Gaya ng plano ni Mika na titigilan muna niya si Alyssa.
Thursday wala namang bago. Nag aral nag training kumain at kung ano ano pa.
Hindi hinahawakan ni Mika ang kanyang phone baka hindi niya matiis na hindi itext si Aly o tingnan manlang ang mga account nito.
Hinayaan na din niya na manligaw sakanya si Jerome hindi niya alam kung paano siya pumayag basta ang alam niya kailangan niyang makalimutan si Alyssa.
Bukas sabado na. Hay magkikita na kame.
Kaya ko ba? Okay na ba ako?
Hindi ko na alam
---
Hays. Bakit kaya namimiss ko ang pangungulit niya sa text? Bakit?!!!!!! Tss.
Buti nalang talaga di ko pinatulan ang kaartehan niya.
Ganito naman pala ang gagawin. Minsan magpaparamdam. Madalas naman hindi.
Ginugulo niya talaga ang isip ko.
Hindi bale bukas opening na at may game kami siguradong magkikita kami.Saturday.
Opening ng UAAP SEASON 76.
First game Adu vs N.U
Pero nasa kani kanilang dugout na ang lady spikers at lady eagles
Hindi naman mapalagay ang bawat isa. Lahat kabado.
Ang isa naman sa Lady Spikers ay kabado ngunit hindi sa laro kung hindi sa taong ayaw na muna niyang makita.
E bakit ba niya iniisip yon?! Tss
Manunuod si Jerome kaya kailangan ko magfocus. Kasama niya ang pamilya ko.
Sigurado namang manunuod din si Kief para suportahan siya.
Matapos ang first game ay nagwagi ang N.U bulldogs.
Bago pa man lumabas ng dugout ang Lady Eagles ay kinausap muna sila ni Alyssa.
Aly - Okay guys. Alam kong mahirap ang laban nato. Dahil defending champs agad ang kalaban natin. Pero ibigay pa din natin ang best natin ha? Yung mga play magstick tayo don.
Yung cover ha? Yung pag spike. One step at a time. Ang kaba nawawala din yan. Basta focus lang tayo!!!! Okay ba? HEARTSTRONG?
Ale - LETS DO THIS! HEARTSTRONG!!!!!!
At sabay sabay silang lumabas ng dugout para pumunta na sa court.
Eto na Aly makikita muna siya.
Sabay sabay lumabas ang dalawang grupo. Agad namang naghiyawan ang crowd!
GO ATENEO ONE BIG FIGHT!
ANIMO LA SALLE!
Yan lang ang paulit ulit na naririnig nila.
Matapos ang diskusyon. Isa isa ng tinawag ang player ng Ateneo.
And the captain of Lady Eagles.
Wearing number 2. ALYSSA VALDEZZZZZZZZZZZZ!
Halos magiba na ang Moa sa sobrang lakas ng hiyawan!
And the Libero. The great partner of Alyssa.
Wearing number 13. DENNISE LAZAROOOOOOO!Lumakas na naman ang hiyawan. Mayroon pang ALYDEN! ALYDEN! ALYDEN!
Meron pang nalalamang great partner tong announcer nato! Ipakain ko sakanya yung Mic e! Kabwiset! Payakap yakap pa tong Alyssa na to! De wow!
