"Umalis ka na."
"Ibinigay ko naman na lahat 'di ba? Ngunit bakit? Bakit?!" sigaw ko sa lalaking nasa aking harapan. Wala pa rin itong reaksyon na lalong nakapagpasakit sa damdamin ko.
"Walang-wala na ako, ano pa bang gusto mong ibigay ko?" umiiyak kong tanong habang nakahawak ako sa kamay niya. "Kulang pa ba?"
"Oo, kulang pa," maikling sagot niya. Nanlumo ako at lalong naiyak. Kulang na lang ba palagi ang ibinibigay ko? Wala na ngang natira sa akin, kulang pa rin?
"Ano bang gusto mo? Ano pa ba?!" sigaw ko.
"Miss p'wede bang umalis ka na rito sa harapan ko? Nakakaendaskalo at nakakaabala ka na kasi. Pakibalik na lang 'yung mga items kung 'di mo kayang bayaran hindi 'yung magda-drama ka pa. Kulang talaga ang pera mo dahil sa dami ng pinamili mo," naiinis nitong sambit.
"Next customer please," tawag niya.
Nahiya ako bigla. Tumingin ako sa aking likuran, ang dami pa palang nakapila.
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.