Peppe-Ronie

626 26 1
                                    

"Phie, natapos mo na ba 'yung assignment mo sa physics?" tanong ni Ronie sa akin.

Siya si Ronie Reyes, ang boyfriend ko. Isang 2nd year college accountancy student.  Ako naman si Pepper Gonzales, 1st year sa medical department. Isang taon na kaming magkarelasyon.

Sikat kaming dalawa dahil pareho kaming athlete at kasama sa theatre club. Marami ring nagkalat na fanpage namin sa facebook. Lalo na ang 'PeppeRonie', isang fanpage na sobrang sikat sa school.

Hindi madrama ang pagkakilala namin.

Nakalaban ko siya sa table tennis. Naging magkaibigan din kami bago siya umamin na may gusto siya sa akin. Naging kami after two months of courtship.

"Hindi pa nga eh. Bakit?"

"Tulungan na kita. Tapos ko na 'yung worksheets ko." Ngumiti ako. Alam niya kasing hindi ako maalam pagdating sa Math subjects lalo na ang physics. 'Yun talaga ang kahinaan ko.

"Talaga?"

"Yhup," sabi niya.

Ngumiti ako ng malapad saka ko siya niyakap. Tumawa naman siya bago niya ako niyakap pabalik.

"Ang bango ng buhok mo," he said while resting his chin on my head. Matangkad kasi talaga siya.

"Lagi naman."

He chuckled."Oh siya sige tama na, baka hindi na kita bitawan," wika nito saka siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Ilagay mo na lang sa bag ko yung libro mo at maglunch muna tayo. Gutom na ako eh."

Tumawa ako at tinapik siya. "Lagi ka namang gutom eh."

"Ikaw din naman. Tignan mo nga, mas mataba ka sakin."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako mataba? Feeling mo ah. Mas mataba ka kaya, matangkad ka lang."

Tinaasan niya din ako ng kilay.

"Rhie, hindi mo bagay magtaas ng kilay. Kalalake mong tao. Mukha kang unggoy na sumisinghot ng droga," komento ko habang natatawa.

"Mahal mo naman." He grinned. I pouted. He pinched my nose.

Tinulak ko siya. "Aray! Masakit kaya. Alam kong matangos ilong mo sakin. Wag mo nang pahalata."

He laughed. "Sorry ang cute mo kasi. Namumula ka na naman eh. Pero mahal na mahal kita kahit hindi ka na cute."

"Darn! Ang korni mo!Halika na nga. Gutom na rin ako," sabi ko kasi masyado na namang malakas ang tibok ng puso ko.

He laughed harder. "Kinilig ka lang eh." Tinignan ko siya ng masama. Hinawakan nito ang aking kamay.

"Joke lang. Sige na,hindi ka na kinikilig."

Umiling na lang ako sa kapilyuhan ng boyfriend ko.

Perfect. 'Yan ang tingin ko sa relasyon namin. We barely quarrel. Kapag nagseselos siya, sobrang vocal. He will tell me right away. Ako, ayokong sabihin kapag galit, nagseselos or nagtatampo ako. Ayokong magaya sa past girlfriends niya. Ayaw niya ng nagseselos. Ayaw niya ng matanong. Ramdam niya naman kapag galit o nagseselos ako kaya agad kaming nagbabati. Hindi ako ang nagdadala sa relationship namin kundi siya.

Kapag ramdam niyang galit na ako, gagawa siya ng paraan para palamigin ang ulo ko. Kapag naiinis ako, siya ang gagawa ng paraan para patawanin ako. Kapag ramdam niyang nagseselos na ako, hindi na yan lalayo akin hanggang maging okay kami. Kapag umiiyak na ako, he will not talk. He will just hug me until my tears fades away. He's a responsible boyfriend for me, bestfriend and son to his family. Kaya mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga lang masabi. Hindi ako vocal tulad niya.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon