10am nga sinundo ako ni Phoenix sa bahay. Granny was amazed.
"Iana! Hindi ka pa nakapag-ayos!" sabi ni granny. Bakit naman ako mag-aayos? Ni hindi nga ako sigurado kung totoo iyong sinabi ni Phoenix kagabi.
"It's okay, madame... I'll wait..." sabi ni Phoenix. I rolled my eyes and went upstairs.
Isang oras at kalahati ang tinagal ko. I used a hanging crop top na merong shut up sa gitna at high-waisted shorts. I used my flats too and may black sling bag.
Tumaas naman ang kilay ni Phoenix sa akin ng bumaba ako.
"Mauna na kami, granny." humalik naman ako sa pisngi niya.
"Ingat kayo! Iana, please manage Francine's wedding well, okay?" tipid akong ngumiti at tumango.
"Palagi ka bang nakukulangan sa tela?" tanong ni Phoenix sa akin ng lumalakad kami palabas ng bahay.
"Inaano ka ba ng damit ko?"
"It's.... Nevermind..." binuksan niya naman ako ng pinto ng sasakyan niya. Ferrari.
"Saan tayo ngayon? I need to finalize Francine's wedding gown. May kaibigan si Bern na pwede kong ipagawa. Para sa kanila naman ni mommy mo at Kennedy at tatapusin ko." sabi ko.
"You don't have a clothing line here?" he asked.
"I'll be applying at Bern's friend's line. Tatapusin ko muna ang kailangan kong gawin for Francine." he nodded.
"Anyways..." I calmed myself down. Ayaw kong maging maldita sa kanya araw-araw. It feels good to be good. "Yung kapatid mong modelo? Hindi uuwi?" I asked.
I already remember her! Stacey Madge Ferguson! Isa siya sa sumuot ng gawa ko for her finale! She is a good model! Mapapanganga ka talaga kapag mag catwalk na ito.
"Hindi... Bakit?"
"Wala lang. Kasal mo iyon. Mas maganda kung kumpleto ang pamilya mo." sabi ko.
"She's very busy at kasal lang naman iyon."
What? Anong lang? Hindi lang ang kasal! I shook my head and rolled my eyes at him.
"Anong gagawin natin dito sa mall?" tanong ko sa kanya.
"I'll buy you clothes."
"Huh?"
"I don't like the way you dress---"
"Okay... Okay..." natigil naman siya. Natatawa ako habang sinasabi iyon. Humarap ako sa kanya at nakatingin rin siya sa akin.
Bakit parang hinihigop ako ng mga mata niya?
"If you can tame Francine then sorry, Nix. You can't tame me. I am fashion designer. What do you expect me to wear?" tanong ko.
"You're in the Philippines. You can dress simple---" natawa ulit ako kaya natigil siya.
"For your information, Phoenix Ken C. Ferguson. Ang ganitong klasing suot ay pang tulog ko lang ito sa Paris. Okay?" sabay ngiti ko sa kanya. His jaw clenched. I rolled my eyes and went out of his Ferrari.
Ano siya? Tatay ko?! Duh.
Habang lumalakad sa loob ng mall ay may mga lalaking tumitingin sa akin. Yung kahit malagpasan ko na sila ay titingin at titingin pa talaga. Seriously?
"Ano ba!" naiinis kong sabi sa kasama ko ng hinigit niya lang ako bigla papasok sa isang boutique.
"Phoenix!" naiinis na ako ah!
"What your shirts says?"
"Shut up?" he then smirked.
"Then do it." what the fuck?!
![](https://img.wattpad.com/cover/73694612-288-k898703.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Heart
RomanceLalaking may isang salita. Lalaking paninindigan ang responsibilidad. Lalaking may takot. At madami pang katangian na meron si Nix Ferguson. Yung bang 'ideal man' talaga. Kaya mapapagkatiwalaan talaga ito. Hindi hilig sa mga babae, sa mga flings, at...