Dear Mr. Writer

343 14 2
                                    

Dear Mr. Writer,

Alam mo bang una kitang nakilala bilang isang simpleng tao at hindi isang writer? Hindi ka pa sikat, kilala na kita.

Dahil dakila akong stalker, hinanap ko ang facebook account mo gamit ang dummy account ko. Kakaunti pa nga lang kaming mga friends mo noon e. Wala ka naman madalas i-post kundi puzzle at share galing sa mga book at movies ni Sherlock.

Nagsimula akong magsulat ng romance novel. Mas nauna pa nga yata ako kaysa sayo kaso, hindi talaga ako magaling katulad mo. Hanggang sa naging writer ka ng school paper niyo. Ako ang una mong fan noon. Ang saya-saya ko nga tuwing nababasa ang pangalan mo. Pero hindi mo ako napapansin.

Masakit pa sa masakit kasi, noong ako palang at kakaunti palang kaming fans mo, hindi mo na ako napapansin, paano pa kaya kung sobrang dami na namin?

Then dumating nga ang kinakatakot ko. You began writing in wattpad. Sa una, kaunti lang din kaming mga followers mo, hanggang sa unti-unti, tumataas ang bilang ng reads at comments sa kwento mo. Natatabunan na rin ang mga votes ko sa dami, hanggang sa naisip kong nagiging tanga na pala ako.

Hindi ko ugaling magpapansin kasi malaki ang hiya ko sayo. Kaya nakontento na lang ako sa kakabasa ng mga kwento mo. Mas napamahal na ako sa mga 'yon kaysa sayo. I began hating clichê novels because of your works.

Until one day, I posted something about your book. Nagulat ako kasi nag-like ka. Sa milyun-milyong taon na pagkaka-appreciate sayo, nagawa mo for the first time ang pansinin ako. Kung kailan hindi ko na hinangad, saka ka pa dumating.

So here again. I went back to my old hobby, ang maging stalker mo. Ngunit may nagbago, hindi na ikaw 'yung dating tinitingala ko. May nagbago at hindi ko mawari kung 'yung ugali mo o 'yung prinsipyo mo. Dahil ba sikat ka na? O dahil binago ka na ng panahon?

To tell you frankly, I fell inlove with you before your books. And I think, I am your first critic too. I fell inlove with your simple mysterious smile and your cute eyebags. But because you broke me without you knowing it,  nag-move on ako by loving just your books and not you as the author.

Hanggang sa minsan, naisipan kong mag-comment at mag-tag sayo tungkol sa finale ng book mo. I just really hate your manipulation in your ending so I did, nagpapansin na ako.

At ang ending sa ginawa ko? Lalo mo akong dinurog dahil sa dami ng nag-tag sayo, 'yung akin lang ang tinanggal mo. Ang saklap. Hindi mo alam kung gaano kasakit 'yun bilang isang reader at fan simula palang noong una. Sinampal mo na ako sa katotohanang walang kwenta ang pagbibigay ko ng oras at panahon sayo at sa mga kwento mo. Alam kong inakala mo na pagte-take advantage ang ginawa ko para magkaroon ng reader pero no! Big no!

Nagpapansin lang ako for the first and last time. Tama nga sila, hindi ko talaga kayang hawakan ang tadhana mo at iba talaga ang mundo para sayo at sa akin. We were both writers, but you're now on top and I'm still below, far from where you are now. Isa kang sikat na mystery writer habang ako, hindi ko pa alam kung saan ako magaling.

Ngayong sikat ka na at hindi ka na lamang isang simpleng tao, alam kong hindi mo na ako lalo mapapansin. Masakit man tanggapin, pero kailangan kitang bitiwan pati ang mga librong minsang nagpakaba, nagpaiyak at nagpaisip sa akin.

Ngayon, sinusulat ko na ang kwento nating dalawa na ako lang ang nakakaalam. Hopefully, you can be able to read this. Thanks for the tears you brought me Mr. Writer.

Yours truly,

MissNumberZeroFan.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon