WAYNE POV
"Yosi?"
Umiling ako.
"Alak?"
Umiling akong muli. Narinig ko siyang napabuntung-hininga. Sumandal siya sa railings at bumuga ng hangin mula sa kanyang sigarilyo.
Nakatambay kami dito sa taas ng Bonifacio Building. Hinayaan naming magsaya ang kagrupo niya sa loob. Tumingin ako sa taas at dinama ang malamig na hangin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan habang pinagmamasdan ang maraming bituin sa kalangitan. Ilang minuto kaming tahimik nang bigla siyang nagtanong.
"Why?"
Napalingon ako kay Zero na ngayo'y nakapikit ang mata.
"Anong why?"
"Bakit mo ako sinundan? Bakit ka sumali sa amin?"tanong niyang muli. Hindi ako agad nakasagot. Muli siyang kumuha ng isang stick ng Fortune Light na agad ko namang inagaw sa kanya.
"That's enough."
Hindi siya nagsalita at hinayaan na lamang ang pakete ng sigarilyo sa akin. Agad ko itong ibinato sa baba.
"Ito ang rason kung bakit ako sumali. I'm always worried about you. Hindi ka nakikinig sa iba maliban sa 'kin."
"Umalis ka na lang dito bago ka pa tuluyang maging miyembro. Ayokong masali ka sa gulong pinasukan ko."
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Lagi na lang niya akong tinataboy. "Let's get out of here. Hindi kita iiwan hangga't hindi kita kasama. Sabay tayong umalis sa atin, sabay din tayong babalik."
"I don't deserve you Wayne,"he said. Napalunok ako sa sobrang seryoso ng kanyang boses. "I'm not the guy you used to love. Ibang tao na ako. Huwag mong sayangin ang buhay mo para lang sa 'kin."
"Hindi sayang ang---"
"Don't," putol niya. "If you truly care for me, get out of here. If you truly love me, do what I wanted you to do."
Unti-unting bumibigat ang aking pakiramdam. Parang pinupunit ang puso ko dahil sa sinasabi niya. I cleared my throat to refrain from stuttering. "You don't understand. Mahal kita kaya kahit anong mangyari, dito pa rin ako."
Huminga siya ng malalim. "Aalis ka dito sa ayaw at sa gusto mo. Ano na lang sasabihin ng mga magulang mo sayo kapag nalaman nilang ako ang dahilan kung bakit masisira ang kinabukasan mo?"
Hindi na ako nagsalita. Tama naman siya. Ayokong sisihin siya balang araw dahil kasalanan ko rin naman. He's my boyfriend, I love him but I know, we can't be together.
Tumayo siya, nanatili akong nakayuko. I'm afraid to look because once I'll stare in his eyes, I can't be able to let go. "Wayne, next time we'll cross each other's path, I'll promise, I'm already a better man. For now..." he stopped. Parang hirap na hirap siyang banggitin ang mga huling salitang kanyang bibitawan. Gusto kong takpan ang aking tenga pero hindi ko kaya. My heart crippled, crushed and ripped, to the extent that I can no longer breathe normally.
"Goodbye Wayne," he whispered before I heard his footstep away from me. Humagulhol na ako ng iyak. And I don't know how long I cried.
(hiddenheartless)
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.