Heart Knows Best

425 22 1
                                    

Nandito ako ngayon sa classroom, kasama ang ibang classmates ko. Yung iba umuwi na sa kanilang mga bahay para mag-lunch. Tuwing lunch, hindi ako umuuwi kasi sayang pamasahe. Hanggang 12pm kasi matatapos ang klase namin, tapos mag-reresume lang din ng 1:00pm. Kapag ganitong oras, hindi ako kumakain sa labas, nagbabaon lang ako.

Nilabas ko na ang kakainin ko nang biglang pumasok ang isa sa mga kaklase ko. Ibinalik ko ulit sa bag nang makita ko kung sino ang pumasok. Iginiya niya ang kanyang mga mata, na parang may hinahanap.

"Toph anong hinahanap mo?" tanong ni Jane.

Patuloy pa rin siya sa paghahanap, pero sinagot muna nito ang tanong ng kasama ko.

"Hinahanap ko kasi yung blue notebook ko. Nakita niyo ba?"tanong  nito saka humarap sa amin.

Kunwari wala akong pakialam sa sinabi niya. Nilaro ko lang yung ballpen na nasa kamay ko. Ayoko siyang tignan ng matagal kasi magsisimula na naman akong mangarap ng mga bagay na imposible, ang mapansin niya.

He gives me creeps whenever he's around. Natatakot akong baka mahuli niya akong nakatingin sa kanya. He is  my crush. I don't even know. Basta na lang akong nakakaramdam ng sakit tuwing nakikita ko siya. Minsan naman bigla na lang akong nagiging masaya 'pag nariyan siya.

I just admire his personality. I hate him back then kasi nakakaintimidate siya at maraming may gusto sa kanya, pero napalitan ng paghanga nang makilala ko siyang mabuti. Kung paano siya mag-effort sa mga taong mahal niya.

Naalala ko pa kung paano ko siya unang nakilala.

Naglalakad ako noon habang marami akong hawak na libro at mga kartolina. Isa kasi akong officer ng klase kaya napag-utusan ako ng president namin na mag-ayos para sa disenyo ng classroom. Sa kamamadali ko, nabangga niya ako.

"Sorry," he said then walked away without even helping me pick up those books.

"Jerk!" I hissed in frustration. Lalong nadagdagan ang inis ko nang makita kong sa basang lupa pa nahulog ang mga 'yon. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Luckily, may mga tumulong sa akin.

Hindi ko siya kilala since one week palang bago nagsimula ang pasukan, and he's new here. Hindi ko inaasahan na magiging classmate ko siya. I admit he has the looks. Pero hindi ko magawang hangaan dahil sa first encounter namin.

One time I was assigned to clean the gym with my colleagues. Ako ang unang pumasok dahil ayaw kong nahuhuli. I was about to enter the gym when I heard voices.

"Please Aiko, kahit ngayon lang kausapin mo ako. Konting pagkakataon lang naman ang hinihingi ko sayo eh. Kaya nga ako pumasok sa school na ito para lang sa ating lahat. Gusto kong ayusin natin ito. We've been through a lot, sasayangin din ba natin yun?"

Nagtago ako sa tabi ng trash can. Nakikita ko pa rin naman ang mga mukha nila. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nang makita ko si Toph na nagmamakaawa sa harap ni Aiko, ang muse ng kabilang section.

"Ginawa ko naman ang sinabi mong dapat hindi muna ako magpapakita diba? Ano pa bang kulang? Kasi ang sakit sakit na," sabi niya na parang matutumba na. Kita kong nagpunas siya ng luha.

"Sorry pero ayoko. Please stop this nonsense. Mahalaga siya sa akin. Ayoko siyang makitang masaktan kasi mahal ko siya,"sabi niya at kinalas ang kamay ni Toph na nakahawak sa kanya.

Kinabahan ako bigla nang makita kong palabas na siya. Malapit lang kasi ang pintuan kung saan ako nakatago. Buti na lang hindi na ito lumingon.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit kay Aiko, siguro dahil bestfriend ko siya. Hindi nga lang halata. Sa bahay lang kami nagkikita. Pero may mahal siya? Bakit hindi ko alam?

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon