Kabanata 1

535 13 0
                                    

I show my designs to Francine and also to Nix. Magkatabi silang dalawa at naka akbay si Phoenix sa kanya. Well, I know my cousin is a very great catch kaya siguro ayaw niya na ring mawala.

"Uhmm... Iana, about the venue here. Next week pa kasi namin pwedeng puntahan iyon ni Phoenix, but unfortunately, wala ako dito. I will be going to Malaysia to accompany Mommy, well, for a month lang naman." kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"I mean... You can work for it right? Sasamahan ka ni Phoenix doon! At andoon na rin naman ang  organizer. I know your taste on designs are really very good kaya sana tulungan mo ako to prepare and decide for it."

"But it should be the bride's taste, Francine. Hindi pwedeng sa akin baka ayaw mo." sabi ko.

"It's okay! Nix will guide you naman eh! Right babe?" baling ni Francine sa kanya. Tumango naman si Nix pero ang titig niya ay na sa clearbook pa rin. "At isa pa, he knows everything about me naman eh. We're 5 years already, iiwan ko talaga siya kahit isang detalye ay hindi niya malaman tungkol sa akin." sabay tawa ni Francine. Napatingin naman si Nix sa kanya ng seryoso.

He frowned. "You can't do that." 

"And why?" sabay lapit ni Francine ng mukha niya sa mukha ni Nix. Mabilis naman iyon hinalikan ni Nix. I want to puke. Seriously? Sa harap ko?

"You just can't. I won't allow you." Gad! Ako kaya? Kailan ko rin mahahanap ang lalaking para sa akin? Siguro na sa ibang babae pa siya? Promising the girl he is with for a forever. Like hello, see you in 2-5 years.

Well, as I can see. Phoenix Ken Ferguson is a very good man. Raised by a king and a queen. Makikita mo talaga iyon. He is not hard to be with, we talked too at nasasagot ko naman iyon. Minsan ay tinatanong ko naman siya. He is comfortable to be with too. Siguro isa iyon kung bakit mahal na mahal siya ng pinsan ko.

"Granny wants to see you, babe." malimbing na sabi ni Francine. Na sa harap lang nila ako nakaupo habang nagte-text sa mga kaibigan ko na nasa Pilipinas.

Madison:

What the hell girl! Kung hindi nag upload si Francine ng litrato niyo kagabi hindi namin malaman na andito ka na! Seriously!? I hate you!

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi ng kaibigan ko.

Isang text ulit ang natanggap ko sa isa pa.

Lexa:

Bumawi ka sa amin. We miss you so much bitch.

Nag type naman ako ng pwede kong ma reply sa kanila. Paano kaya ako makakabawi sa kanila? We do talk too on skype pero hindi rin naman araw araw o linggo linggo.

Ako:

See you later at the bar then. 8pm. Dinner then booze up.

After the lunch with Francine's fiance ay nag-aya ako kay Francine na mag shopping. So Phoenix will be the CEO of their company huh? Mayaman talaga siya? Siguro isa iyon kung bakit gustong gusto siya ni Granny for Francine? I am not judging my family... I am just stating the truth.

"I'll go out later Frans. Wanna come?" tanong ko.

"Uhm. Nope. Ayaw ni Nix na lumalabas kasi ako kapag wala siya." natawa naman ako. She frowned.

"I am sorry." natatawang sabi ko pa. "But seriously? You have alot of friends and others are party goers! Hindi pwedeng umaayaw ka sa kanila?" hindi makapaniwalang tanong ko.

She shrugged.

"Of course, sometimes I do escape." natawa naman kami parehas at nag apir pa.

Halos excited ako at sobrang early pa ako sa dalawa kung saan kami mag di-dinner. Sobrang na miss ko ang Pilipinas! I should invite my friends to travel the Philippines again! Sa sobrang tagal kong nawala dito ay ang outdated ko na.

Tumili naman ang dalawa ng nakita nila ako. Nagyakapan pa kami doon at nagtawanan bago nag order.

"Bakit ka nga ba umuwi? Akala namin we have no longer Quiana del Carmen." natatawang sabi ni Lexa.

"It's Francine's wedding 6-7 months from now, and she asked me to be the designer." sabi ko.

Ngumuso naman si Madison.

"So totoo talagang engaged na sila?"

They went to the college school like Francine kaya siguro nakikilala rin nila si Nix doon.

"Na background check mo na ba ang fiance ng pinsan mo?" tanong ni Lexa. May ibang sinasabi ang mga mata nito. Siguro she idolizes Nix? Of course who wouldn't? Natulala nga ako ng una kong nakita eh. Kaso off-limits.

"Do I need that? Hindi naman ako ang papakasalan." sabi ko.

"Well, I'll give you infos then." sabi ni Madison at umayos sa pagkakaupo, kahit si Lexa ay ganoon rin. They took Psychology, classmates kaming tatlo since first year highschool at sobrang dikit kami. We stalk boys, talk about girls, and always having fun. Siguro sa amin ni Francine, magkaiba rin kami when it comes to friends. Most of her friends are really party goers, while mine, library goers. Gumigimik ang dalawa pero hindi kasing grabe ng gimik ng mga kaibigan ni Francine. Kaya siguro na a-adapt ni Francine ang pagiging wild niya rin sa mga kaibigan niya. I wonder, payag kaya fiance niya?

"He is Phoenix Ken Castillo Ferguson. Matanda siya ng dalawang taon kay Francine---" tinaas ko naman ang kamay ko para awatin si Madison.

"Seriously guys? Yan talaga pag uusapan natin?" tumawa naman ang dalawa.

"Because he is still not married! Hayaan mo kaming pantasyahan si Nix!" I rolled my eyes. Seriously? Sobrang charismatic niya naman pala kung ganoon.

"He is the first son of Kendrick Ferguson- the billionaire businessman. Well, na sa rank number 3 siya in the Philippines." Wow. That rich?

"Nix has four siblings. Namely---"

"Oh please." hindi makapaniwalang sabi ko. "Tell  me! Are you guys stalked him!?" 

Humalakhak naman ang dalawa at parang baliw.

"Girl, kung alam mo lang. First year college! When Mad and I entered the University! Phoenix Ken Castillo Ferguson! Siya ang heartthrob sa mga heartthrob! Mabait! Responsible! Maalaga! Pogi! Mayaman! Mabango! Ah basta! Lahat lahat na!" 

"At eto pa! Never been in relationship! Kaya sobrang swerte ng pinsan mong yan kasi first girlfriend tapos naging fiancee na!" dagdag ni Lexa.

Really? Ganoon iyon? Hindi halata! I mean.. Aminin na natin, sa ngayong generation ay sobrang dami na ng mga lalaking manloloko at yung mga paaasa. Minsan nga, kahit mukhang paa ay malakas ng magpaasa ng babae eh.

"Ugh. Can we just don't talk about him? Seriously? Hindi siya ang rason kung bakit may dinner tayo."

"You don't find him attractive, Iana?" tanong ni Madison sa akin. Natigil naman ako sa pagsubo ng pagkain.

I don't find him attractive?

Well, nakita ko lang naman siya kanina sa restaurant at natulala ako. Yung napadasal kang Lord! Ito na lang please!  At na disappoint ako ng nalaman kong fiance siya ng pinsan ko. Kasi, what the. Minsan lang akong humanga sa kakisigan ng isang lalaki. Minsan lang ako matulala sa isang lalaki. At minsan lang makuha ng lalaki ang ganito ang atensyon ko.

Yes, hindi ako na attract.*insert sarcasm*

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon