Ako si Timmy Dominguez at isang 4rt year college. Maganda daw ako, sabi nila. Aba syempre mahirap ng ipagkait yang mga yan sa sarili ko. Kapag may nagsabing maganda ka, wag ng pahumble, malay mo last na compliment na yun. Joke lang.
Noong first year college ako, wala lang sa akin ang lovelife. Seriously madaming nanliligaw sa akin, sa facebook, sa twitter, sa text o kahit sa personal. Pero basted agad sila kasi ayoko talaga magpaligaw. Baka iligaw sila pwede pa. Yabang ko ba? Hindi ako nagmamayabang, marami lang talagang mahaharot na lalaki sa mundo. Peace. Xd
Pero minsan talaga, dumadating yung walanghiyang sisira sa ipinaglalaban mo. Yung walang love na maiinvolve sa buhay mo pero may maninira bigla.
Intramurals noon. Mahilig akong manood ng academics at debate, pero kadalasan table tennis kasi may crush ako dun.
Sa second day ng Intrams, napagtripan kong manood ng basketball kasi department namin ang lalaban.
Nakaupo ako noon sa may tabi ng scorer. Blackboard ang gamit nila. Hindi pa nagsisimula ang laban marami ng sumisigaw. Sabagay, laging magkalaban ang med at accounting department pagdating sa basketball.
"Go number 12!"sigaw ng katabi ko. Ang sakit sa tenga. Kaya minsan sa ibang laro na lang ako e.
Tinignan ko yung number 12 na sinasabi niya, imba! Gusto kong matawa kay ate. Siya ang pinakamaliit na player sa department namin. Maitim. Madaming pimples. Magulo ang buhok. Sige na, inaamin ko, turn-off ako sa ganun. Ako na judgmental.haha. Pakialam ko ba.
Noong lumabas na silang lahat iniisa-isa ko silang tignan hanggang sa mapadako ang tingin ko sa naka-Jersey number 10'
Matangkad. Katam-taman ang kulay. Ang ganda ng katawan. Ang ganda ng mata niya. Magulo ang buhok pero bagay sa kanya. Anak ng tinapa! Ang gwapo niya.
"Number 10 akin ka na lang!" Sabi ng isang babae na nasa taas ng bleachers. Grabe, narining sa buong gym yung sigaw niya. Tumawa yung ibang players,pero si number 10, ngumiti lang sabay iling. Mahabaging Diyos!Nasa kanya na ata lahat ng kagwapuhan, pati ngipin ang ganda, may dimples pa.
Nagsimula ang game, hindi na maalis ang tingin ko sa lalaking yun. Hindi naman siya ang pinakamagaling pero siya talaga ang pinakama-appeal.
Second-half na nun at maganda ang laban. I must say na nag-eenjoy akong manood. Hindi ako nabored.
Hindi lang naman dahil kay number 10 kundi sa intense ng laro. Pinaupo yung pinakamagaling sa amin. Napasimangot ako ng bahagya kasi isa na ang lamang ng kalaban,bakit papaupuin pa yung magaling.Nakakainis kasi hindi ko na matanggal ang tingin ko kay number 10. Nakakainis dahil madami na siyang nasasayang na bola. Oo magaling siyang mang-agaw pero out of bounce siya lagi. Kahit na siya pa ang nakakapoints sa second half, siya din naman ang nakakasayang. Pinaupo siya bago matapos ang 3rd quarter. 80 ang kalaban habang 75 naman kami.
Sa last quarter, pinapasok na ulit yung mga magagaling including him. Napapasigaw na din ako. Ganun pala talaga ang feeling kapag nanood ka ng intense na laro. Kumbaga pati puso mo humihinto. Humihinto kaya dahil laro o sa lalaking naka-Jersey number 10.Charrr lang.
Dahil mas malakas naman kung sumigaw ang mga katabi ko, nakisigaw na rin ako. "Go number 10!".
Isang minuto na noon ang natitira. Ang score 101-97. Lamang ang kalaban. Nagkadikit na noon ang mga kamay ko while praying na sana manalo sila.
Napatayo ang lahat nang magka-3 points si number 2 sa amin, yung pinakamagaling. Isa na lang at tabla na. Si jersey number 10 ang nakahawak.
'Promise mai-shoot mo lang yan, ikaw na ang magiging love ko for my entire college.' Sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.