"Wag kang papakita sa anak mo na ganyan ang itsura, Quiana!" galit ni Madi sa akin.
"I know." sabi ko.
"Ayusin mo nga yan muna!"
Ng medyo maayos na ako ay lumabas kami ng sasakyan ko para makapasok ng mall. I need to buy stuffs for Queen's birthday. I want to buy gift for her.
Namumula pa rin ang ilong ko at basag na basag pa rin ang boses ko.
"Ano ba ang gusto ni Queen?" tanong ni Madi sa akin.
"I'll just buy her necklace na lang." sabi ko. Tumango naman si Madi sa akin.
"Okay. Dito ko lang siya bibilhan ng gift. Sandali lang." naghanap naman kami ng pwede niyang iregalo.
She found a pig crown pillow. Queen will love it!
I bought a set of white gold jewelry for Queen na puros crown rin ang pendant nito. Puros na kasi laruan ang condo, ayaw ko ng dumagdag pa sa kalat.
"Is this all Ma'am?" asked the cashier.
"Ipapa-gift wrap ko, Miss." sabi ko.
Diretso lang ang lakad naming dalawa ni Madi. Titigil na sana ako sa paglakad pero huli na at nakita na kami ni Stacey. She smiled at me and waved her hand. Nahihiyang kumaway na rin ako doon.
"Birthday?" she asked.
"Ye-Yes..." hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Binigay naman namin ni Madi para ma wrap na nila ito. Magkatabi kami ni Stacey dahil niwra-wrap rin ang binili niya.
"Ikaw? For birthday rin?" I asked her para hindi awkward.
"Nope. A peace offering for CJ." sabay hagikhik niya. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti na lang.
"Ano po ilalagay sa card Ma'am?" tanong ng nagwra-wrap.
Nagtinginan naman kami ni Madi na dalawa.
"H-Happy birthday, Queen." maliit ang boses ni Madi habang sinasabi iyon at parang hindi naman narinig ni Stacey dahil sa may sinasabi rin siya sa nag wra-wrap ng kanyang ibibigay.
"Same to mine." I said.
"How old is she Ma'am?" ganito pa talaga dito? Kailangan detailed? Pwede namang happy birthday na lang ah!
Stacey looked at me.
"No need to put it." sabi ko. Umiwas naman kaagad si Stacey ng titig, siniko naman ako ni Madi.
Nauna si Stacey natapos kaya nagpaalam ito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi niya naman siguro sasabihin sa kuya niya na nakita niya ako nag pa wrap ng regalo diba? Or she will? I don't know.
"Uh, Quiana. I know some place na maganda ang cake." sabi nito.
"Depends on you." sabi ko kay Madi.
I drove and went to the Arnold's. For sure maganda nga, marami ang kumakain.
I saw a pink cake na bagay kay Queen. Iyon naman kaagad ang tinuro ko.
"Mapalagyan ko sana ng Happy 3rd Birthday, Queen Phoebe." sabi ko.
"Yes Ma'am!" sabi nito. Naghintay naman kami ni Madi at nagmasid-masid doon ng pwede pang mabili! All of the cupcakes are so cute! Kaya bumili ako ng two dozen! Who owns this cakes and pastries? Just wow.
"Oh my god!" Madi shrieked. She looked pale kaya napatingin ako sa kanya from the other pastries I am looking.
She pointed somewhere kaya napatingin ako doon. My smile faded on what I saw.
BINABASA MO ANG
Stolen Heart
RomanceLalaking may isang salita. Lalaking paninindigan ang responsibilidad. Lalaking may takot. At madami pang katangian na meron si Nix Ferguson. Yung bang 'ideal man' talaga. Kaya mapapagkatiwalaan talaga ito. Hindi hilig sa mga babae, sa mga flings, at...