D.I.D

315 8 0
                                    

Una ko siyang nakatagpo sa isang bus na punung-puno ng tao. Kung sana hindi ako nagmadaling gumising sa araw na 'yun, disin ay hindi ko siya nakatagpo kailan man.

Kahit punuan, hindi ito nakapigil sa aking pag-akyat at pakikisiksik. Pangalawang araw ng klase kaya hindi ako maaaring mahuli. Kusang napako ang aking mata sa upuang nasa tabi niya. Agad akong umupo at hindi alintana ang mga babaeng nakatayo. Hindi ko na kasalanan kung babagal-bagal ang kanilang galaw.

Nagtaas ng mukha ang babaeng tinabihan ko at tiningnan ako. Ang kanyang mata ay lubhang mailap at pasulyap kung tumitig.

"Hi," bati ko at ngumiti. Hindi siya kumibo bagkus ay nag-iwas ng tingin at itinuon nito ang kanyang atensyon sa bintana.

Nanuot ang determinasyon ko na siya ay kausapin. Kaya nagtanong ako. "Do you know the most mysterious topic in the world?"

Napalingon siya sakto namang umandar na ang bus. Nagtama ang aming paningin. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "First assignment sa philosophy, baka lang makahingi ako ng sagot."

Sandali itong natigilan. Maybe, she finds me weird. Gusto kong ngumiti at pitikin ang kanyang noo upang matauhan siya. I find her adorable.

"Baliw," bulong nito saka ako muling inind'yan. Kakausapin ko na sana siyang muli nang mapansin ko ang panginginig ng kanyang kamay. Napahawak siya sa sentido niya na para bang inaatake ito ng matinding sakit.

"Okay ka lang?" tanong ko. Lalong nanginig ang kanyang katawan. Nataranta na ako kaya hinawakan ko ang braso niya at niyugyog. Napansin na rin siya ng ibang pasahero.

"Manong!" sigaw ko, "pakitigil naman ang bus sa pinakamalapit na ospital! May nahimatay rito!"

Dinig ko ang malalakas na bulungan. May mga nagsilapitan sa aming pwesto. Bago pa man mahinto ang bus, nagulat ako sa biglang pagdapo ng isang malakas na sampal sa akin mukha.

"Sino ka ba?! Bakit mo ako hinahawakan?!"

Nanlaki ang aking mata. Ang babaeng kanina lang ay halos panawan na ng hininga ay galit na nakatitig. Nag-iba na ang aura niya. Mas matapang na mukha ang nasilayan ko. "M-Miss nagkakamali ka."

"Para po!" inis nitong sigaw. Tuluyan na ring nahinto ang bus. Tumayo ang babae at mabilis itong bumaba.

"Hoy! Pamasahe mo!" pukaw ng driver. Nakalayo na ang babae. Nang ilibot ko ang aking paningin, mga nagtatakang mata ang sumalubong sa akin.

Dahil sa hiya, mabilisan na rin akong bumaba sa bus. "Manong pamasahe ko po."

"Paano 'yung babae?! Bayaran mo pamasahe niya."

"Hala manong, hindi ko 'yun kilala."

"Naku iho, hindi ako ipinanganak kahapon para lokohin."

Naisip ko noon, dyahe talaga ang pumorma. Ang daming kapalpakan. Kung sino man ang babaeng 'yun, sisingilin ko ang sampung piso. Pang-fishball din 'yun.

Pagkababa ko ng bus, naglakad na rin ako papunta ng school. Kaunti na lang naman ang aking lalakarin.

Papasok na sana ako ng campus nang mamataan ko ang babaeng nanampal sa akin. Kumakain ito ng streetfoods.

Langya! Akala ko pa naman disente siyang babae. Ibang-iba talaga siya kaninang una ko siyang nakita. Sa oras na 'yun ay para siyang nakawala sa mundo ng karahasan. Nakasalampak ito sa upuang malapit sa nagtitinda ng pagkaing lansangan.

Hindi ko na sana siya lalapitan kung hindi ako nakarinig ng pagtunog sa aking selpon. Isang mensahe galing sa barkada ko, wala raw kaming pang-umagang pasok.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon