It Will Always Be You

1K 39 0
                                    


Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala. Nagkakape ako n'un sa canteen dahil umuulan. Wala namang pasok kaya tumambay akong mag-isa doon kasi ayaw ko pang umuwi.

"Upo na ako dito." 'Yan ang unang salitang lumabas sa bibig mo n'un. Gusto kitang tarayan kasi parang ang yabang ng pagkakasabi mo. Hinayaan na lang kitang lantakin ang pagkain mo sa harap ko. Kahit puno ang bibig mo ng pagkain, nagawa mo pa rin akong kausapin.

"Anong pangalan mo?"

Hindi ko magawang hindi sagutin ang tanong mo dahil sa ngiti mo. Hindi naman kasi ako suplada kaya sinagot kita.

"Nimfa."

"Ako di mo manlang tatanungin pangalan ko?"

"Ano nga ba?"

"Kenneth Trey"

"Ok."

Ganyan tayo noon unang mag-usap. Ang dami-dami mo pa ngang tanong noon kahit na iling at tango na lang minsan ang isinasagot ko e. Nabulunan ka pa nga kaya natawa ako.

"Kita mo na. Napatawa kita. Ang ganda mo pala."

Hindi mo alam kung ano ang epekto ng sinabi mo noon. Parang ang saya mo masyado kaya pati ako nahawa.

Simula n'un lagi na kitang napapansin. Lagi na din kitang nginingitian kapag nagkakasalubong tayo.

Hinanap ko ang pangalan mo sa facebook kasi curious ako kung sino ka talaga. Nakikita ko na lang ang sarili kong nanonood sayo sa paglalaro ng table tennis. Ang galing mo nga e. Bilib ako. Simula n'ung nakita ko ang cover photo mo na nakasuot ng table tennis shirt, nanood na ako sa lahat ng game mo kahit 'di mo ako nakikita.

Isang araw nagkaroon ka injury sa paglalaro ng basketball kasi hindi ka sanay doon. Nawala kasi ang ibang mga players dahil nabigyan sila ng yellow card sa pakikipag-away. Sobrang kinabahan ako nang makita kang dinadala sa clinic. Hindi ko alam kung bakit ako nagprisintang magbantay sayo habang nagaganap ang tournament.

Doon ko napagmasdan ang makinis mong mukha. Ang gaganda ng kilay mo, mahaba ito kumpara sa akin.

Nagulat ka nang makita mo akong nagbabantay sayo.

"Bakit nandito ka?

"Nasa tournament pa sila. Ako na ang nagvolunteer baka kasi madisqualify na naman tayo sa isang game kung wala si coach d'un."

"Thank you Nimfa."

Pagbigkas mo palang ng pangalan ko, naghaharumentado na ang puso ko. Tila nagising ang mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi ako pamilyar sa feeling na 'yon noon kaya hinayaan ko.

Hanggang naging magkaibigan tayo. Hindi ko man ginustong maging kaibigan ka dahil iba ang pakiramdam ko noon, hindi kita matanggihan.

Pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Pati sa mga magulang mo naging close ko. Hindi ko namalayang nahulog na pala ako. Sobrang ikli pa ng panahong nakasama kita kaya pakiramdam ko mababaw lang 'yon.

Isang araw, nalaman ko na lang na may mahal ka na.

"May mahal na ako. Alam mo ba, akala ko noon wala lang siya sa buhay ko. Pero grabe, hindi ko yata kaya kung may iba siya. Basta kapag handa na akong sabihin sa kanya, sana ganoon din siya."

Hindi ko alam pero parang nadurog ako. Masakit pala talaga. Inisip ko sa mga oras na 'yun na dapat hindi na lang kita nakilala. Ang cliche naman kasi ng ganoon diba? 'Yung tipong magmamahal ka sa kaibigan mo pero hindi ka mahal pabalik.
Gusto kitang iwasan pero hindi ko magawa.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon