Chapter 39

1.1K 16 0
                                    

Cont..

Aly's Pov

Gustong gusto ko talaga magskating kaya niyaya ko na si Mika. Sawakas bati na kami! Hahaha napagisip isip ko na dapat na namin ipaalam sa lahat kung ano talaga kami. Alam kong may makakatanggap sa amin meron din huhusga sa amin hindi naman na yata mawawala yon dito sa bansa natin. Pero wala akong paki kung ganon man ang mangyari! Basta magsasaya lang kami..

Agad kaming nagskating paikot ikot lang kami ni babe. Tawanan kami ng tawanan dahil hindi niya ako mahabol kaya naman huminto ako at lumapit sakanya niyakap niya ako agad. Nakarinig naman kami ng bulong bulungan.

Hala bakit ang sweet nila?

Si Mika at Alyssa yan diba? Bakit ganyan sila kaclose?

Kinikilig ako! Bagay na bagay sila!

Omg! Ang mga idol ko! Sure trending na sila agad mamaya!!*

Tara magpapicture tayo!!!

Syempre hindi mawawala ang mga pangit na reaksyon

Hindi na nahiya. Parehas babae eh!

Ano ba yan! Hindi manlang iniisip ang sasabihin ng iba.

Tomboy pala sila?! Sayang ang ganda ganda nila e!

Kaya pala iniwan si kiefer kasi babae ang gusto! Hahaha

Hindi ko napigilan ang hindi mainis kaya lumapit ako sa kanila.

Aly - Alam niyo po kung magbubulungan po kayo wag naman po yung rinig namin. Yes po tomboy kami. Babae ang gusto namin. May problema po ba? Mahal po namin ang isat isa kaya po ganito kami kumilos. Pasensya naman po kung nandidiri kayo ha? PASENSYA TALAGA!

Agad naman tumalikod sa akin ang dalawang babaeng pakielamera! Atleast kinausap ko sila ng maayos diba?!
Inawat naman ako ni Mika. Hay. Nawalan tuloy ako ng gana.

Mika - Babe. Ang war freak ha? Hahaha thank you dahil proud ka sa kung anong meron tayo. Mahal na mahal kita Aly!

Aly - kasi naman babe e! Aba kung ikaw naman ang magiging karelasyon abay jackpot na jackpot na! Mahal na mahal din kita babe.

Agad ko siyang kiniss sa labi nakarinig kami ng hiyawan kaya napatingin kami sakanila. Hahaha kinikilig sila nginitian nalang namin at lumabas na kami sa ice skating manunuod kami ng movie.

Nanuod kami ng Hitman Agent 47 (wala akong maisip e) ang galing talaga!

Ff

Pauwi na kami ni Mika ihahatid na niya ako. Ayoko ng ginagabi siya masyado. Bukas ay uuwi muna kaming dalawa sa batangas miss na namin sila Inay. Yayayain namin sila ni Mika na magpunta sa bulacan para magsama sama sana kami! Masaya yon sigurado ako.

Aly - Babe? Anong iniisip mo?

Mika - hmm. Babe nagpapansinan ba kayo ni Den?

Nagulat naman ako sa tanong niya bat naman kaya niya nabanggit iyon?! Nagseselos kaya siya?! Hala!

Aly - Hmm.. O..oo ba..babe nagpapansinan naman kami hehehe

Mika - talaga? Hindi ako galit o nagseselos babe. Pansin ko kasi ang ilangan niyo kanina lang di siya nakikigulo sa atin e diba? Parang galit siya..

Sabihin ko na kaya kay Mika? Pero baka masaktan siya?! MALAMANG! pero dapat honest ako sakanya.

Aly - babe? Wag kang magagalit ha? May sasabihin ako sayo.

Mika - Try me babe. Wag mo lang sasabihin na may iba ka baka mapatay kita. Hahahaha! Go na makikinig ako.

Hay ang bait talaga ni babe! Napabuntong hininga naman ako.

The Girlfriend Of My Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon