Prisoner's Base First Plot

261 8 1
                                    

(This is suppose to be the first chapter in PB. But I changed it.)

ALINA

Iniayos ko ang pagkakahawak sa maleta na nasa kaliwang kamay ko sabay libot ng aking paningin sa pasilyong dinadaan ko.

May nakita akong guwardiya ng St. Vitus University na naglalakad palapit sa direksyon ko. Kanina pa ako naglalakad sa likod ng St. Claire building ngunit hindi ko mahanap ang dormitory na itinuro sa akin ni manong guard. Gusto kong magtanong kay tita ngunit wala rin ito sa faculty room. Tagatak na rin ang aking pawis dahil sa tindi ng sinag ng araw.

Alas-syete ng umaga akong nakarating sa unibersidad ng St. Claire habang hawak ko ang isang malaking bagpack. Inuna kong mag-enrol bago pumunta sa sariling dormitory nitong school at hanggang ngayon, 'di ko pa rin makita. Kakaunti lamang ang nag-eenrol dahil hindi pa naman talaga enrollment. Gusto ko lang talagang mauna dahil ayaw kong pumila sa isang araw. Mas mabuti rin na maihanda ko na ang tutuluyan ko habang maaga. Ayokong ma-hassle.

Ngayon lang ako malayo sa aking magulang. Gusto nila akong samahan ngunit pinigilan ko. Gusto kong gawin ito nang mag-isa. Ngayon magsisimula ang aking buhay kolehiyo kaya mas maganda kung ako lang.

Alas-dose na kaya kumakalam na naman ang aking sikmura.

"Hello po,"bati ko sa isang matandang nakasalamin na may hawak ng walis tingting.

Nag-angat siya ng tingin, seryoso, at walang bahid ng pagiging friendly. Bigla akong nakaramdam ng pangangatog sa aking mga tuhod. "Ano 'yon?"

Pinigilan kong umalis dahil ang pangit naman kung bigla ko na lang siyang talikuran. Bagkus, pinakalma ko na lang ang aking sarili at nagtanong kung saan ang dormitory ng St. Claire.

"Doon sa likod ng asul na building. May makikita ka roon na malaking gate. Ipakita mo ang I.D mo para makapasok ka sa ikalawang daan."

"Ah sige. Salamat po,"saad ko. Nginitian ko siya kahit nagbuhul-buhol na ang kaba ko. Nang medyo makalayo, nakahinga na ako ng maluwag.

Shet!This is scary!Sana pala sa mga estudyante na lang sa loob ng St.Claire ako nagtanong kanina!

Sinunod ko ang sinabi ng matanda. At totoo nga,may isang malaking gate at mula rito, makikita ang malalaking building sa loob. Naglakad ako palapit sa isang lalaking nagla-laptop sa tabi ng guard house. Hindi naman siya mukhang guwardiya.

"Excuse me po."

Tila yata na-abduct na ng alien ang kanyang kaluluwa dahil hindi manlang niya ako narinig. Bahagya akong nainis.

"Kuya excuse me,"ulit ko baka sakaling hindi niya lang ako narinig. Wala naman itong suot na headset o earphone.

Ngunot-noo itong nag-angat ng tingin. Natigilan ako sandali nang mapagmasdan ko ang kan'yang itsura. Hindi siya cute o kaya'y sobrang gwapo ngunit 'yung mga mata niya....

Oh!God!

"Why?" Napabalik ako sa wisyo nang magsalita siya. Nakakatakot ang pagkaseryoso ng boses niya. "Anong kailangan mo?" Walang bahid ng pagka-gentleman ang tono ng kan'yang pananalita, tila may galit sa mundo.

Napahigpit ang hawak ko sa hawakan ng aking bagpack.

Bakit ba ang se-seryoso ng mga taong nakakasalamuha ko ngayon?

"Kung wala kang sasabihin, huwag kang nang-iistorbo." Marahan akong napaatras sa tigas ng pagkakasabi niya. Nagmumukha tuloy itong antipatiko. Ngunit kahit ganoon, nilakasan ko ang aking loob.

"M-magtatanong lang sana ako."

'Yan tuloy! Nautal pa ako.

"Nagtatanong ka na." May kaunti nang kapilyuhan ang kanyang boses kaya naibsan kaunti ang kaba sa aking dibdib.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon