DEDICATED kay lycheelaoie dahil ang gaganda ng one shot stories niya. Kahit nakakahiya magdedicate. Hahaha.
***********
“Tibo!”
“Tibo pansinin mo naman ako!”
“Tibs!”
Naglakad na lang ako ng mabilis para hindi ako maabutan ng lalaking kanina pa ako pinagtritripan. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o hindi.
Ako si Irish Manaloto. Isang 1st year college major in crop science. Mahilig sa gamit ng lalaki at gawaing panlalaki. Ang lalaking kanina pa ako hinahabol ay si Hansel. Pinaglihi daw kasi siya sa biscuit na Hansel kaya ganyan pangalan niya.
“Rish teka lang naman!”
Hindi na ako nakatiis. Humarap ako sa kanya kaya napatigil din siya. “Ano bang problema mo?”
“Ikaw.” Yan na naman po siya. Hindi niya napapansing sa pinaggagawa at pinagsasabi niya nahuhulog na ako sa kanya. Sobrang napaka-insensitive. Magsasalita siya kung anuman ang gusto niyang sabihin. Wala siyang pakialam basta kung anong nasa utak niya, yun ang sasabihin niya.
“What?”
“Ikaw ang problema ko.”
“Ano na namang ginawa ko sayo?”
“Hindi mo ako pinapansin.”
“Bakit mo kasi ako tinatawag na tibo? Hindi naman ako tomboy!”
“Eh kasi mukha kang tibo manamit. Mukha kang lalake kung umasta.” Hindi ko na siya pinansin. Tinalikuran ko na lang. Hindi tulad ng mga nasa telenobela na hihilahin niya ako kung mag-wo-walk-out ako. Siya yung tipo ng lalakeng wala talagang pakialam.
“Irish sige na naman.” Pahabol pa niyang sigaw pero hindi ko na lang siya pinansin. Jerk!
“Nakabusangot ka na naman.” Sabi ng kaibigan kong si Layla.
“The usual. Pinagtritripan na naman ako.”nakabusangot kong sagot. Hindi na siguro maipinta ang mukha ko ngayon.
“Hahahahaha”
Tumingin ako sa kaibigan ko. Nakakunot ang noo ko nang makita ko siyang tumatawa habang nakaharap sa akin.
“Problema mo? May nakakatawa ba?”
She laughed harder. “Hindi ka na nakakatuwa.”
“Kaya ganun yun kasi hindi mo siya pinapansin. Isa din yun, torpe!”
Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Torpe?Siya?”
Tumango lang ito sabay tingin sa kadarating lang na tao sa tambayan ng barkada. Nandito kaming lahat sa may puno ng mangga. May naggigitara at may nagkwekwentuhan lang.
“Ayan na pala siya e!” Kumaway naman itong pasaway kong kaibigan kay Hansel. Tumingin ito saamin sabay ngiti nang makita niya ako. Bakit ba kasi ma-appeal siya? Bakit ba kasi matalino siya? Bakit ba kasi ang galing niya maggitara? Bakit ba kasi siya laging nakangiti? At bakit ba kasi............ nahulog na ako sa kanya?
“Hi Lai, Hi Tibs.” Napasimangot na naman ako sa tawag niya sa akin. Tumawa naman ng bahagya itong katabi ko. “Hi din.” Kung binati siya nitong kasama ko, ako ibahin niya. Nasisira lang ang mood ko tuwing makikita ko yang pesteng ngiti na laging nakaplaster sa mukha niya. Ang hirap pigilang mahulog.
“Tibs natapos mo na yung paglagay sa percentage ng germination sa product nating seeds?” tanong niya, pero hindi ko siya pinansin. Bakit ba naman kasi lagi ko siyang nakakagrupo. Nakakayamot!
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.