"Hindi lahat ng tao, nagkakaroon ng matinong lovelife sa una. Sabi nga nila, first love lang yan, malaki ang chance na hindi kayo ang magkakatuluyan. Kaya huwag kang mag-invest ng sobra-sobra. Malulugi ka na nga, masisira ka pa. Katulad din yan sa business."
Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura ng kaibigan ko habang nakahalumbaba sa pakikinig sakin. Itinuloy ko pa din.
"Huwag kang mag-invest ng sobra-sobra kung ayaw mong mawala sayo ang lahat. Pero sometimes, we can't deny the fact na gustong-gusto natin ang mag-risk. Gustong-gusto natin yung mag-invest ng sobra-sobra para malaki ang return on investment natin. Kaya kung ako ang tatanungin mo, hinding-hindi ako magbibigay ng sobra, kasi alam kong ako lang din ang mag-susuffer," paliwanag ko kay Crisha.
Humarap siya sa akin nang nakanguso. "Pero mahal ka nung tao Maris. Hindi ko sinasabing mahalin mo siya ng sobra-sobra. Ang sinasabi ko lang, huwag mo siyang sinasaktan at pinapahiya sa harap ng maraming tao. Kawawa naman siya sa paghahabol sayo. Hindi business ang pag-ibig for God's sake!"
Whatever! Hindi ko naman ugaling magpahiya ng tao eh. Sadyang ayaw ko lang ng hinahabol ako. Ayoko ng taong laging nandyan para sakin kasi natatakot akong masanay. Oo, puro business na ang nasa utak ko. Pero totoo naman diba? Ang pag-ibig, parang pag-iinvest lang yan, kung alam mong hindi ka magiging masaya at hindi ka sigurado, huwag ka ng magbigay.
"Ang sinasabi ko lang, ayoko sa kanya. Ilang beses ko na bang sinabi yun sa kanya? Hindi ako bulag Crisha, madaming babae ang isang Maccoy De Leon. Isa siyang player ng basketball at ikinukumpara niya ang mga babae sa bola. Laruan lang ang mga babae sa kanya. Can't you see?"
"Naprapraning ka na ba? Siya ang pinakagwapo, pinakamagaling at pinakamatalino sa lahat ng basketball player. So hindi maiiwasan na may mga babaeng lalapit sa kanya. Hindi niya nilalaro ang mga babae bes. Ikaw lang ang hindi nakakapansin sa kanya."
Sumimangot pa siya. "Tapos kanina tinapon mo pa yung juice na binibigay niya.Wala kang awa." sabi niya saka tumayo at tinalikuran ako. Mababakas sa mukha niya ang disappointment.
Palibhasa may gusto rin siya sa lalaking yun. Niligpit ko na ang mga gamit ko at tinignan ang oras.
0_0
Geeeezzze!I'm late!
Dali-dali akong tumakbo papunta sa klase ko. Hindi ko pa naman classmate si Crisha ngayon. Pagpasok ko ng classroom.
PATAY!
"Miss Racal, where have you been? Late ka na naman," galit na sigaw ni Sir L.
Yumuko ako at nagpatuloy sa aking upuan. "I'm sorry Sir."
"You go to the board and answer the first problem. Hindi naman siguro problema yun diba?"
Tumango ako at pumunta sa blackboard.
'Paanong hindi problema 'to? Problem nga nga diba? Paanong hindi problema 'yun. Shunga lang? Makapanermon lang ok na? Duh? Argggg! Tanga din paminsan-minsan 'tong giraffe na 'toh eh! Anakngtipaklong! This is my worst subject ever. I hate physics problems.'
Matapos ang ilang minuto, hindi ko pa rin alam kung paano kumuha ng distance chuchu na yan. Eh wala nga din ako kahapon dahil nagkasakit ako diba? Kahit gaano ito kasimple, hindi ko pa din ito makuha!
"Uubusin mo ba ang oras sa kakatayo jan?Naexpose na masyado ang likod mo Miss Racal. Alam naming maganda ka, pero huwag kang tutunganga jan!" sigaw niya kahit na alam niyang hindi ko na ito masasagot.
Pinagtawanan pa ako ng mga kaklase ko na akala mo nakakatawa ang sinasabi ng giraffe na 'yan. I hate it! Ayaw na ayaw ko ng ganito. Gusto ko ng umiyak. Pucha!
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.