Lahat ay busy sa finals exam. Finals week na nila. Kaya naman sa next monday ay official na nilang bakasyon.Ang magkarelasyon na Mika at Aly naman ay kinakaya ang lahat. Kahit wala silang masyadong oras sa isat isa ay hindi nila hinahayaan na hindi makapagtext or chat sa isat isa. Napaguusapan nila ang about sa monthsary pero ayaw ni Aly ng nagsecelebrate kaya naman napagkasunduan nalang nila na tuwing anniversary nalang.. Hirap man dahil gusto man nilang magkita araw araw ay hindi pwede dahil sa mga taong nakakakilala sakanila siguradong ipapakalat agad sa social media. Madalas pa naman ay maghihinala agad sila. Kaya naman sa dorm nalang sila ng Lady Spikers nagkakasama mas safe.
Pero hindi lahat ng secreto maitatago....
Flashback.
Sunday ngayon kaya naman pupuntahan ko nalang si Mika sa Dorm nila. Wala lang may usapan kasi kami. Kahit nagtanong ang team mates ko kung saan ako pupunta ay nagsinungaling nalang ako. Si Dennise naman ay wala na talagang pakialam sa akin para na akong hangin sakanya never niya akong kinausap kahit anong kausap ko ay wala pa din. Sobrang galit talaga siya.
Agad akong nagbyahe papunta sa dorm ng Lady Spikers. Ang dami din nakapligid na dorm dito or apartment. Agad akong bumaba sa kotse ko hindi na ako nagcap dahil siguradong hindi interesado ang Lasallista sa akin.
Pero mali ako...Afternoon ay nasa kwarto kami ni Mika habang hinihintay ko siyang makaligo ay nagonline muna ako..
Spotted Alyssa Valdez @Lady Spikers dorm.
Ang dami agad comments sinasabi kung sino ang pinupuntahan ko. Ang iba iniisip na si Kim. Sinasabi din nila na ang awkward samin ni Mika kung ganoon. Wala silang kaalam alam na si Mika ang dahilan ng papunta ko dito. Nag out agad ako sa account ko ng makita ko si Mika na nagbibihis. Wala lang sakanya na nandito ako nakita ko naman na daw lahat sakanya e. Kaya ganyan siya kumilos. Magmovie marathon lang kami sa laptop niya. Tamang tama umuulan ngayon cuddle weather! Hihihihi
Mika - Babe. Bakit ka nagsmile?
Aly - I just so happy babe.
Agad kong niyakap si Mika ang bango niya talaga. Napili namin panuorin ang The Perfect Guy. Intense siyang movie ha.
May asawa kasi yung girl pero nagkasawaan sila kaya nakipaghiwalay siya. Kaya naman nakakilala siya ng BAGONG GUY. tuwang tuwa siya dahil para sakanya PERFECT yung boy. Pinakilala niya sa parents niya but later on kapag may lalapit na iba kay GIRL nagagalit si boy mas malala pa dahil nakikipagaway talaga siya. He almost kill those man na nagtatry sa GIRL. Nagulat naman si GIRL sa asal nung BAGO niyang JOWA! Naobsessed sakanya. Nakipaghiwalay siya pero ayaw nung BOY! Kaya naman iniiwasan niya pero lagi siyang sinusundan nung BOY kaya nagreport siya sa POLICE. Nakipagbalikan siya sa EX niya. BUT pinatay nung PERFECT GUY yung ex niyang nakipagbalikan sakanya. Ganern basta ang huli napatay ni GIRL si PERFECT GUY!
(Panoorin niyo ang ganda!)Amaze na amaze kami sa movie hanep!
Nagyaya naman si Mika picture daw kami. Hahaha parang baliw pinicturan niya ang mga paa namin. Siguro naman mahihirapan ang tao na magidentify kung sino diba? Tinakpan namin ng kumot ang binti namin.
Agad naman inupload ni Mika ang picture.
MikaReyesss- All aLong wt You. 🐼 *insert pic*.
Sana hindi makahalata ang mga tao dahil lang ng nakacapslock ay malalaman muna agad kung sino ang kasama niya argh!
Agad naman nagsipagcomment ang team mates ni Mika
@kimFajardo- cuddle WEaTher.
Loko talaga si Kim!
@Aduke - Wow! Ang ganda nung paa nung isa. Yung isa mabaho yan! Hahahaha 😙