Malakas kong sinara ang sasakyan niya. Just what the hell!? Hindi nga kami close diba? Bakit naman siya nangialam.
"Bwiset." sabi ko at nilakas ko talaga para marinig niya. I heard him chuckle. I rolled my eyes. Sarap saksakin sa ngalangala.
"You're annoyed?" he asked.
"Nope! Hindi! Hindi talaga!"
"I can hear sarcasm."
"Edi wow!" sabay irap ko sa kanya at humalukipkip.
Nakakainis siya! Sa 30 minutes na biyahe ay stereo lang ang nag ingay sa sasakyan niya. Wag niya akong ma kausap usap kasi hindi kami close na dalawa.
"We're here." sabi nito.
Lumabas naman ako at bumungad sa akin ang napakagandang resort. Pwede maging garden wedding o beach wedding!
"I prefer the garden, iyon ang gusto ni Francine." sabi ko at inunahan na siyang lumakad. Halos chineck ko lahat lahat doon. Kung ano ang pwede kong ma suggest na ilagay at ano dapat ang ibabagay kong wedding gown sa kanya at para sa bridesmaid at maid of honor niya.
"We chose the church wedding. Dito lang ang reception." tumigil naman ako sa paglakad at hinarap siya. Napatingin naman kaagad siya sa tiyan kong nakalapas dahil sa suot suot ko. Hindi lang tiyan ang nakalabas, even my shoulders! I should wear long sleeves next time.
"Seriously?"
"Well, it's my Mom's suggestion. Iba kasi daw kapag sa simbahan. Francine respected her decision at sumangayon rin naman ang mga magulang ni Francine doon." sabi nito. Of course, sasang-ayon sila especially Tito Ford kasi bilyonaryo ang mapapangasawa ng anak nila. So dapat pakisamahan talaga. Napailing naman ako sa na isip ko.
"Then let's go to the church." sabi ko.
"Just check the garden first. Mamaya na doon." sabi nito.
Whatever.
Halos na imagine ko na ang pwedeng mailagay para sa reception niya at na imagine ko na rin ang pwede kong gawing wedding gown para sa pinsan ko.
"We need to order many tulips to decorate---"
"Francine wants daffodils." napatingin ulit ako sa kanya. Umiwas naman siya ng titig ng nahuli ko siyang nakatingin at sinusuri pa rin ang suot ko. Hindi pa ba siya tapos dito!? Is he a fuck boy!? Kasi kung oo! Wrong choice Francine!
"As far as I can remember, since hindi naman nagsabi si Francine sa akin ng color motif niya. I bet gusto niya ay baby blue." sabi ko.
"She prefers yellow or gold."
All that I've suggested was wrong! Hindi ko inakala na iba na pala ang mga gusto ni Francine sa kasal niya!
"Seriously? Kailangan pa ba ng suggestion ko? Edi sana ikaw na lang pumunta dito kasi alam mo naman pala lahat. Sana sinabi mo na lang sa akin diba? Edi sana ngayon gumagawa ako ng mga gowns para isu-submit sa isang clothing line." sabi ko at mabilis siyang iniwan doon. Parang umakyat naman ang dugo sa mukha ko ng tumawa siya.
Ughhh! What type of man is he, Francine!?
Inirapan ko naman siya ng nagkatinginan kami, ngumisi naman ito.
"Hindi ko inakala na masungit ka pala, Iana."
"Well, get use to it, Phoenix. Ilang buwan tayong magkakasama na dalawa. I'll bear your trashy attitude." malditang sabi ko. Tumaas naman ang sulok ng labi niya at humalukipkip ito.
Damn hot. Lucky Francine.
"Ba't ba ang sungit mo sakin?" tanong nito.
"Do I need a reason? Can you just please stop talking to me!? Naiirita ako! Ihatid mo na ako sa bahay ngayon na! The day after tomorrow na lang tayo magkita ulit for the reception!" tinawanan niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Stolen Heart
عاطفيةLalaking may isang salita. Lalaking paninindigan ang responsibilidad. Lalaking may takot. At madami pang katangian na meron si Nix Ferguson. Yung bang 'ideal man' talaga. Kaya mapapagkatiwalaan talaga ito. Hindi hilig sa mga babae, sa mga flings, at...