Maaga palang ay gising na ang LS dahil masyado silang hype sa pagkapanalo.
Kanya kanya silang tingin sa social media. Mga pictures nila habang naglalaro. Tuwang tuwa ang lahat. Lahat sila ay nagpasalamat sa walang sawang pagsuporta sakanila.
Aduke - hayy. Di pa din ako makapaniwala na nagchampion tayo. Ang saya saya. May bonus pang mangyayari.
Ls- O ano naman yon aduke?!
Aduke - ang bonus ay yung aalis na sila Kim dito! HAHAHAHAHA
agad naman nakatanggap ng batok si aduke kay Kim ang iba naman ay natawa nalang.
Kim - Wow! Ang ganda ng bonus mo ha. Happy ka masyado! Mamimiss mo kami for sure!
Aduke - ewww!!! Ay nakita niyo ba ito?! Nakakalungkot.
Agad naman pinakita ni Aduke ang screen ng phone niya. Picture ni Alyssa. At may caption pang mahaba at sinasabing #PhenomOut.
Kim - Oo nga pala last playing year na ni Ly! Ganon talaga e. Pero sobrang galing niya pa din ha? 36 points! Wtf.
Ara - Oo nga wafs e. Daig pa scoring machine. Tsaka napansin ko matamlay siya lumaro kanina.
Cyd - Baka may problema?
Agad naman napatinginan kay Mika.
Mika - O e bat kayo nakatingin sa kin?!
Aduke - Hoy! Magkaaway kayo ni alybabe hano?!.
Mika - Hoy aduke ang pangit mo! Anong Alybabe ka dyan! Aly lang tawag mo sakanya! Loko na to! May tampuhan lang kami. Pero magiging okay din kami.
Majoy - Bakit ano bang pinagawayan niyo kasi?
Agad naman naisip ni mika na ishare na ang kanyang problema baka makatulong ito na gumaan ang kanyang loob.
Mika - Hmm. Kasi si Alyssa ayaw pa na sabihin sa public ang relasyon namin e. Isang taon mahigit na kami nagtatago sa public. Alam niyo yon parang hindi siya proud kung anong meron kami mas iniisip niya yung sasabihin ng ibang tao. Paano naman ako diba?
Kim - Lam mo kasi Ye, talaga namang mahirap yang pinasok niyo ni Alyssa. GANON TALAGA KAPAG GIRL TO GIRL MAY ISA SAKANILA ANG TAKOT. TAKOT SA SASABIHIN NG IBA! Mas worst yung hindi proud sa relasyon. Si Alyssa yung taong takot kasi ikaw confident ka palagi e.
Napaisip naman si Mika. Tama ang sinabi ni Kim na mahirap always na yata yon e. Ang kanya lang naman ay tanggap na sila ng family nila kaya hindi na nila dapat pa intindihin ang iba.
Ara - Tama si Wafs. Sa sobrang mahal mo si aly napaparanoid kana minamadali mo ang lahat. Mali yon daks. Kung kayo talaga ade kayo. Huwag mo/natin pangunahan kung ano talaga ang nakaplano satin hayaan natin. Kumbaga go wt the flow lang.
Aduke - TAMA! Opposite kasi kayo ni Alybabe este Alyssa. Ikaw confident siya naman shy type. O diba? Kaya hindi natin maiiwasan yan. Ikaw naman kasi te' feeling mawawala si Aly e.
Lahat ng sinasabi ng team mates niya pinapakinggan niya. Madami pang sinasabi ang iba pero wala siyang pakialam masyado siyang napaparanoid.
Masyado ko bang mahal si aly?
Agad na tanong ni Mika sa sarili niya. Alam naman na niya agad ang sagot.
Pinagusapan nalang nila ang nangyari sa finals para naman mawala na sakanya ang atensyon ng team.Naisip ni Mika na ngayon titiisin niya na si alyssa. Masyado na kasing nasasanay na siya nalang palagi ang gagawa ng move. This time si Aly naman ang mageffort.
--
ale's side
Ella - O e bat ganyan itsura mga aber?!