Afraid Of Losing You

687 32 5
                                    

This is a true story. One of my friend has a girlfriend and he loves her so much. Ikinuwento nito sa akin before tapos meron din ako sa scene. But I'll just use ALJON POV. Kakainggit nga sila noon e.haha

(Helena and Aljon)

************

"Can you go?" she asked me while doing my project. Kasalukuyan kong tinatapos ang worksheet ko. Ipapasa na namin ito within 15 minutes. Kanina pa niya ako kinukulit.

"Babe, mamaya na 'yan. Kausapin mo naman ako oh."

"Babe sige na. Mamaya na 'yun e. Samahan mo na ako. Please."

Tumingala ako at tinignan siya ng seryoso. "I told you, mamaya mo na ako kausapin diba?"

Pinaglaruan nito ang kanyang daliri at yumuko. "Hindi ka ba sigurado? Tinatanong ko lang naman kung pupunta ka e. Masama na bang magtanong. Masama na bang isama ka d'un?"

Ibinalik ko ang atensyon ko sa worksheet. Nagsimula na akong gumawa ng closing entries. Marami pa akong gagawin kaya hindi ko muna siya pinansin. Hindi ako pwedeng bumagsak dahil 50 percent ito ng final grade namin.

"Babe...."

Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat. Naririndi na rin kasi ang tenga ko sa katatanong niya tungkol sa party ng kaibigan niya.

"Babe naman kausapin mo naman ako."

"Isa pa Len, maiinis na talaga ako sa 'yo." Seryosong saad ko. Alam niyang galit na ako kapag tinawag ko na siya ng ganun.

Hindi siya nagsalita. Tumalikod siya sa akin. "Tell me na lang kapag tapos mo na 'yan." Malungkot niyang sambit saka ito tuluyang lumabas.

Siya si Helena, girlfriend ko. Isang taon na kami. Mahal na mahal ko siya kahit sobrang kulit. Tulad na lang ngayon, sinabi ko sa kanya na mamaya ko na sasabihin kung pupunta ba kami sa birthday ng kaibigan niya pero ang kulit. Nagrurush pa naman ako ng mga project. Sobrang busy namin lalo na at graduating ako.

Ilang minuto pa nang natapos ko din 'yung worksheet. Naalala kong may praktis pala kami sa literature. Kailangan din naman 'yun para makabawi sa bagsak naming exams.

Nagtext ako sa kanyang hindi ako matutuloy sa party ng kaibigan niya. Gustong-gusto ko na siyang kasama. Isang linggo na kaming hindi nagkasama kaya siguro pagkatapos ng finals, babawi ako.

'Ok babe. Pasensya na kanina kung kinulit kita. Namiss lang naman kita kaya gusto kitang kasama ngayon e. But I know busy ka. Sige next time. Lavyah babe."

Napangiti na lang ako ng wala sa oras. Kahit na alam niyang ako ang laging walang oras, siya ang mag-aadjust. She was understanding. She was jolly, friendly and simple. Basta mahal na mahal ko siya. Period.

"Sorry din kanina babe. Bawi ako next time. I love you. Enjoy and take care. Uwi ka maaga sa bording niyo."

Pagkatapos ko siyang i-text, dumeretso na ako sa room para sa praktis. Gumawa kami ng props kaya pagod na pagod ako. Nagtulungan pa kaming gumawa ng lyrics para sa performance bukas.


Gabi na nang makauwi ako sa bording. Hindi na ako kumain dahil inaantok na ako. After kong magshower, humilata na ako sa kama. Kailangan ko nga palang maagang gumising dahil tatapusin ko ang gagawin naming script. Ang hirap talaga pag finals.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon