"I heard from Nix, you are busy." sabi ni Francine sa skype.
Nakahiga lang ako sa kama ngayon. Walang ganang lumabas.
"Ye-Yeah.. And I am sick too. Kailangan ko rin kasi i-finalize ang wedding gown mo. Apat na buwan na lang rin naman at uuwi ka na. Sana as soon as possible, Frans. Para may time pa pag may adjustment." sabi ko. At para rin mailigtas mo ako dito at maipamukha sa akin na sobrang mali ito.
"Last favor, Iana." sabi ni Francine na may malungkot na ngiti.
"Ano yun?" tanong ko.
"Hindi na kasi ulit si Phoenix tumatawag araw araw eh... Baka may ginagawa diyan. Can you please watch over him?" she smiled at me.
I want to say an excuse pero walang lumalabas sa bibig ko. Napatango na lang ako. Ng natapos ang pag-uusap namin ni Francine ay binatukan ko ang sarili ko.
"Boba talaga!" inis kong sabi dito.
Hindi ko kaya magkulong habang buhay sa kwarto na to! Niyaya ko si Bern lumabas at pumayag naman ito.
"Oops.. Wrong place." sabi ni Bern at tumaas ang kilay niyang tiningnan ako. Tiningnan ko rin siya pabalik. Ngumuso naman siya at napatingin ako doon.
Phoenix Ferguson sitting at the restaurant with his siblings. He looked at me like he is going to eat me alive.
"Ta--"
"Gutom na ako! Tara na! Doon sa malapit sa kanila!" asar ni Bern sa akin. Parang gusto ko siyang tadyakan sa paghila niya sa akin.
"What do you want my pretty cousin? My treat." may mapaglarong ngisi sa labi ng pinsan ko.
Nakikita ko sa peripheral vision ko ang pag titig ni Phoenix sa akin. Ganito ba kaliit ang Manila para magkita kami? Ay ewan!
I don't know if it's perks that boys can shut their mouth and they are bit snobbish. Tumingin lang rin si Denzel at Cyril sa akin.
"Bilisan mo ngang kumain!" singhal ko kay Bern. Nix and his siblings were done eating. Sobrang tapos na talaga sila at hindi lang umaalis! They even paid their bill!
"Bakit ba? Wala naman tayong pupuntahan!" I don't know if Nix and Bern are close. Nix will be his brother-in-law, hindi ba dapat close sila? Bakit parang hindi sila nag-uusap na dalawa? Ngumiti lang si Bern sa kanya kanina at tumango lang siya.
"Hindi talaga tayo aalis, Kuya?" natatawang tanong ni Denzel. Gusto kong tingnan si Nix pero konsensya ko na ang nagsasabi na huwag.
"Tapos ka na talaga, Quiana?" tanong ni Bern at sumubo ng kanyang pagkain.
Tiningnan ko naman ang plato ko na sobrang kaonti lang ang bawas. I can't even move, I can't even eat! He is damn staring at me! Bakit naman kaya ganito siya umakto?! Is he deceiving me?! At ako naman si gaga, nagpaloko.
"You'll die virgin, Kuya." nagtawanan naman si Denzel at Cyril. Nakita ko rin ang pag pigil na tawa ni Bern.
Napatingin ako kay Nix at tumama ang mga mata naming dalawa. Nakahalukipkip ito. Mas lalo na depina ang katawan niya. Shit! Why so fucking hot, Phoenix Ferguson?!
"Hi! You're the designer my kuya hired, right?" hindi na siguro makapigil si Denzel sa kakatahimik lang. As I can see, siya ang makulit unlike Cyril na tahimik lang at palangiti. Iyong kontento lang kapag walang maingay.
Tumango naman ako doon kay Denzel.
"What is your name again?"
"Quiana del Carmen." sagot ko.
He nodded and smirked. "May tanong ako... By any chance, kapag walang fiancee ang kuya ko.... Magkakagusto ka ba dito?" Bern clapped his hands. Binatokan naman ni Cyril ang kapatid niya pero natatawa. Uminit ang pisngi ko. Bubuka ko na sana ang bibig ko ng tumayo si Phoenix.
"Let's go, idiots." sabi nito.
Tawang tawa talaga si Denzel sa tanong niya! Ako naman hiyang hiya! Hiyang hiya kay Phoenix at mas lalong hiyang hiya sa sarili ko! Kasi kahit nga may fiancee siya ay nagugustuhan ko siya which is very wrong kasi pinsan ko ang fiancee niya!
"Bukas. 10am. Magkita tayo." akala ko umalis na ito pero may pahabol pa itong sinabi sa akin. I didn't answer nor even nodded.
Bakit naman ako magpapakita?! Because you're assigned for their wedding, Iana! Damn. Trouble.
"Gusto ko yung kapatid niya... Ang straight forward..." tawang tawa na sabi ni Bern. I just rolled my eyes at her.
"Oh akala ko busog ka na?" tanong nito ng kinuha ko ang kubyertos ko.
Atlast! Makakain na rin ako! No Nix looking at me! No Nix making me feel conscious! No Nix bothering me, my mind and my heart!
Thank you Lord!
Why my friends tolerating me for this?! They all know that this is wrong... Especially Bern Gil! Alam niyang mali ito! Kapatid niya ang masasaktan dito!
After the dinner, Bern contacted Madi and Lexa. Lumabas kaming apat. Chill lang. Umiinom silang tatlo habang ako ice tea lang.
Napatingin naman ako sa mga teenagers na nandiito sa Crate. It is a place where you can chill at afternoon by drinking coffee and at night by drinking beer. When I was in highschool, hindi talaga ako pumupunta sa mga ganito. Ngayon na lang talaga kung saan naka graduate na ako. Unlike Francine before, I remember when we were in highschool, matanda ako ng isang taon sa kanya. Minsan umuuwi ito ng madaling araw na. Wala ang parents niya sa bahay, at hindi naman iyon napapansin ni granny. O kahit naman napapansin ni granny ay hindi niya naman ito pinapagalitan. Ganoon rin naman kasi ang Kuya ni Francine na si Kuya Frank. Pareho silang dalawa kaya pinagtatakpan ang isa't isa. Ang layo talaga ni Bern sa kanila. Wala namang pakialam si Bern sa kanila kaya hindi na rin nagsusumbong.
"Baka magustuhan ka rin niyang Phoenix na yan, bes!" natatawang sabi ni Madison sa akin.
I shook my head. "Impossible."
He will get married and what worse is to my cousin. I am not born to wreck a so damn good relationship. Attraction lang kaya 'to? Eh sobrang attraction naman kung ganoon! Halos araw araw ay tumatakbo sa isip ko. Attraction pa rin?!
"If you will get torn... Go back to Paris, Iana." sabaya halakhak ni Lexa. I showed them my middle finger kaya tawang tawa silang tatlo.
"Isang tanog isang sagot." sabi ni Bern at ginawa pang mic ang kamao niya. Tinapat niya ito sa bibig niya. "Kung walang kasalan, may pag-asa ba siya sana?" tinuon niya naman sa akin ang microphone niya kuno.
"Sana." diretso kong sagot. Naghiyawan naman silang tatlo at nagpalakpak.
Sabi nila masarap ang bawal.... Masarap nga ba?
BINABASA MO ANG
Stolen Heart
RomanceLalaking may isang salita. Lalaking paninindigan ang responsibilidad. Lalaking may takot. At madami pang katangian na meron si Nix Ferguson. Yung bang 'ideal man' talaga. Kaya mapapagkatiwalaan talaga ito. Hindi hilig sa mga babae, sa mga flings, at...