Chapter 15

968 8 0
                                    

Matapos namin icelebrate ang pagsagot ko kay Kiefer ay umuwi na kami.

Kakausapin ko pa si Dennise e alam kong nasaktan siya.

Agad akong pumasok sa kwarto nakita ko siyang nakaupo sa kanyang kama alam kong umiiyak siya.

Unti unti akong lumapit.

Aly - Dennise?

Den - Hmm.

Aly - Bakit ka umiiyak?

Kahit alam kong ako ang dahilan ay nagtanong pa din ako. Ayoko ng ganito siya nasasaktan din ako.

Den - Aly? Baby? Kulang pa ba ako sayo? Binigay ko naman lahat ah?

Humahagulgol na siya. Hindi ako lumapit masyado sakanya. Hinayaan ko siyang magsalita.

Kasi Aly ako alam kong kuntento na ako sayo e. Akala ko nga may nararamdaman ka din sa akin kahit papaano kasi nararamdaman ko yon pag may nangyayari satin! Ano yon libog lang ba? Palipasan mo lang ba ako ha?

Gigil niyang sabi.

Ang totoo niyan mahal ko siya. Pero nagbago nalang nung naretreat kami. Dahil kay Mika? Nawala na bigla ang spark. Pero may nararamdaman na ako sakanya noon pa man.

Aly - Den. Hindi naman sa ganon. Ano kaba mahal kita.

Agad naman niyang pinutol ang sinasabi ko

Den - MAHAL? Aly! Kung mahal mo ako hindi mo sasagutin si Kiefer!!!!! Hindi kita maintindihan.

Hindi ko napigilan agad akong lumuhod sa harap no Den. Hinawakan ko agad ang mukha niya.

Aly - Den, mahal kita oo. Pero alam naman natin na mali diba? Mas mahihirapan tayong dalawa. Hindi tanggap sa bansa natin ang ganon relasyon. Ano nalang sasabihin sa atin ng mga tao? Ng pamilya natin? Ng kaibigan natin diba? Ginawa ko lang yon dahil yon ang makakabuti sa atin. Sana maintindihan mo Den. Please? Alam kong mahirap pero kailangan.

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Unti unti itong bumagsak.

Bakit ang hirap? Bakit ang complicated. Yan lang ang nasa isip ko.

Pero ito ang tama!

Agad akong yumakap kay Den.

Parehas na kaming umiiyak. Ang sakit din naman sa akin. Dahil alam kong may magbabago sa pagsasama namin ni den. Alam kong lalayo siya. Mawawalan ako ng isang besh.

Wala akong magagawa dahil nangyari na. Pinunasan ko ang luha niya ganon din siya sa akin.

Den - Ang sakit sakit Aly. Alam mo yon? Pero ano pa nga bang magagawa ko. Talo na ako. Siya na ang pinili mo. Basta nandito lang ako ha? Alam kong may magbabago at tatanggapin ko yon.

Agad akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ni Den.

Agad niya akong dinampian ng Halik sa labi na alam kong ito na ang huling halik niya sa akin. Ninamnam ko ang halik na binibigay niya. Hanggang sa naging mapusok.

May nangyari sa amin at alam namin LAST NA IYON.

Kailangan na namin tigilan ang ginagawa namin.

Nagising nalang ako ay umaga na.

---
Wednesday.

Buti nalang wala kaming game today. Training school at dorm lang kami. Wala ganon lang ang ginawa.

Magkikita kami ni Kiefer mamaya para sa dinner. Hayy i guess kailangan kong sanayin na may ganito na.

Tinatawag ko na din siya bilang babe. Pero hiniling ko sakanya na huwag munang ipaalam sa public. Bakit?

The Girlfriend Of My Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon