Chapter 33

1K 17 2
                                    


3rd POV (FastForward)

( HINDI KO NA ISASAMA YUNG SEASON 77)

Mabilis lumipas ang araw, buwan at taon kay Mika at Alyssa. Mahigit isang taon na din silang magkarelasyon. Hindi biro ang kanilang mga pinagdadaanan. May time na umaabot na sila sa hiwalayan pero sa huli agad din silang bumabalik sa isat isa. Ganon talaga ang pagmamahal masyado tayong nababaliw.

Mas sumisikip ang mundo nilang dalawa kahit na legal na sila sa family at friends nila ay madami pa din silang inaalala tulad ng mga fans at haters nila. Mas pinili na lamang nila na hindi muna ipaalam sa public kaya doble ingat sila sa mga kilos nila. Pero talagang iba ang mga tao ngayon magaling makahanap ng paraan.

May mga pictures ang MikaSA na sweet na sweet habang kumakain sa isang restau kahit na nasa pinakadulo sila ay nakita pa din sila. Kahit yata anong disguised nila ay hindi makakalusot sa taong bayan. Agad naman nagtrending ang pictures nila. Madaming nagtatanong kung ano talaga ang STATUS nila. HINDI naniniwala ang mga tao na magkaibigan lang sila. DAHIL SA SWEET GESTURES nilang huling huli sa video.

---

Mika - Babe? Mukang malalaman na ng mga tao. Bakit kasi hindi pa natin sabihin e okay naman na sa pamilya natin

Aly - Babe, alam mo naman na gusto din diba? Pero ayokong madaming magbash sayo lalo na't finals na ng season 78. Ayokong habang naglalaro ka may nagbuboo sayo. Ayoko ng masira ang laro mo ng dahil ayaw nila sila para sa akin. Please understand babe this is for you.

Kahit na pilit pang intindihin ni Mika ay hindi niya maisawan ang masaktan. Mas iniisip niya na kinakahiya siya ni alyssa. Na hindi ito proud sa relasyon nila.

Mika - Alam mong hindi ko kailangan ng opinion nila. Kahit ano pang sabihin nila ay wala akong pakialam. Ikaw ang minahal ko hindi sila. Ikaw ang papakinggan ko hindi sila. Lalong hindi ako magpapaapekto sakanila! Dapat ganito ka din babe. Mas nahihirapan na tayo e! Ni hindi natin magawa ang gusto natin. Ano ba talagang problema? Hindi kaba proud sa relasyon natin?

Halata sa boses ni Mika ang pagpipigil ng galit.

Aly - Hintayin lang naman natin na makagraduate tayo diba?! Mahirap ba yon? Ilang buwan nalang din naman pagkatapos ng season nato ay matatapos na din tayo sa pagaaral. Alam mo naman ang ibang tao masasakit magsalita baka pati school natin idamay nila. Dapat alam mo yan. Tsaka hindi biro ang relasyon na pinasok natin. Alam natin parehas na hindi tanggap sa bansa natin ang ganitong relasyon. May mandidiri sa atin. May masasakit tayong salitang matatanggap!

Pilit pinapaintindi ni Alyssa ang lahat sa kanyang gf. Madami na din kasi siyang nababasa sa social media. Tulad ng "Hindi sila pwedeng maging magkarelasyon baka ikahiya sila ng school sa halip na ipagmalaki". " Hindi ba sila kinikilabutan sa ginagawa nila? Kasalanan sa diyos ang pakikipagrelasyon sa kapwa." at ang huli ay " Ano ba naman si Mika. Nadali na nga si Kiefer pati pala ex ni Kiefer dadalihin. Baka balak gumanti?".
Agad nagpagulo sa isip ni aly ang mga comments ng tao.

Mika - so mas iniisip mo ang sasabihin at nararamdaman ng tao kaysa sa akin?! Isa ka din ba sa mga taong mga yon?! Bakit hindi mo nalang sabihin na ikinakahiya mo ako?! Pinapahaba mo pa e ganon naman talaga ang gusto mong iparating!

Galit na galit si Mika.

Aly - Ano ba?!!!!! Hindi mo pa ba maintindihan ha?! Paulit ulit ka nalang! Ilang buwan nalang ba naman hindi mo pa mahintay! Masyado kang obsessed sa akin di naman ako mawawala! Sarili mo lang iniisip mo! Abay may pride din ako! Naaapektuhan din ako sa sinasabi ng mga tao! Hindi naman maiiwasan yon!!!!

Hindi napigilan ni alyssa na hindi mainis dahil sa hindi makaintindi agad ang kanyanf gf.

Mika - O diba? Sinabi mo din na isa ka din sa taong nandidiri sa ganitong relasyon!  Masama na ba ang maging obsessed sa taong mahal ko?! Masama naba na angkinin ka?!  Gusto ko lang naman na wala ng tinatago Alyssa! Pwes mukang hindi ko maintindihan lahat. Pero aaminin ko. Ang sakit ng mga salitang binibitawan mo. Isa ka din pala sakanila. Ako lang pala ang proud. Okay. I need to go home na. Pasok ka na sa dorm niyo.

Agad naman sumakay sa kotse niya si Mika at mabilis pinaandar.
Si Alyssa naman ay napasapo sa kanyang noo. Tama si mika isa din siya sa kinakahiya ang kanilang relasyon. Siguradong galit na galit si Mika sakanya. Hinayaan na muna ni Alyssa si Mika dahil bukas ay laban na nila sa volleyball Game 3 and its do or die.

Natulog nalang sila ng maaga para sa laban na gaganapin bukas.

---------------

Paglabas palang sa dugout ay rinig na ang hiyawan. This time ang Ateneo ang defending champs. Hindi pa din nagkakaayos si Alyssa at Mika.

Agad naman napansin ng Lady Spikers ang pagiging malungkot kaya naman sinabihan nila si Mika na magfocus muna sa laro para makuha nila ang championship.

Sa ALE naman ay ganon pa din si Alyssa. Hindi niya nalang pinapahalata na may problema siya. Ayaw niyang masisisi kung sakaling matalo man sila. Baka magalit ang team mates niya.

Agad din nagsimula ang laban pansin ng lahat ng tao ang pagkawala sa focus ni Alyssa palaging error or out ang mga tira niya kaya naman nagtime out agad ang ateneo staff.

Ella - Besh Ly! Focus muna tayo o? Tambak na tayo kung may problema ka man wag mong dalin sa court

Agad naman tumango si Alyssa. May nakahalata na sakanya. Nakita naman niya si dennise na nakatingin sakanya. Matagal na silang hindi naguusap. Todo layo kasi ito sakanya. Nagboyfriend na din si Dennise. Walang iba kundi si Ysay Marasigan dahilan para lalo itong bigyan agwat ang friendship nila.

Den - Wag mong dalin ang problema niyo dito. Hindi lang ikaw ang naglalaro para sa championship. Hindi lang ikaw ang matatalo pati kami. Wag mo hayaang matalo tayo. Ikaw ang inaasahan ng lahat.

Nagulat naman si Alyssa sa sinabi ni Dennise. Ramdam pa din ang galit sa boses nito Nasaktan siya dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit sila matatalo.

Aly - Okay. Sige salamat aa advice.

Den - Hindi yon advice. Ayoko lang na matalo tayo dahil sa away niyo ni Mika.

Akala naman ni Alyssa ay advice lang ang sinabi ni dennise pero nagulat siya sa huling sinabi nito. Gusto na niyang umiyak pero hindi pwede

Agad silang bumalik sa court. Ni hindi manlang tingnan ni Mika si Alyssa. Dahilan para lalong manghina at masaktan si Alyssa.
Pinilit ng Ateneo na lumaban pero nabigo sila ng tambakan sila ulit. 3-1 ang score. Agad naman nagcelebrate ang LS samantalang ang ALE ay nagiiyakan na. Agad naman lumapit ang ALE kay Alyssa. Last playing year na din kasi nila. Alyssa Ella at Dennise ( kunwari nalang sabay sabay sila okay? )
Yinakap lang nila ang isat isa.

Den - Kung hindi mo dinala ang problema niyo ni Mika sa court baka sakaling manalo pa tayo. Baka naman strategy ng LS yon. Na aawayin ka ni Mika para mawala ka sa focus..

Galit na sambit ni Dennise. Agad naman silang inawat ng team mates nila.

Aly - Alam mo. Ginawa ko na ang best ko para makuha ang huling set pero kinulang talaga. Pasensya kana kung PINATALO KO HA?! Pasensya na talaga.

Naiyak nalang si alyssa. May tama din naman sa sinabi ni Den pero sinubukan naman niya ang lahat para makuha ang last set pero wala na talaga.. Ayaw niya sa sinabi ni den na baka ginamit ng LS si Mika para mawala siya sa focus gusto niyang maniwala pero mas nanaig sakanya na hindi magagawa ni Mika iyon. Masyado siyang mahal nito kaya malabong mangyari yon.

Ella - Tama na yan
Ito ang bigay ni God sa atin magpasalamat pa din tayo. Okay? At kayo besh den & Aly tigilan niyo na ang pagaaway okay?!

Napatingin si Alyssa sa ibang ALe kita ang lungkot sa mga mata. Sayang nga naman. Wala ng silang magagawa kaya naman luminya na sila para magpasalamat sa LS sa magandang laban na nangyari. Lalapitan na sana ni alyssa si Mika pero kita niya agad na lumayo ito sakanya kaya hinayaan niya nalang saka nalang niya ito kakausapi. Pagkatapos ng kani kanilang celebration.

Nagawarding na lamang at nagpasalamat sa magandang season.

Agad nagupload si Alyssa ng picture niya na nagsasabing #Phenomout.  Madaming nalungkot dahil mawawala na ang isa sa nagpasikat ng UAAP volleyball.

Matapos ang matagal na awarding ay agad nagtungo sa Ateneo ang ALe para sa isang misa at bonfire ganon din ang LS.

Pagkatapos ng mahabang celebration ay bukas ay may kanya kanyang hang out ang teams. Bar hopping.


Magkaayos pa kaya ang magbabe?!

The Girlfriend Of My Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon