Aly's Pov
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Galit si Mika sa akin. 😞 Agad ko siyang sinundan. Magpapaliwanaga ako.
Dumaan lang siya kila Miko at Mikole para magpaalam na pupunta na sa kwarto.
Miko - idol, bakit umiiyak si Ate Mika?
Nagulat naman ako. Si Mika umiiyak?! Argh! Gago ka kasi Aly e! Oyan tuloy. Palagi mo nalang sinasaktan si Mika e wala naman ginawa yon kung hindi mahalin ako e.
Okay. Sana tama na gagawin ko para matapos na yung mga ganito..
Agad akong pumunta sa kwarto namin. Diretso lang ako pumasok nakita ko siya agad sa kama namin nakadapa nakatakip ng kumot ang buong katawan! Tss.
Aly - Babe?!!! Bangon ka dyan let me explain!
Tama kayo sa nabasa niyo BABE ang tinawag ko sakanya! Pero wa epek e!
BABE naman eh! Alam kong gising kapa dali na usap tayo!!!!
Ulit kong sabi sakanya pero wala pa din! Pinapahirapan talaga ako ng bwiset!
Aly - Ah. Okay ayaw mo pala akong kausap e. Ade iba nalang kakausapin ko.
Mika - Ade wow! Magsama kayo ng mga kabit mo! Parehas kayong malalandi!!!!
Agad akong lumayo ng kaunti at nagkunwaring may kausap.
Hello BABY?
Oh? Talaga. Sige sasabihin ko kay Momager mauna na akong bumalik sa Manila dahil may DATE TAYO!
HAHAHAHAHAHAHA MABILIS BUMANGON SI BAKULAW! Agad naman niyang inagaw ang phone sa akin!
Hello?! STOP CALLING HER BABY! Aly is MINE!!! Fuck Off!!!.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tawa lang ako ng tawa! Bakulaw nato! Kung makahiyaw akala naman talagang may kausap sa phone.
Napatingin siya sa phone agad naman niya binato sakin ang phone at agad na bumalik sa pagkakahiga! Aray ha! Agad akong pumatong sakanya at yumakap! Wala na akong ibang magagawa kundi eto nalang sana umepekto.
Mika - ALY! tabi dyan ang bigat bigat mo e! Alis!!!
Tinutulak pa niya ako pero lalo akong sumiksik sa leeg niya. Yinakap ko siyang mabuti!
Aly - Ayaw mo akong kausapin paano!
Mika - Magsama kayo ng BABY mo! Pwe! Ang baduy!
Aly - Okay. Sige pagkatapos natin magusap sakanya na ako!
Agad niya akong kinagat sa tenga! Bwiset.
Mika - de wow! Ang insensitive mo hano?! Alam mo namang mahal kita tapos ganyan kapa!
Aly - Paano ayaw mo nga ako kausapin e! Kanina pa kita kinukulit e. De sige wag na. Sayang naman. may sasabihin pa naman ako sayo e.
Agad akong tumayo sa kama at naglakad papunta sa pinto.
Mika - Alam kong walang kwenta yung sasabihin mo. Tss.
Aly - Hindi na kita Gusto. MAHAL NA KITA. TAYO NA PARA HINDI KA NAGKAKAGANYAN. So walang kwenta sayo yan?! Okay sige bye na.