Chapter 1

2.6K 28 0
                                    

Ang plano ko lang naman talaga ay mapasa akin ulit ang Ex boyfriend ko dahil mahal na mahal ko pa din siya!

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon sa girl friend niya ako nagkagusto! Ano ba naman tong gulong pinasukan ko!

Mika Reyes Pov

Hi, Ako nga pala si Mika Reyes. 20 years old. Mayaman, mataray, maganda, sexy, habulin at isang volleyball player sa La Salle. Meron akong Ex boyfriend na mahal na mahal ko pa din. Siya si Kiefer Ravena. Hayyy! Ito na naman ako napapaisip kung paano siya mapapasa akin ulit! Epal kasing Alyssa Valdez na yon! Inaagawan ako hindi ba niya alam kung sino ang kinakalaban niya?! Humanda siya sa akin hindi ako titigil hanggat hindi bumabalik sa akin si kief!

Alyssa Valdez Pov

Hi, Ako nga pala si Alyssa Valdez Aly or Ly nalang para mas okay. 20 years old.  Tinatawag din akong Phenom ewan ko ba bakit ganyan pa ang tawag nila sabi nila ang galing ko daw sa volleyball e! (Pahumble 😂)  Isang mabait na anak. Mayaman, mabait, sexy, malambing syempre player ako ng volleyball sa Ateneo De Manila Univ. Meron akong manliligaw na si Kiefer Ravena. Binigyan ko na siyang chance since matagal na din naman na kami hiwalay ng Ex boyfriend ko kaya hinayaan ko na din. Pero dahil kay kief ang dami kong naging basher MAS dumami pa nga yata dahil kay Mika Reyes na Ex Girlfriend niya. Hayyy! Hindi ko naman mapipigilan ang mga tao sa kanilang iniisip basta ang alam ko wala akong ginawang mali hindi ako nang- agaw! Mas lalo tuloy akong nakocompare kay Mika kesyo ganito o ganyan. Nalaman ko pang may attitude din yon. Last time nagpost siya sa twitter about  "second chance". Feeling ko talaga mahal pa niya si Kief eh! Kaya siya gumaganon pero wala na akong pakialam don. Gumawa siya ng move niya kung gusto niya pang bumalik sakanya si Kief basta ako nananahimik lang dito.

Pero paano nga ba kung biglang nagbago ang lahat?

Paanong nainlove ako sa Ex girlfriend ng Manliligaw ko? Ang babaeng dahilan kung bakit ang dami kong basher!  (Manliligaw muna lagay ko. Tsaka na boyfriend para mas mapahaba ang storya! Hahaha)
Mababaliw ako kakaisip! Nakakabwisit talaga yong Reyes na yon napaka pacute kasi ayan tuloy nainlove ako!

Okayy guys! Try ko lang gumawa ha? First time ko to. Para naman maiba. Puro kasi bash kay Mika or Aly e. Bakit hindi natin itry na sila naman ang magkasama sa isang fan fic diba? Wala naman masama. Actually madami na akong nabasa sa UAAP CONFESSIONS! #TeamBabe? #TeamMikaSa.
Pero Alyden fan din ako mas nauna sila. Try ko lang talaga gumawa guys. Wala namang masama diba? Tsaka kung ayaw niyo ng flow ng story ko huwag niyo nalang po basahin mas okay yon. Hindi ko po kayo pipilitin na basahin. Basta ako may idea lang. Kaya ko to ginagawa. Nakikita ko pa nagkakasundo ang fans ni Aly at Mika dahil lang sa fan fic nila. Atleast dito parang totoo sila!
So guys. SORRY NA AGAD kung pangit flow ng story ha?

Spread the love. 💚💙

The Girlfriend Of My Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon