Chapter 40

904 11 18
                                    

Dennise's POV

Nagulat nalang ako ng yayain ako ni Mika na magusap. Bakit naman kaya? Tss. Wala pa naman ako samood ngayon dahil nagkakalabuan na kami ni Ysay! Makikisabay pa yata siya. Tsk. Pumayag nalang ako nakakahiya din naman kasi.

FB..
Dahil sa ayaw kong patagalin pa ang paguusap namin kaya nagsalita na ako agad

Den - What do u want?

Mika - gusto ko lang itanong kung hindi kayo ayos ni BABE. May problema ba?

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay dinidiinan pa ni Mika ang pagsasabi ng babe. Ano yan pinapamuka pa sa akin?! E ano naman kaya sa akin?! Tss. Wala na akong pakialam.
Kaya naman pabalang ko nalang siya sinagot.

Den - wala. Wag kang makialam.


Mika. - una sa lahat kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka sana ng maayos din! Gusto ko lang malaman kung bakit kayo nagaway? Dahil ba AKO ang pinili niya? Bakit ka magagalit? Choice ni Aly to. Kaya tanggapin mo nalang sana. Miss na miss ka na ni Aly. Miss na niya ang besh niya kaya sana naman ayusin niyo na. May bf ka naman na kaya kalimutan mo na ang mga nakaraan.

Wow! Alam niya din na may bf ako. Stalker pa yata siya. Hahaha! Si Aly daw miss na ako? Saang banda naman kaya? Tanggap ko na. Tanggap ko na siya ang napili. Okay naman na talaga sa akin e. Naiilang lang talaga ako kay Aly.

Den - kung hindi ka sana nakialam ade sana hindi ako nasaktan ng sobra!! Tss

Naalala ko na naman ang pananakit sa akin ni alyssa na parang wala lang sakanya.

Mika. - bastos ka ya!

Den - wala kang pakialam!

Sumigaw na ako. Napufrustrate na ako! Ayaw ko siyang kausap. Wala naman patutunguhan ang paguusap namin e. Kaya nagwalk out nalang ako. Nakasalubong ko pa sila Alyssa na papalabas narinig siguro nila ang hiyawan namin. Pero hinayaan ko lang sil dumiretso na ako sa kwarto. Asar pa din ako sa di malamang dahilan!

EOFB

---

Agad umakyat sila Ella at Marge para kausapin si Dennise.

Tok tok tok

Ella - Besh? Si els to. Papasok kami ni Marge ha?

Hindi na hinintay pa ni ella na sumagot si Dennise agad siyang pumasok. Nakita niyang nakadapa si dennise sa kanyang kama. Yakap ang unan. Naririnig nila ang mahihinang hikbi nito. Kaya alam nilang umiiyak si den

Marge - Ate den? Nandito lang kami.

Ella - besh harapin mo kami. Pagusapan natin to..

Agad naman humarap si Den. Kitang kita ang pagkamaga ng mata nito. Patuloy pa din ang pagiyak nito kaya naman niyakap na siya agad ni ella si Marge naman ay hinihimas ang likod ni den.

Den - be...besh? Ma..masama b..ba a..ako?

Ella - hindi bakit besh?

Den - k..kasi b..besh hindi ko pa din mapatawad si alyssa e. Hindi ko alam kung bakit. Tanggap ko naman na. Tanggap ko na iba ang gusto niya. Mahal ko naman na bf ko e. Pero hindi ko pa din malimutan ang ginawa niya.

Mas lalo pang naiyak si Dennise.

Ella - Alam mo besh. Kaya mo naman na e. Ayaw mo lang kasing bigyan ng chance si Alyssa na makalapit sayo. Inaapproach ka naman niya e pero ikaw tong layo ng layo. Diba nga nagusap naman kayo noon? Dapat kung anong desisyon niya tanggapin mo yon. Alam naman namin na nasayang yung sainyo e. Pero paano nga kung hindi talaga kayo diba?

The Girlfriend Of My Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon