3rd POV (ff again.)
Naging masaya ang bawat isa sa nangyaring proposal. Nagtrending din ang MikaSa sa social medias. Nabigla ang lahat ng malaman nila na may relasyon pala talaga ang dalawa. Kabi kabilang network ang gustong makapanayam sila. Kaya para naman matigil na ay pumayag na sila na magpainterview kay Boy Abunda. 😂
At finally nakatapos na din sila sa pagaaral ng may kanya kanyang award.
---
The Interview wt Boy AbundaTBA - Magandang gabi mga kapamilya. Ngayong gabi makakasama natin ang mga iniidolo natin pagdating sa larangan ng volleyball. Sure na alam niyo agad kung sino ang aking tinutukoy kaya naman tawagin na natin sila...
Please welcome the taft tower of the DLSU Lady Spikers, Mika Reyes & the 3 time MVP from the Ateneo Lady Eagles Alyssa Valdez!
Agad naman lumabas ang dalawa ng may mga ngiti sa labi kahit kabado pa sila ay hindi nalang nila pinapahalata. Sa dami ng sumusuporta sakanila ay nababawasan ang kanilang kaba.
Mika - Whooo! Goodevening tito boy and also po sa mga nanunuod.
Aly - Goodevening guys! Ang daming tao. Hehehe nakakakaba tuloy lalo.
Naghiyawan naman agad ang mga tao dahil nakita nilang inalalayan ni Mika si Alyssa na umupo.
TBA - Oh. Tama na. Hahaha masyado kayong kinikilig dyan. Okay pagusapan na natin ang mga dapat pagusapan. Okay first u guys graduated nadin right? Kung hindi ako nagkakamali noong last 2 weeks yon. Kamusta naman yon na finally tapos na kayo.
Aly - Syempre po sobrang saya namin. Hindi din po kasi biro ang pagaaral kailangan po balance talaga lalo na sa aming mga manlalaro kaya achievement napo sa amin iyon. Kahit nakakalungkot na iiwan na namin ang school pati na din ang paglalaro. Nakakamiss din po iyon. Hehehe
Mika - Tama po si Alyssa. Nakakalungkot isipin na aalis na kami sa school na parang naging tahanan na din namin. Pero sobrang saya pa din kasi nakatapos kami. Parang may ipagmamalaki na kami. Nasuklian na din namin ang paghihirap ng magulang namin. The best na sigurong regalo ko sa parents ko ay yung diploma na nagpapatunay na nakatapos ako.. Mamimiss ko lang po talaga ang paglalaro sa DLSU. Hahaha
TBA - Wow! Natural naman na siguro ang mamiss niyo ang school pati na ang mga nakasanayan niyo..
Madami pang tinanong si TBA. Sinasagot naman ng dalawa.
Syempre hindi mawawala sa usapan ang pagibig.TBA - Okay tapos na natin pagusapan ang buhay atleta pati ang mga career don naman tayo sa inaabangan ng lahat. Hahaha
Agad namab humiyaw ang mga tao sa studio alam na nila ang itatanong ni TBA.
Aly & Mika - Hahaha grabe naman po!
TBA - Okay lang iyan. Okay as i was saying tapos na tayo sa mga career. Let's talk about your lovelife.
Agad naman lumabas sa screen na malaki ang ibat ibang pictures ni Mika at Aly. Natatawa nalang sila dahil tuloy pa din ang paghiyaw ng mga tao..
At ang huling picture na lumabas ay ang inupload ni Alyssa. Ang araw na nagpropose si Mika.
Mika - Ikaw na sumagot niyan ha?
TBA - nakakakilig naman! Hahaha so pakiexplain naman ang mga picture na pinakita sa screen. Lalo na ang last picture. May relasyon nga ba kayo ni Mika Reyes? Hindi pa kasi siya kumpirmado e.
Aly - Opo meron po kaming relasyon ni Mika.
Agad naman nagwala ang mga fans. Hahahaha!!!
TBA - Wow! Hahaha ang tapang ha. Okay continue.