Mika?????
Ang boses na yon! Kilalang kilala ko! Shit! Agad akong lumingon sakanya.
Kiefer?
Ofuck! Why Lord?! Why?!
Kiefer - Ako nga Mika. Bakit nandito ka? Teka umiiyak ka ba?
Agad kong pinunasan ang mukha ko at agad din tumingin sakanya.
Mika - Ah. Hindi Kiefer napuwing lang ako. Bakit nga pala nandito ka?
Kief - Ah ganon ba? Ahh. Nagkayayaan kasi ang team ko na magchill naman. Ikaw bakit nandito ka? Sino bang kasama mo?
Mika - Ah. Oo kasama ko team mates ko. Hehehe babalik na nga ako sa loob e.
Kief - O sige. Ingat ka ha? Tatawagan ko lang muna si Aly. Nandito din yata sila e.
Kung alam mo lang Kief kung anong ginagawa ng gf mo..
Agad akong pumasok sa loob. Hinahanap ko din si Aly baka kasi nandito lang yon. Asa naman ako e no? Malamang kasama na non ang KABIT niya. Si Dennise. Tsss
Kim - Wafs?! San ka ba nanggaling anong nangyari sainyo ni Aly?
Agad na tanong sa akin ni Kim. Ang bruha ang akala naman niya ay kami lang ang nandito sa room! Kaya naman napatingin silang lahat sa amin! Gago ka Kim papakain ko sayo yang bote ng alak! Bwiset!
Aby - O ye? Bakit magkasama kayo ni aly?
Kkd - Oo nga ate ye.
Pero itong si Kimmy humirit na naman ang bwiset!
Kim. - Ano ye naamin mo na ba na mahal mo siya?!
Anak nang! Tangina talaga!
Aduke - A..atee? Sino daw ang mahal mo si Aly?
Cyd - ANO?! totoo ba to ye! O lasing lang tong nognog na to!
Bwiset ka talaga wafs! No choice na ako. Agad akong bumuntong hininga..
Mika - G...guys? May sasabihin ako sainyo.
Nakatingin lang silang lahat sa akin. Nagaabang sa susunod kong sasabihin!
Sila - Ano yon ye?
Mika - uhm.. M..mahal ko si A...alyssa.
Si Aduke na umiinom agad naibuga sa muka ni Kim ang alak. Si Ate Aby naman ang nginunguyang pulutan nailuwa. Si Baron napanganga nalang. Si Dawn nabulunan. Ang iba naman ay hindi makagalaw. Lahat sila gulat na gulat.
Kim - PUTANG INA ADUKE! Bakit sa mukha ko pa binuga yang alak?! Kadiri kang unggoy ka!!! Bwiset ka.
Kkd - A..ate Aby?? Yung kinakain mo po nasa hita mo nalaglag sa bibig mo.
Agad naman kinuha ni ate Aby at sinubo ulit. Jusko naman!
Ang iba naman ay hindi pa din makapagsalita.
Ara - Okay lang yan Ye! Tanggap ka pa din namin.
Aduke - P..paano n..nangyari Ye?!
Ito na ang mga tanong nila hays.
Mika - Okay. Hindi ko din alam ang sagot dyan Aduke kahit ako hindi ko alam kung paano o kelan pa nagsimula to. Nagsimula to nung retreat. Sana okay lang sainyo.
Sila - Okay lang. Nabigla lang kami.
Bigla nalang kami nagtawanan dahil napatingin kami kay Kimmy nagpupunas pa din siya ng muka.