Kabanata 13

354 12 0
                                    

Happy Valentine's Day! XOXO, Miss C

----------------

Kinain ako ng guilt ng nagyaya si Francine mag skype sa akin. She asked me about their wedding at nasasagot ko naman iyon. I can't look at her eyes.

"I am excited for the wedding gown! Three more months couz, uuwi rin ako diyan!" ngumiti naman ako sa kanya.

"Take your time, Francine. Tinutulungan naman ako." at masama ang pagtulong ng fiance mo kasi nauwi sa sobrang mali. Fuck, Quiana.

"Nix and I talked last night too. He seems excited too!" nakangiting sabi niya. Parang sinaksak naman ang puso ko sa sinabi niya.

Pilit naman akong ngumiti. "Ta-Talaga? Naki-Nakikita ko nga eh."

She shrieked and showed me a picture of Nix. "He sent me this last night! God! He is ozzling hottie now! Nakakainis! Dalawang buwan lang naman ako nawala!" kinikilig na sabi niya.

She showed me the selfie of Nix. Nakangiti doon si Nix at topless siya. Parang nakahiga na iyon sa kanyang kama.

I pressed my both lips. 

"Frans, I'll need to go now. May lakad ako kasi with Madi and Lexa." paalam ko.

"Okay! Bye couz! Love you!" she then sent a kiss.

Ngumiti lang ako sa kanya. I didn't answer her love you. Kapag malaman mo ang nangyayari ngayon Francine, masasabi mo pa kaya yan sa pinsan mo?

Phoenix:

I'll see you tomorrow. I am busy today. Sorry.

Me:

It's okay. Aalis kami ni dad, he'll buy me a car.

May mga araw na nakakaramdam ako ng guilty pero kapag kasama at kausap ko siya ay parang hindi ko nararamdaman na sobrang mali ang naging desisyon ko.

"I prefer this Ford Explorer for you, Iana." sabi ni daddy sabay turo sa puting Ford.

"Too big dad."

"It's okay anak. At diba sabi mo magta-trabaho ka muna dito? Para hindi ka mahirapan sa mga gamit mo at sa mga dadalhin mong equipment." 

Phoenix:

So what did you choose?

Me:

Ford Explorer. It's dad's choice not mine.

Hindi ko naman binuksan muna ang reply ni Phoenix ng inorient ako ng isang trabahador about the car. I know how to drive, pero minsan ay palpak ako pag sa parking na. BMW ang sasakyan ko sa Paris at okay lang iyon na ipark. I don't think I can park this one properly.

When it's done, si daddy na ang nagbayad doon. Kinuha ko naman ang cellphone ko para makapag reply kay Phoenix.

Phoenix:

It's good, Iana. But you can't use it everyday. I can fetch you :)

I pressed my both lips.

Me:

Hindi naman ako araw araw umaalis, Nix. Minsan lang kapag may lakad ako kasama sina Madi.

Phoenix:

You're so clever and I hate it.

Natawa naman ako. Nakakunot naman ang noo ni daddy na tumingin sa akin. I blinked twice to show him how cute her daughter is.

"Gutom lang yan. Saan mo gusto mag lunch?" he asked.

Nix and I are still texting. Napaisip naman ako, akala ko busy? Ba't nag te-text?

Stolen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon