Kabanata 31

401 12 2
                                    

We sang happy birthday to Queen. Nagsuot kami ng party hats at siya naman ay suot suot ang isang tiara. Nilabas naman ni Lexa ang polaroid. She took a picture of me and Queen.

Nakayakap ako kay Queen at humahalik siya sa pisngi ko.

"Thank you mom!" she said.

"All for you, Queen."

"Oh wish na, Queen!" Madi said. Tinuro niya naman ang cake. Na sa gilid lang ako ni Queen at lumelebel sa kanya habang silang tatlo at kumukuha ng litrato.

Queen closed her eyes.

"Hmmmm.. My wish is to finally meet my dad!" diretso niyang sabi at hinipan ang kandila. My jaw dropped. I slowly looked at my friends and they were shocked too.

Si Paula, ang nanny ni Queen lang ang tanging pumalakpak.

Queen smiled at ngumiti rin ako sa kanya.

What was that?

"Quiana..." Bern called me.

"I.. I am okay..." I said to them. I need to assure them na okay lang. Kanina pa ako kinakabahan sa mga pwedeng mangyari pero eto yata ang mas kinabahan ako. Queen is now asking to meet his father! But I don't want to! Hindi pwede!

My friends advised me to brush the negativity away. So I did.

"Kay Bern na lang kami sasakay, Quiana..." sabi ng dalawa.

"Okay! Ingat kayo!" sabi ko at bumeso sa kanila. Humalik rin si Queen sa kanila.

Inayos ko naman ang seat belt ni Queen.

"Can you buy me some fries?" she asked while we are on our way home.

"Yes baby..."

"Ah Ma'am Quiana, drop mo na lang ako... Diba kailangan mag grocery ngayon?"

Oh yes!

"Are you sure?" tanong ko. "Pwedeng ako na lang mamaya." sabi ko.

"Okay lang Ma'am, at isa pa parang pagod rin kasi kayo. Trabaho ko naman 'to. Hehe." I dropped her first at nag drive thru kami kaagad ni Queen. Binilhan ko siya ng fries at ng pwede ng i-lunch namin mamaya.

Nakahawak naman si Queen sa kamay ko habang paakyat kami. She is so talkative and I don't know kung saan niya namana iyon.

"Uncle Bern danced great last night!" sabay tawa ni Queen.

"How about me?" I frowned.

She giggled and looked at me. Kinurot ko naman siya sa ilong.

"You danced sexy, mommy!" natawa naman ako. Bolera, mana sa tatay niya.

"Oh! Visitor!" sabi ni Queen at may tinuro. Napatingin naman ako doon at may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko.

Sa nakikita ko isa lang ang na sa mukha niya ngayon- galit.

"F-Faster, Queen." sabi ko at parang hilahin ko na ang anak ko para makapasok lang sa unit namin.

"Quiana..." he called me using his cold voice.

"Hi!" Queen greeted him.

Napako naman ang titig ni Phoenix kay Queen na kumakain ng fries at malapad ang ngiti sa kanya.

"A-Ano kailangan mo?" act normal, Quiana. Wag kang magkakamali.

Bumalik ang titig ni Phoenix sa akin at sobrang nag-aalab ang mga mata nito sa gilid. His jaw clenched.

"Mind to introduce me to OUR daughter?" diniin niya ang salitang OUR. Kung normal na araw ay tatawanan ko siya pero masyadong akong kinakabahan para gawin iyon.

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon