Dear Dash,
May gusto lang akong ikwento sayo bago kita tanggapin. Sana ay iyong pakinggan.
Dati hindi ako naniniwala sa love. Hindi naman na siguro bago sayo ang kwentong anak na wala ng magulang dahil naghiwalay sila diba? My father was a great artist. He is a singer.
My mother loves my father so much and I don't know what happen. Bigla na lang silang naghiwalay when I was 2 years old. Mula noon hindi na ako naniniwala sa true love. Naiwan ako sa papa ko.
My father gave me everything in life. Love,kindness,and material things. Wala na akong nabalitaan tungkol kay mama. Ang saya ng buhay ko, I admit that kahit wala si mama. Kasali na rin ang isang bata na naging parang kapatid ko na.
Then one day,habang pauwi kami ni papa galing school, Grade 6 palang ako noon,may biglang bumangga sa sasakyan namin. Ang sakit lang makita mo ang umaagos na dugo sa mukha ng papa mo diba? Yes my father died at my 11th birthday. The last thing he said to me is "happy birthday but I'm sorry."
My life was a mess that day. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng ganang mabuhay. Pati yung kaibigan ko nawala.
Inampon ako ni tita. Ginawa niya lang iyon dahil mayaman si papa. Hindi bukal sa kalooban niya. But I remained good despite of everything.
Isang araw naramdaman ko na lang na outcast na ako sa kanila. They treated me a different person. They don't care about me. Ginawa nila akong alipin. My friends became so distant. Parang ang hirap hirap maging mabuting tao. You know what hurt me the most? Pinalayas nila ako. I was just highschool that time.
So there, my school life ended.
Hindi ko noon alam kung saan ako pupunta. Then I went to God that night kung kailan wala akong matuluyan. Umiyak lang ako ng umiyak.
May biglang lumapit sa akin na lalaki. He handed me a hankie. Hindi ko yun tinanggap. Despite of hatred that I felt in the world, I managed to just smile at that stranger in front of me.
Akala ko katapusan na ng buhay ko, I was 15 years old that time already, may biglang nakabundol saakin. Akala ko makakasama ko na si papa, but then the guy whom I met at the church helped me. Pinilit niya akong tulungan kaya wala na akong choice kundi kunin ang opportunity na yun.
We became friends. Akala ko yun na ang simula ng pagbabago sa impyerno kong buhay,hindi pala. He was the one who made my life more drastic. Binenta niya ako. Pinagkakitaan niya ako. Binaboy niya ako pagkatapos niya akong pinakain. Paulit-ulit nila kong pinagsamantalahan. Parausan.
My life sucked! DAMN!that life I had. Naging mabuti akong anak but then why is everything seems a wreck? Sirang-sira na ako.
Simula noon, nawalan na ako ng tiwala sa tao. That guy, ginawa niya akong parausan. Para akong hayop na pinaglaruan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Tumakas ako. I killed him. Wala na akong maramdaman noong araw na yun. Pinatay ko siya nang walang nakakaalam maliban kay God. Nagsisisi akong nabuhay ako sa mundo.
Ikinulong ako ng mga pulis sa ampunan dahil 16 pa lang ako. Nabaliw na siguro ako kaya ko yun nagawa. Do you blame me for doing those shits?
My life became easy. Hindi na ako malapitan ng mga madre. Hindi nila ako makausap ng matino. Pero mabuti silang tao. Hindi sila nagkulang sa paggabay sa akin. Napakaraming bata dun katulad ko. Grabe hindi ko alam na sa ampunan pala ako magiging masaya. I indulge myself learning. Gusto kong maging sobrang talino para hindi na ako lalagapak pa.
Noong 20 years old ako, nagsimula na naman ang mga bagay na akala ko hindi ko mararanasan. Nagkaroon ng sunog sa ampunan. Lahat ng kaibigan ko namatay. Parang unti-unting napupunit muli ang puso kong nalagyan na ng band-aid. Umiiyak ako noon ng walang tigil. Shit! Nakakapagod mabuhay. Wala man lang akong nailigtas.
Nagpalaboy-laboy na naman ako. Dalaga na ako. Naisip kong magpakamatay. Pumunta ako sa pinakataas na building ng isang gusali. Akala ko matutuloy na,pero saka ka dumating. Niyakap mo ako. Naalala ko pa ang mga binigkas mong pangungusap habang umiiyak ako.
"Hindi ka dapat magpakamatay. God gave you that body at wala kang karapatang gawan ng masama yan. I don't know what happened to you pero wag kang magpakamatay sa harap ko. Wag dito sa gusali ko."
That time gusto kong matawa sayo. Mas mahalaga pa pala sayo ang gusali. Wala nga pala akong kwenta. Naglakad ako palayo sayo noon,pero hinila mo ako.
"Tutulungan kita."
Sinampal kita pagkasabi mo nun. Nagulat ka pa. Hinarap noon kita at nagsalita.
"Help? Fudge with the help! Help talaga? Don't make me laugh. Alam kong nakakatawa at ang sarap paglaruan ang buhay ko pero tama na! PAGOD NA AKO! PAGOD NA PAGOD NA AKO!"
Sumisigaw na ako noon sa harap mo at sumalampak habang umiiyak. Bumuhos noon ang ulan na parang nakikisimpatya sa akin. Ang sakit. Ikaw naman hindi mo alam kung sisilong ka. Pinili mong hilahin ako kahit nagpupumiglas ako.
Nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa isang kama. Ospital. You smiled at me. Hindi ako nagsalita.
Dalawang araw ako doon. Hindi mo ako iniwan kahit na marami nang tumatawag sayo na kailangan mo ng pumasok sa trabaho.
Inuwi mo ako sa bahay mo. Wala akong tiwala sayo pero kailangan kita kaya kailangan ko ding magtiwala. Tanga siguro akong maituturing pero minsan kailangan mong kumapit kung saan ka makakaligtas. Kumbaga, pag nalulunod ka na, you have to clung in things kahit pa konti ang chance na mabuhay ka.
Hindi ko alam pero naging mabuti kang tao sa akin. Akala ko tuloy pari ka. Pero sabi mo, bumabawi ka lang.
Isang araw napunta ako sa kwarto mo, nakita ko ang isang picture.... bumuhos na ang luha ko nang makita ko ang mga picture natin...
Picture noong 2 years old ako. Ikaw yung nang iwan sa akin. I cried the whole time. Ang sakit. Akala ko iniwan mo ako. Akala ko hindi na kita makikita.
You explained everything. Nadisgrasya din pala mama mo kaya ka umuwi sa Australia. Ilang taon ka doon. Hinanap mo pala ako. Nagsinungaling sila Tita sainyo at sinabing lumayas ako sa kanila.
Umiiyak ka na noon. Nakita mo pala ang anklet sa paa ko na ginawa mo kaya mo ako namukhaan.Now, I want this letter for you to read. Ngayong alam mo na ang nangyari sa akin, matatanggap mo pa kaya ako? Umalis ako sa bahay mo para mag-isip ka. Alam kong sinabi mong mahal mo ako, matagal na. Pero ngayon mahalin mo pa kaya ako?
Nandito ako sa lugar kung saan tayo nagsimula.
Yours truly: NIKA
(Omeged!Lord!Ngayon lang ako gumawa ng ganito.Oh Lord! Haha. PEACE)
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.