Hindi pa din ako mapalagay sa sinabi ng babaeng nabangga ko. Feeling ko si Alyssa yon. Pagkatapos kong magc.r ay agad akong bumalik sa room kung saan kami nakapwesto.Medyo tipsy na ang lahat kaya naman nagyaya na silang pumunta sa dance floor maganda na kasi yung tugtog e.
Aduke - guys! Tara na sa dance floor? Kembot na kembot na ako e oh?
At kumembot pa nga ang loko.
Kim - Ay ano ba yan aduke. Nakakasuka ka sumayaw! Hahaha
Aby - Oo nga aduke.
Pigil ang tawa namin.
Aduke - wow ha. Ikaw Kim bawal kang sumama sa dance floor at baka mawala ka mag aalala pa kami.
Nagtaka naman kaming lahat sa sinabi ni Aduke. Kaya naman sabay sabay kaming nagtanong ng...
BAKIT NAMAN MAWAWALA?!
Aduke - Aba! Kita niyo. Ang dilim sa dance floor e ang itim ni Kim diba? Baka hindi na natin siya makita mamaya. Mahirap na naninigurado lang ako aba!
HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA sobrang sakit na ng tyan namin kakatawa loko talaga tong si aduke e. Agad siyang binatukan nila Kkd dahil sa sobrang tuwa.
Kim - Wow! Ang puti mo aduke ha? Mas makinis kapa kay yeye. Mahihiya ang kutis nila. Makatukso kang maitim ako e no? Hahahaha
Dawn - tama na yan! Tara na nga kasi!
Agad naman nagtayuan ang lahat. Don sila sa gitna dumiretso mga wild talaga! Tss.
Ako naman at si Kimmy sa gilid nalang pumwesto ayoko sa gitna amoy pawis kaya. Hahahaha
Papatay patay ang ilaw pero nakikita ko pa din naman ang mga mukha nung sumasayaw lalo na pag natatapatan ng ilaw.
Todo sayaw naman kami ni wafs. Dala na din ng alak. Hahaha!Tawa lang ako ng tawa dahil parang tanga si wafs. Imagine kumekembot siya kadiri! Hahahaha
Nahinto ako sa pagtawa ng may napansin akong dalawang tao na parang kilala ko.. Hinintay ko lang na tumapat sa kanila ang ilaw para mas makita ko ang mukha.
Likod palang niya kilala ko na... Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
Pero bakit naman siya pupunta dito diba? At sino ang kasayaw niya. Dikit na dikit sila. Kahit malapit sila sa pwesto namin ay hirap akong kilalanin ang muka nila.
Sakto naman natapatan sila ng ilaw. Si Dennise ang kasayaw?!!!!!!! At tama ba tong nakikita ko?!!!! NAGHAHALIKAN SILA!
Huminto ako sa pagsayaw hindi naman ako napansin ni wafs. Tinitingnan ko lang sila.
Tama nga ako si Alyssa at Dennise nga ang dalawang magkayakap at napansin ko na ang isang kamay ni Alyssa ay nasa pants ni dennise! Ano to make out sa crowd?! Hindi ba sila natatakot na may makakita sakanila?!
Meron na ngang Kiefer may dennise pa!!!!
Muli nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Ang dami ko naman kaagaw sakanya.
Mukang sarap na sarap sila sa ginagawa nila kaya tinuloy lang nila. Mas lalo pang yumakap si Dennise.
Biglang may humawak sa kamay ko. Alam kong si wafs na to. Napansin na niya siguro ang tinitingnan ko. Alam na niya agad na nasasaktan ako.
Kim - Ye? Tara na.
Nakaramdam yata siya na pupuntahan ko sila Aly.
Ye? Tama na! Wag mo ng tingnan mas masasaktan ka pa.
