Chapter 22

998 10 2
                                    


Natalo man ang team ay masaya pa din kami. Pero kinakabahan kami dahil malakas ang N.U na makakalaban namin sa semis hays! Isang panalo lang ang kailangan para makapasok sa finals!

Pagkatapos ng laban ay pinaalala ko agad sa team na babawi kami sa semis chance na namin para makapasok sa finals.

Lumapit muna kami sa mga parents namin. Hindi ko maiwasan na hindi mailang dahil kasama ng magulang ko si Kiefer. Ngayon ko na din balak tapusin ang sa amin ni Kiefer ayokong maging unfair.

Aly - Kiefer? Usap tayo mamaya ha?

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha ngayon ko nalang kasi ulit siya kinausap.

Kief - Sige aly. Dinner tayo sa labas?

Aly - Nope. Punta ka nalang sa dorm.

Agad kong sagot sakanya. Ayokong may makakita pa sa amin habang nakikipaghiwalay ako. Mahirap na.

Agad akong tumalikod para puntahan ang team ko.

Ella - besh! Gutom na gutom ako jusko. Uwi na tayo. Nagpadeliver na ako agad sa jollibee sigurado pagdating natin sa dorm nandon na yon!

Jho - Idol talaga kita ate els. Hahaha

Lahat - PG Alert.

Palabas na kami ng Arena nagkasabay pa kami ng nga Lady Spikers nagHi nalang kami sakanila. Ang daming taong nag aabang sa amin. Hiyawan ng hiyawan grabe!

Hawak ko si Dennise sa kamay. Baka kasi mahila at masaktan siya ng ibang fans last time kasi pinanggigilan siya ayon nakurot pa. Tinopak tuloy. Hahaha okay lang naman sa mga tao na ganito kami alam naman nilang clingy si Dennise e.

Grabe pahirapan sa pagpasok sa bus.

---

Ara - Uy! Ang daming tao hanep!

Aduke - syempre. Inaabangan ng mga yan ang paglabas ko. Hahaha

Natawa naman kami sa sinabi ni Aduke. Loko din to e. Pero totoo nga madaming tao na gustong makalapit sa amin. Lalo na kila Aly?  Tanaw na tanaw ko sila dito sa loob ng bus. Magkatapat lang naman kasi ang bus namin e. Hawak niya pa si Dennise. Wow ha! Sana ganyan din siya sa akin kapag kami na. Joke! Feelingera Alert naman!

Kim - Mikang wag mo na kasing tingnan lalo kang masasaktan e.

Hindi ko talaga maiwasan na hindi siya tingnan. Nakita kong magkatabi pa sila ni Den sa upuan. Grabe na ha! Quota na!

Hindi ko maintindihan bakit ganon ang kinikilos nila. Pero meron pang Kiefer e. Ano yon niloloko ni Aly si Kief? Binaba ni Den ang kurtina sa tapat nila. Ang arte ha! Pero.... Pero... Bigla nalang nililis ni Alyssa ang kurtina. Kitang kita ko na nakakandong sakanya si den. Nakasiksik sa leeg niya. Siya naman ay nakayakap. Gulat na gulat ako sa nakikita ko.

Ano ba talaga Alyssa?
Hiwalay naba sila ni Kief?
Eh nakita ko si Kief kanina kasama parents ni Alyssa nakashirt pa siya na Valdez. Ang gulo naman!

Pagod ako kaya naman binaba ko na ang kurtina sa tapat ko. Ayoko ng makita ang kabaduyan nung dalawa. Pwe! Bitter ako ye! Asar.

---

Pagkarating namin sa dorm ay may sasakyan agad kaming nakita. Alam kong si Kiefer na yon. Ready na ako. Agad kong pinauna ang team alam kong gutom silang lahat. Ayaw pa pumayag ni Den pero nakiusap ako na papasok din naman ako agad so wag na siya magworry at magselos.

Agad akong inabutan ng bulaklak ni Kief. Ang payat na niya ha. Ah dahil kakawork out siguro. Naiilang talaga ako

Kief - Babe? Este Aly? Ano paguusapan natin?

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko. Eto na talaga to.

Aly - Kiefer. First of all sorry sa lahat.. Alam kong nasasaktan na kita dahil nakipagcool off ako sa mababaw na dahilan. Ilang buwan na din ang nakakalipas magmula non. Hindi ka ba napapagod? Kiefer gagawin ko to dahil ito ang tama. Tama kasi matatapos na ang paghihirap mo. Hindi kana masasaktan dahil sa pambabaliwala ko sayo.. Alam mo bang winish ko noon na sana hindi nalang tayo nagkakilala. Oo winish ko yon. Para naman hindi to dadating sa atin na nagkakasakitan na tayo. Madami pa naman dyang iba na mas better sa akin. Mas maganda. Mas mamahalin ka. Alam kong maraming naiinggit sa akin dahil sa akin, na boyfriend kita. Pero ayoko ng ganito. Araw araw nagiguilty ako na ang akala ng mga tao okay tayo pero hindi tayo. Alam kong ganito din ang nararamdaman mo. Gusto ko man ayusin to ay hindi na pwede. Kasi hindi na ganon ang nararamdaman ko. Nagbago na. Patawarin mo sana ako Kief. Pero etong sinasabi ko ay para sa ating dalawa. Minahal kita. Sana ramdam mo yon. Pinapalaya na kita Kiefer. Magbreak na tayo. I'm so sorry Kiefer.

Hindi ko mapigilan at naiyak na ako. Ang sakit din pala. Kasi hindi ko masabi ang tunay na dahilan. Na dahil sa ex gf niya kaya nawalan ako ng gana sa relasyon namin. Na si Mika ang dahilan kung bakit nagbago ang lahat.

Iyak lang ako ng iyak. Alam kong umiiyak na din si Kiefer. Rinig ko ang mahihinang hikbi niya. Lumapit na ako sakanya at yumakap. Alam kong ito na ang huling beses na mayayakap ko siya.

Kief - Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Ako man ay iniisip ko na may nagawa ba akong mali para makipagcool off ka sa akin? Si Mika ba? Sino ba? Sinubukan kong ayusin to alam mo yan dahil mahal na mahal talaga kita Ly. Kung gusto mo mas dodoblehin ko pa ang mga effort ko sayo gagawin ko. Kasi ayoko pang isuko tong relasyon na to e. Kung hiniling mo na sana hindi nalang tayo nagkakilala ako naman sana winish ko nalang na mamatay ako. Ang sakit sakit kasi eh. Nakakabakla lang na ganito ang iyak ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Mukang buo na ang desisyon mo mukang wala na talaga akong pagasa na maayos to. Hayaan mo iwiwish ko na sana tayo pa din sa huli. Hindi ko mapapangako na walang magbabago pero lagi mong tandaan na nandito lang ako para sayo. Mahal kita Aly. Mahal na mahal.

Mas lumakas pa ang iyakan namin. Mahal na mahal niya talaga ako. Sana siya nalang talaga pero wala e. Ayaw na talaga ng puso ko. Nakakalungkot dahil mawawalan na naman ako ng isang taong tinuturing kong bestfriend. Ang sakit din para sa akin na ganito ang nangyari..

Aly - Thank you Kief. Thank you dahil naiintindihan mo ako. I love you.

Kief. - I love you too Ly! Last nabang I love you mo yan? Sana hindi nalang.

Kitang kita sa mata niya ang sakit at panghihinayang sa relasyon namin.

Aly - Baka? Baka ito na ang last Kief. I'm sorry for hurting you.

Agad kong siyang tinitigan. Nilapit ko ang labi ko sa labi niya. Sa huling pagkakataon ay hinalikan ko siya. Gumaan manlang ang pakiramdam niya.
Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha niya. Ganon din naman ako

Pagkatapos ng halikan namin ay nagpaalam na kami sa isat isa.

Alam kong pag nakamove on na ang bawat isa sa amin ay magiging magkaibigan na kami ulit. Mamimiss ko siya panigurado yon.

Pagtalikod ko palang ay nakaramdam na ako ng paggaan ng pakiramdam ko. Atleast ngayon hindi ko na iisipin ang mga yon. Malaya ko ng magagawa ang gusto kong gawin. Napangiti nalang ako.

PINAKAWALAN KO NA ANG TAONG DAHILAN KUNG BAKIT KA LUMALAPIT SA AKIN. NGAYON WALA KANANG DAHILAN PARA GULUHIN ULIT AKO. SANA MASAYA KA.

PARA SAYO TO MIKA REYES.

Sa kabilang dorm naman ay....

Mika - Author? Hanggan kelan mo ba ako papahirapan at sasaktan? Gawan mo naman kami ng chapter ni Aly. Yung kikiligin lahat ha? Quota na ako sa sakit e. Puhleassse?

Kayo naman kasi mga readers! Pilitin niyo si Author! Paano naman ang MikaSa diba?! Kinawawa na!

Jusko may Alyden pa! Paano naman diba?

Kayo bahala kay Author ha? Loveyou!


----

The Girlfriend Of My Ex - BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon