Apat na lalaki naman ang nakatayo. Sa right side, sa una sa linya ay ang lalaking nakangisi- looks like a bad boy but so handsome too. Katabi nito ang daddy nila na sobrang bata pa kung tingnan! Parang magkapatid lang silang pito doon! Sa left side naman ay ang lalaking nakangiti na sobrang bait kung tingnan. And beside him is the Phoenix Ferguson who smile like a god.

"Drooling?" he asked.

I rolled my eyes. "Sa'yo? Asa. Pogi ng dalawang kapatid mo. At ng dad mo." puri ko.

He laughed. "Ba't ka defensive?"

"Excuse me?!" singhal ko sa kanya.

He just fucking  shrugged his hot broad shoulders. Sexy, damn Phoenix. Lahat ng kakisigan siguro naisalo niya? Ano kaya ang pakiramdam ni Francine kapag yakap yakap siya nito. I tilted my head to brush it off. Ayan ka na naman, Quiana. Wag ka nga papadala sa ganyan.

"Five minutes and my sister will arrive." sabi ko.

"Isa lang? Saan ang isa?"

"She's in NY." napatingin ako ulit sa mga malalaking frames nila doon at tiningnana ng isa pa niyang kapatid. She is so familiar to me! 

"Modelo ba yan?" tanong ko. He nodded.

Nakaupo lang kami pareho sa mamahaling couch nila.

"I think I already saw her." I said.

"Maybe... Dalawang taon na siya sa NY." sabi nito.

Tumingin ulit ako doon pero hindi iyong kapatid niya ang natingnan ko. I  stared at Phoenix there. That smile. That body. That... Fuck. You always fantasizing about him, Iana! Stop it! Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Why are you blushing?" he asked.

"Huh?" I stuttered. Kumunot ang noo niya sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin ny umalingawngaw sa mansion nila ang boses ng isang babae.

"Hi!" bati nito sa akin. Pinakilala naman isa isa ni Phoenix ang mga kapatid niya.

"Mom's on her way, Kuya." sabi ni Denzel.

Ano ba ang dugo na meron sila bakit ganito ang ma itsura nila? Saan kaya ako makakakuha ng ganitong mukha?

Kennedy is talkative. Marami siyang sinasabi at natutuwa naman ako. We clicked easily.

"I want you to be my designer on my wedding day too, Ate Iana." sabay hagikhik niya.

Nakakabinging KENNEDY naman kaagad ang tawag sa kanya ng tatlong kuya niya.

"What?" maarteng tanong nito.

Napatingin naman ako kay Phoeix na napatingin rin sa akin. I bit my lower lip. Iniwas ko naman kaagad ang titig ko.

For 22 years of existence, hindi talaga ako nakaramdam ng ganito ka bilis ng tibok ng puso. Iyong intense talaga. Iyong alam mong mali ang pagtibok nito pero kailangan tumibok para mabuhay at hindi masaktan.

I am not naive. I know what in love means. I know what it feels too. And I know that is type of love is dangerous? I don't want to steal heart. I don't want to trespass.

I want to avoid but I can't. 

Halos sabunutan ako ni Bern ng sinabihan ko siya.

"Tanga!" sabi nito.

Hindi naman ako sumagot.

"Kung mahal mo, edi mahal mo!" my jaw dropped.

Seriously, Bern?

"Isang buwan pa lang ako sa Pilipinas, Bern!"

"Bakit? Sa movies at libro lang ba posible iyong nagkakainlaban kahit isang buwan?! Hello Quiana! You're human too, you fall in love."

I looked at my phone when it rang. And another call from Phoenix.

Ilang araw ko na ba siya hindi sinasagot at iniiwasan? 7 days? I don't know.

Francine really need to go and settle her wedding! Hindi pwedeng ako! Baka mas lumala to! I am a human and I am capable of falling in love. I am a human and I can't stop of what might happen.

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon