8888

531 27 1
                                    

Minsan sa sobrang pagtitiwala, hindi na natin pinapansin ang maliliit na detalyeng mas nagpapakita ng katotohanan.

ALL RIGHT RESERVED.2016

*******

"Arvin paabot naman yung thermometer," utos ko sa boyfriend kong nanggugulo na naman sa experiments ko. Kinuha niya ito saka tumabi sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagyakap niya. "Isa!Tanggalin mo yang kamay mo o ibabato ko itong medical kit sayo?"

"Grabe naman, naglalambing lang e," yamot niyang sabi habang kinakalas ang pagkakayakap saakin. Tumayo ito at dire-diretso sa pintuan.

"At saan ka naman pupunta?"

"Mambabae," he jokingly said. Ibinato ko ang pentel pen pero nasalo lang niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Not funny Arvin."

"Joke. Kukuha lang ako ng pagkain, sige gawin mo na yan," nakangiting saad niya saka naglakad paalis. Saktong nagvibrate ang phone niya sa study table. 8888 lang naman kaya hinayaan ko na.

Napangiti ako. Naalala ko tuloy yung crush kong si JM. 8888 ang pangalan niya sa phonebook ko, siya ang naglagay.

Huminga ako ng malalim. Minsan hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko. 'Yung tipong bigla na lang akong kakabahan kapag kasama ko si Arvin. Ang lakas ng epekto niya sa akin. Siguro mahal na mahal ko lang talaga siya.

Siya ang first boyfriend ko kaya hindi ko alam kung paano maghandle ng relationship. Sabi ng mga kasama kong intern, we are perfect couple. Hindi daw kami nag-aaway kahit na sobrang tagal na namin. Sobrang tahimik daw kaming dalawa. Siguro nga perfect na yung relationship namin sa mata nila, pero sa amin hindi. Normal lang. Kakabati nga lang namin kahapon pero hindi namin pinapahalata sa iba kung magkaaway kami.

Pagbalik niya, may dala siyang McDonald meal. Napangiti ako dahil favorite ko ang binili niya.

"Let's eat. May pupuntahan pa kasi ako." Kinuha niya ang plato na nakalagay sa tray. Siya na rin ang nagsalin ng tubig sa baso ko.

"Diba tapos na ang duty mo? Tapos kagagaling mo lang din kila Tita kahapon. And kanina, galing ka sa mga barkada mo. Saan ka pupunta ngayon?"

"Haha, grabe. Investigator lang? Pupunta kasi ako kila Gwen. Gagawin namin yung narrative report," saad niya ng hindi nakatingin sa akin. Nagsimula na kaming kumain nang may dumating na bisita. Nabitawan ko ang kutsara ko.

"Gwen?" gulat kong tanong. Hindi man lang kumatok .

"Oh bakit gulat kayo?" nakangiti niyang wika habang nilalapag ang hawak niyang pagkain. I felt Arvin stiffened.

"Pupunta si Arvin mamaya sainyo diba? Gagawa kayo ng narrative report?" tanong ko na nagpakunot ng kanyang noo. Tinignan niya si Arvin.

"N-natapos na ang narrative namin,"  nag-aalangang sagot ni Gwen. Napabaling ako kay Arvin. Tumango ako.

"Let's eat then. Salamat dito Gwen," I said despite of anger that built up in my chest.

"B-aka akala ni Arv hindi pa tapos." Tumingin ako kay Gwen na halatang pinagtatakpan ang boyfriend ko. Hindi ako umimik, bahala silang mag-usap.

"Akala ko kasi kailangan niyo pa ako dun Gwen kaya sinabi ko kay Nette na  pupunta ako dun sainyo".

"Ganun ba?Kaya pala gulat siya nang makita ako eh. Pagpasensyahan mo na itong si Arvin. Minsan talaga makakalimutin." Tumango ulit ako. Gwen is my boyfriend's bestfriend. Wala naman akong issue sa kanila dahil kilala ko na si Gwen. Mabait at responsable.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon