HER VERSION
Isa lang akong estranghera na nakangiti habang pinapanood kang naglalaro sa 'di kalayuan. Bawat pasok ng bola sa ruweda kasabay ng malalakas na sigaw ng paghanga mula sa mga tao ay ang mumunti kong sigaw.
Isa lang akong estrangherang pinapanood kang naglalakad sa kahabaan ng kalsada pauwi sa malaki niyong bahay.
Isa lang akong estrangherang nanonood sayo tuwing isinusuot ng iyong ama ang mga medalyang pinagtatagumpayan mo. Minsan, napansin kong naiiyak ka.
Isa lang akong estrangherang nakasabayan mo minsan sa dyipni. Binigyan mo rin ako ng panyo noon dahil sa hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata.
Isa lang akong estranghera na nabangga mo nang minsang bumibili ka ng panregalo para sa iyong ama.
"Okay lang po kayo manang?"
"Okay lang ako iho. Salamat."
"Ito po, para sa inyo. Sobra kasi ang cake na binili ko para sa tatay ko."
"Salamat iho," tipid na sagot ko.
Ganoon lang at umalis ka na. Gusto kitang yakapin at humingi ng tawad.
"Anak, patawad. Patawad sa pagbitaw ko sa inyong dalawa. Hindi ko pa kayang ibuwis ang inyong buhay. May gagawin pa ako. Patawad dahil hanggang ngayon, sa iyong mata, isa lang akong estranghera."
******
HIS VERSIONNakikita kita sa patyo tuwing laban ko. Sa bawat malalakas na sigaw, ang sigaw mo ang namumutawi sa aking pandinig kaya lumalakas ang loob ko.
Nararamdaman ko ang pagsunod mo sa tuwing ginagabi ako pauwi galing sa pag-eensayo. Gusto kitang harapin, ngunit mas magiging masaya kung maglalakas loob kang lumapit at yakapin ako.
Sa bawat pagtanggap ko ng karangalan, naroon ka, nakatingin at nakangiti. Napapansin ko ang mumunting butil ng luha sa iyong mga mata. Kaya pati ako, naluluha rin.
Minsan nakasabayan kita sa dyip, sobrang saya ko. Hinihintay kong sabihin mong "anak, laya na ako". Ngunit iba sa inaasahan ko, napansin ko ang mga pagtulo ng iyong luha. Sumikip ang aking dibdib, hindi ko nakayanan kaya sa simpleng pagbigay ng panyo ko na lamang idinaan ang pangungulila ko.
Pauwi na ako galing eskwelahan nang mapansin ko na naman ang iyong pagsunod. Bumili ako ng dalawang cake, para sayo at kay itay. Akala mo lang siguro, wala lang 'yon, ngunit sinadya ko. Hindi lang dahil sobra, kundi para sayo 'yon talaga.
"Inay, pangako, papalayain kita sa kadenang ikinabit sa iyo ng mayamang opisyal na iyon. Ninakaw ka niya sa amin ni itay. Alam kong kapalit ng pagkakakulong mo ay ang buhay namin ni Itay. Ngunit Nay, antayin mo ako, mag-aaral ako ng mabuti, kukunin kita. Magkakasama rin tayo. Pangako."
(PS: Trying hard talaga ako sa full Tagalog kaya inyong pagpasensyahan ang munting akdang ito. Haha. Nagsusulat para ganahan sa research proposal ko😂😂.)
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.