Mika's POV
Paalis ako ngayon pupuntahan ko si BABE. Miss ko na e. Makikipagbati na din ako. 😥
Aduke- wa wa wowwwwwww! Bongga ng suot ha? Saan ang binyag?!
Natawa nalang ang lahat. Loko talaga tong si Aduke!
Mika- Hoy aduke! Ang ganda ko kaya para isipin mo na sa binyagan ang punta ko!
Kim - Ang hangin naman. May bagyong BALDO yata dito!!!
Ls- BALDO DAW?! Kilig yan oh!
Mga bwiset nato. Palagi nila akong trip! Puro ako nalang lage.
Ara- San ba kasi punta mo nyan daks?
Mika - Kay Alybabe. Makikipagbati.
Ls except Mika - Good. Go kana.
Duh! Love talaga ni Alyssa e. Kaya gusto nila di ko inaaway si babe. Wala akong kakampi e. 😞
Nagbyahe nalang ako agad sa dorm nila babe. Naisip kong isurprise nalang siya. Konting buwan nalang graduate na kami. Magagawa na namin ang lahat ng gustuhin namin! Excited na ako!!!!!
@ALE's Dorm
Agad kong kinasabwat ang team ni Alybabe sa plano ko.
Ella - Besh Aly! May nagpapabigay ng flowers sayo oh!
Sigaw ni Ella kay Aly. Dahil nasa kusina ito.
Aly - Sino naman ang may bigay?! Baka kung sino yon lagot na naman ako kay Mikang! Mas lalo magagalit yon. Selosa e!
Abat! Ang yabang talaga niya! Mas selosa kaya siya. Diba guys?!!
Amy - Hmm. From MAR ang nakalagay e.
Marge - Wow! Si Korina kana ngayon ate Aly! Rated K naaaaaa! Hahahah
Natawa tuloy ako sa kalokohan nila. Narinig ko na ang yabag ng paa. Ibig sabihin papalapit na si Alyssa kaya nagtago ako sa likod ng pinto. Hahaha
Aly - Who's MAR?
Jia- Roxas? Hahaha!
Ella - May letter naman kasi diba?!! Ito oh!
Hi my love! I'm really sorry. I love & miss you damn much. - MAR 💕
Aly - OMG! It's Mika Aereen Reyes! Where is she?!
Marge - Anong MIKA BA?!HAHAHA
Aly - isa! Sabihin niyo na kung nasaan siya!
Agad naman tumahimik ang mga tao. Argh! Ang init dito sa gilid ng pinto.hindi nagtagal ay parang sumisikip lalo. May tumutulak sa pinto! Argh! Siksik na ako!!!
Aly - Ah. Ganon ha? Bwiset kang bakulaw ka dyan kana sa pinto habambuhay! Pwe!
Natatawa nalang ako kay Aly. Ang kulit! Agad naman akong lumabas kung saan ako nagtago. Argh! Nakapout ang BABE KO. Shiz. Ang cute niya. Kaya naman hinila ko siya para mayakap.
Ale - Ayieeeeeeeeee! May kamatis na!
Natawa nalang ako sakanila ang kulit talaga. Si Dennise lang talaga ang hindi nakikibale sa pangaasar sa amin. Bitter lang! 😂😏 Gusto ko na din kausapin si den itatanong ko kung ano problema niya sa akin. Napapansin ko din ang matagal na hindi nila pagpansinan ni BABE. Alam ko naman na nalulungkot din si BABE dahil matagal na silang magbesh. Kailangan ko na talaga siya kausapin. Kahit ano pa ang kalabasan ay okay lang! Ayoko ng magkaproblema pa.
Aly - natahimik ka dyan?!
Taas kilay na tanong sa akin ni Babe.
Mika - Sungit naman! Tara na muna sa labas magusap tayo babe.