I Dreamt About Sam and I

257 9 0
                                    

 (A/N: Ginawa ko 'to as a fan of SAM MANGUBAT😊)

Naglalakad ako kasi brokenhearted ako sa isang guy na hindi man lang ako magawang mapansin. Nawala ko pa ang bagay na dahilan para hindi ko siya makita. Gusto ko lamang magliwaliw. Nakasuot ako ng headset habang nagpe-play ang songs ni Sam.

Medyo malamig na ang simoy ng hangin. While walking, tears began to fall from my eyes. Hindi ko mapigilang umiyak sa awitin na 'Try' ni Sam habang inaalala ko ang aking pinagdaanan para lang maabot ang taong iniiyakan ko ngayon.  'Yung sakit na nasa puso ko, unti-unting lumalabas.

Sa kalagitnaan ng aking pagliliwaliw at paglalakad, muntikan na akong mabangga. Buti na lang may nanghila sa akin, pero napaupo pa rin ako sa kalsada. 'Yung cellphone ko nahulog pa.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" sigaw ng matanda na nanghila sa akin. "Mga kabataan nga naman!" sabi pa niya bago umalis. Iyak ako ng iyak. Hanggang sa may umupo sa tabi ko.

"Miss okay ka lang?"

Napatingala ako. And I was shock when I saw the guy I admire from a far. Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Sobrang-sobrang pagka-windang ang nararamdaman ko.

Si Sam ba talaga 'to?

Jusmiyo, nakakahiya. 'Yung puso kong wasak, biglang bumalik ang sigla. 'Yung mata niya kasi, sobrang intense kung tumingin. Kung pwede lang dukutin, ginawa ko na para araw-araw tititigan ko na lang siya.

Siya pala 'yung muntikan nang makabangga sa akin dahil sa katangahan at pagda-drama ko. Agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang aking mga palad. Tatayo na sana ako nang mauna siyang tumayo at naglahad ng kamay. Wala sa sariling inabot ko 'yon kahit na halos hindi na magkamayaw 'yung kaba sa dibdib ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa muntikan ko nang pagkabangga o dahil narito siya sa harapan ko.

"Okay ka lang po ba?" tanong niya ulit nang makatayo na ako ng mabuti. Wala sa sariling tumango ako. I don't know what to say. Natameme ako ng sobra. Imagine? 'Yung lalaking gustong-gusto kong makita, nasa harapan ko na? Ang lalaking matagal ko nang gustong mayakap at mapagmasdan, nakasasalamuha ko na?

"Miss pasensya ka na, okay ka lang ba?" tanong niya na naman. Mukha lang akong tangang nakatitig sa kanya. Hanggang sa narinig ko na lang ang pag-play ng next song niya sa cellphone ko. Nanlaki ang mata ko. Natanggal pala 'yung headset. Sa sobrang taranta ko, hindi ko na alam ang ginagawa ko. Agad kong kinuha 'yung phone na nasa kalsada. Nanginginig pa ang kamay ko sa sobrang nerbyos.

Hindi ko alam ang iniisip niya. Nang ma-off ko na 'yung phone, tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya.

"S-Sorry po."

"Okay ka lang ba talaga?" Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa kasi kanina pa niya tinatanong kung okay lang ba ako. Gusto ko sabihin sa kanya na sobrang okay lalo na at naririnig ko ang boses niya nang harapan. Mas lalo pa siguro kung mayakap ko siya kasi fan na fan niya talaga ako. Naisip ko pa, buti na lang pala umiyak at nagdrama ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang taong naging inspirasyon ko.

"Okay lang po," sagot ko.

I was surprise when he gave me a white handkerchief.

"Naku, hindi na po. Okay na po ako. Pasensya na  talaga."

Imbes na pakinggan ako, kinuha niya ang aking kamay at pinatong 'yung panyo. "Huwag mo na siyang iyakan kung sinasaktan ka lang niya. Everyone is worth it, don't lose it to someone who isn't."

Naisip ko, tama naman si Sam. Hindi worth it 'yung taong ang kaya lang gawin ay saktan ako.

Pero hindi niya alam, he's worth it.

Siya.

Siya lang naman 'yung taong iniiyakan ko kasi nawala 'yung ticket na binili ko para sa concert niya kanina. Siya 'yung sinasabi ko kanina na hindi man lang ako magawang pansinin.

But he's worth it, sobra. Siya 'yung taong gustong-gusto ko maliban sa kanyang talento. He's an inspiration to everyone who dreams. Iniyakan ko siya dahil pinag-ipunan ko 'yung ticket para lang makita siya kaso nawala.

But look now, narito na siya sa harapan ko.

Sa hindi malamang dahilan, lumapit ako sa kanya. I was about to embrace the talented guy infront of me when I woke up in my dream.

Ayun! Naiyak ako paggising. Yakap na nga lang sa panaginip, pinagkaitan pa ako. Letsugas. Haha.

(EPEKTO NG PAKIKINIG SA KANTA NIYA)

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon