Mata

508 25 1
                                    

"Terry pwede na bang manligaw ulit?"

"Hindi."

"Bakit hindi pwede?"

"Kasi hindi kita gusto. Paulit-ulit ka na ring nanliligaw."

"Bakit hindi mo ako gusto?"

"Kasi hindi kita gusto."

"Hindi ba pwedeng ligawan lang kita? Ipapakita ko sayong seryoso ako. Kahit ayaw mo,kailangan ko lang subukan ulit. Wala namang masama diba?"

Naglakad ako paalis kasi kukulitin niya lang ako. Matagal na siyang nanliligaw pero pinahinto ko siya. Ngayon bumabalik na naman.

"Terry hatid na kita."

Hindi ko siya pinansin. Umupo ako sa damuhan ng school malapit sa garden. Umupo din siya pero sa harap ko nga lang.

Ako si Terry Rosales at isang sophomore. Kung tatanungin niyo kung anong itsura ko? Average lang, hindi masyadong maganda pero may ibubuga. 'Yung nasa harap ko naman, si Fritch Tan. Gwapo pero mahina ang pag-intindi. Baliw pero talented kaya maraming may gusto sa kanya. Hindi naman siya bobo kung magseseryoso lang siya sa pag-aaral.

"Alis ka na."

"Hindi kita iiwan dito."

"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi kong ayaw ko sayo diba?" Sumimangot na lang ako. Bakit ba kasi may mga lalaki talagang makulit? Sinabi na kasing ayaw, ipipilit pa.

"Bakit ba kasi ayaw mo saakin? Gwapo naman ako, magaling kumanta, masarap magluto, swabe sumayaw, mvp sa basketball at gitarista. Ano ba talagang mali sa akin?"

"Hindi ko alam. Basta naaalibadbaran ako sayo." Huminga siya ng malalim na parang sobrang nasaktan ko siya. Pero nagbago din ito nang tumawa siya.

Ibinaba nito ang kanyang bagpack. "Ang sakit naman nun Terry. Pero di bale na, ok lang." May nilalabas yata siyang pagbaunan.

"Eto o, diba paborito mo ang kulay blue dati? Ito na sayo," sabay abot sa akin ng lunchbox. Hindi ko ito tinanggap pero kinuha niya ang kamay ko. "Sayang ang grasya, 'wag mong tanggihan."

Wala na akong nagawa. Ganito na lang lagi, iiwasan ko siya pero gumagawa siya ng paraan para payagan ko siyang manligaw ulit.

Kumakain ako nang mapansin kong hindi niya ginagalaw ang kanyang pagkain. Hindi ko kasi naririnig ang kutsara. Alam ko na kung anong ginagawa niya. "Stop staring."

"Sorry, I can't help it," sabi niya na nakapagpatibok ng puso ko. Kaya ko siya iniiwasan. Bawal ko siyang mahalin pero alam kong hulog na ako.

Kumain na lang siya ulit. Tahimik kami. Masaya sana kami kung hindi lang bawal. Masaya sana kung hindi nangyari 'yun. Masaya sana kung hindi ko kailangang pigilan ang nararamdaman ko sa kan'ya.

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na lahat. "Salamat sa pagkain."

He packed his things. Naririnig ko ang mga kaluskos niya. "Ang saya sana kung araw-araw tayong ganito 'no?"

Ayokong makinig sa sasabihin niya kaya tumakbo ako paalis sa lugar na iyon. "Terry teka lang." Tumatakbo rin siya para habulin ako. Mas lalo akong tumakbo ng mabilis. Kahit alam kong mapapahamak lang ako.

Sa bilis kong tumakbo,hindi namalayang may malaking bagay akong natapakan kaya natisod ako.

"Pakshit! Bakit ba ang malas ko sa lahat? Sa pamilya,sa kaibigan at sa taong mamahalin?" Naiiyak kong sabi sa sarili ko habang hinahawakan ko ang nasugatan kong paa.

"Get-up," someone said coldly. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang nagsabi non. Kilala ko na siya sa boses pa lang.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.Tinapik ko lang iyon. "Kaya ko." Ibinaba naman nito.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon