Chapter 16

927 6 0
                                    

Continuation

Aly - Ikaw miks ano ang sasabihin mo kamo?

Ayoko ng ganito kaya iniba ko na ang topic namin.

Pakiramdam ko ay matatanggal ang puso ko dahil sa kaba.

Mika - Aww. Congrats ulit Aly. Paano ba yan mukhang wala na talagang pag asa na maging sakin ulit si Kiefer.

Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

Nanlalambot ako. Nahihilo? Nasusuka? Hay ewan.

Hindi yan ang gusto kong marinig sakanya.

Akala ko pa naman ay aamin siyang may nararamdaman na siya sa akin. ASA NAMAN AKO!

Napangiti nalang ako ng mapait! Nasaktan na naman niya ako

Akala ko kasi e. Akala ko ako na.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili kaya natanong ko siya.

Aly - Kaya ka ba nakipagkaibigan sa akin ay para mapalapit kang muli kay Kiefer?.

Hindi ko alam kung bakit yan pa ang naisip kong itanong..

Sana HINDI ANG ISAGOT NIYA. PLEASE MIKA.

SABIHIN MO LANG NA KAYA KA LUMALAPIT SA AKIN AY DAHIL GUSTO MO TALAGA AT HINDI DAHIL KAY KIEFER.

----

Parang unti unti pinapatay ni Alyssa ang puso ko. Hindi ko madescribe kung anong sakit ang nararamdaman ko

Hindi ko mapigilan ang aking luha matapos niyang sabihin iyon

Mas nagulat ako ng tanungin niya na kaya nakipagkaibigan ako sakanya ay dahil lang kay Kiefer

Naisip ko agad na ganon nalang nga ang sasabihin ko para wala na. Para tapos na ang lahat.

Bakit naman siya masasaktan kung sabihin kong dahil kay Kief kaya ganito ako.

Para matapos na ay sinagot ko na siya. Gusto ko na din umalis sa lugar nato.

Mika - Oo Alyssa. Kaya ko yon ginawa ay para mas malapit ako kay Kiefer. Pakiramdam ko kasi kapag close kita ay mapapansin na niya ulit ako. Mula kasi ng ligawan ka niya ay nafocus talaga siya sayo. Naiinggit ako sayo. Dahil MAHAL KA ng MAHAL KO!

Labag man sa loob ko na sabihin yan ay ginawa ko na.

Isang malakas na sampal ang binigay niya sa akin.  Pero hinayaan ko lang siya hindi ko naman alam kung ano ang mas masakit ang sampal niya o ang pagsagot niya kay kiefer.

Aly - WOW! Just WOW Mika Aereen Reyes! What a speech e? USER KA! GAGO KA! Buti nalang talaga ay hindi ako nagpapaniwala sa mga sinasabi mo. Alam mo bang PINAGSISISIHAN KO NA MAY NANGYARI SA ATIN?! Nandidiri ako sa sarili ko! Binigay ko ang sarili ko sa taong hindi naman deserving! Sa taong ang gusto lang ay Laro!

Tumawa pa siya ng pagak at nagpatuloy ng pagsasalita.

Kaya ka siguro iniwan ni Kiefer ay dahil sa hilaw mong ugali no?!  Mabuti nalang mas sinunod ko ang isip ko. Mabuti nalang talaga! At thank you nga pala sa pagcongrats makakarating kay BABE yan!

Para akong pinapatay sa mga salita pa lamang ni Aly. Grabe! Pigil na pigil ang iyak ko. Mas doble na ang sakit.

Matapos ng mahaba niyang sinabi ay tumalikod na siya sa akin. Hahabulin ko pa sana siya ng bigla siyang humarap ulit at magsalita.

"Nga pala I won. SAKIN NA SI KIEFER. kaya mula ngayon wag na wag kanang lalapit sakanya. Ayoko lang dahil selfish ako. At yung nangyari sa atin noong retreat pinagsisisihan ko na yon."

The Girlfriend Of My Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon