Sunday x Restday.
Naisip nila ate Aby na magbar kami. Yes! Kailangan ko ng alak e. Ilang gabi na akong kulang sa tulog dahil sa mga nangyari. Iniiwasan ko naman lahat ng bagay na makakapagpaalala kay Aly.
Sinabi ko na din sa Team mates ko ang pagpapatigil ko kay Jerome. Umamin na din ako dahil nagtrending daw ang nangyari sa resto iba talaga ang mga tao ngayon. Nasa social media agad.
Panay ang tanong nila hindi ko nalang sinasagot. Saka ko na sasabihin sakanila. Si Kimmy lang ang may alam.
Otw na kami sa ***** Bar. Nasa private room naman kami e. Kaso sa baba na ang dance floor. Kailangan pa tuloy bumaba.
Agad agad akong uminom sabik e. Hahaha
Aduke - Uy. Alam niyo ba yung trending ngayon sa twitter?
Cyd - Hindi e. Bakit ano ba yon?
Aduke - Nung friday kasi. Nagguest sa TWBA si Kiefer at Alyssa.
Kkd - O e ngayon?
Aduke - Ayon. Umamin na sila. SILA NA TALAGA! No offense ha? Nakakakilig din sila. Hahaha!
Pabulong pa si aduke e rinig na rinig ko naman! Hindi ko nalang pinansin diretso pa din ako sa paginom!
Ara - ( kaya ba parang malungkot si Mika? ) Tss. Hayy nako aduke ikaw talaga ang chismosa mo hano?
Kim - Tama! Kumbaga si Aduke e ang Kris Aquino ng Lady Spikers.
Tawanan naman ang lahat.
Aduke - Hoy nognog. Ako na naman ang trip mo ha. Palibhasa nagkakalabuan na kayo ni Mela! Hahaha PATUNAY yan na walang forever.
Oo tama si Aduke may problema din si wafs kimmy. May nakapagpicture kasi kay Mela na yakap yung si Janette Panaga yung tiga St. Benilde.
Hinayaan naman ni kim si Aduke. Alam niyang dala ng alak kaya nasasabi yon. Kinausap nalang niya ako.
Kim - Ye? Kamusta pagkikita niyo ni Aly? Hindi kana nakapagkwento ah?
Mika - Wala wafs. LATE AKO!
Tumawa ako ng pagak. Totoo naman e.
Kim - magkakagusto kapa kasi sa nililigawan pa ng ex mo gaano naman kacomplicated yon diba?
Oo nga bakit pa kasi e. Pero wala e choice ng puso ko to.
Mika - Kung pwede lang sa iba nalang wafs bakit hindi? Alam mo yon. Alam kong wala akong pagasa pero ang puso ko siya ang ginusto.
Hindi ko mapigilan ang maluha. Ito na naman kasi e.
Ara - Daks? Totoo ba ang narinig ko? May gusto ka kay Aly?
Nagulat kami sa pagsulpot ni Ara. Kanina pa pala siya nakikinig sa usapan namin. Chismosa din tong nguso nato e. Pero ano pa nga bang magagawa ko nadinig na niya. Tsaka ayoko ng itanggi pa.
Mika - Oo daks. Mahal ko si Aly. Wag mong itanong kung paano at bakit. Dahil pati ako hindi ko alam ang sagot dyan basta naramdaman ko nalang na mahal ko na siya. Weird right?
Nanlaki naman ang mata niya. Hahahaha ang cute niya.
Ara - Ahhh. Ehh. Daks hindi weird. Okay lang. Nabigla lang ako. Welcome to the lesbian club! Whoooo!
Natawa nalang kami ni Kimmy. Yea. Bagay nga samin ang WAFS!mamaya sasabihin ko na din sa iba ang totoong ako. Ayoko ng may tinatago sakanila. Mas mahihirapan pa ako kapag hindi ko sinabi.
Uminom nalang kami at nagpakasaya.
Nagpaalam ako sakanila na magcC.R ako. Naiihi ako sa dami ko ng naiinom.