GIRL CONFESSION:
"Man in White"
Gusto ko lang batiin 'yung lalaking nakasama kong kumain ng siomai sa school canteen number 7 at nakalaban ko sa general quiz bee noong isang araw. Hindi ko kasi alam pangalan niya. Haha.
Una ko siyang nakita noong intramurals. Mag-isa ko noon kasi absent 'yung kaibigan ko at katatapos ng quiz bee. Umuulan at wala akong payong kaya tumambay ako sa canteen. Dahil nagutom ako, umorder ako ng siomai. Sinabi ko sa tindera na mamaya na lang ako magbayad kasi tinatamad pa akong maglabas ng pera.
Habang kumakain, may lalaking biglang nagtanong kung pwede ba siyang umupo sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. Tumango lang ako pero hindi ko siya tiningna sa mukha. May dala din siyang siomai. Dahil nahihiya ako, tumitingin na lang ako sa buhos ng ulan.
After ko ubusin 'yung pagkain ko, tumayo na ako. Sa kamalasan, gumalaw 'yung mesa at 'yung sauce ng siomai na nasa plastic cup, nabuhos sa damit ng lalaki. As in, namula ako noon kasi uniform ng medical technology! Puti pa naman ang damit niya!
Tumingin ako sa kanyang mukha. Lalo akong pinagsakluban ng nerbyos dahil siya 'yung nakalaban ko sa general quiz bee at nakatalo sa akin.
"Shit!" 'yan ang paulit-ulit niyang sinasabi habang pinupunasan ng tissue 'yung nabuhos. Hindi ko alam kung galit pero tumayo siya bigla. Napatingin din 'yung mga nasa ibang tables.
"K-kuya sorry po!" paulit-ulit ko noong sinabi 'yun. Kinuha ko pa 'yung panyo ko tapos tumakbo sa loob ng canteen at binasa 'yun. Pagbalik ko, nakaupo na ulit 'yung lalaki.
"K-Kuya, pampunas niyo po," sabi ko pero nakayuko ako. Tumingin siya sa akin na naka-pokerface. Kinuha niya panyo ko sabay punas ulit sa sauce na nabuhos. Naiiyak ako sa sobrang kahihiyan noon. Super!
Habang pinupunasan niya 'yung siomai na nabuhos, lumapit si ateng tindera ng siomai. Kinukuha niya 'yung bayad ng in-order ko. Agad ko namang kinuha 'yung bag ko at tiningnan ang pitaka ko.
Ilang beses akong lumunok dahil wala akong makita na pitaka sa bag ko. Nilibre kasi ako ng pinsan ko pagpasok ng school that time kaya hindi ko na-check if dala ko ba ang pera ko. I was cursing myself to death when I remembered that I put my wallet inside my drawer.
Pinagpapawisan na ako that time. Ang malas malas ko! Tapos nagulat ako nang maglabas ng twenty pesos 'yung lalaking nabuhusan ko ng siomai.
"Ako na lang po muna magbabayad. Eto ate oh," sabi niya sabay bigay ng bayad. Nganga talaga ako sa nangyari. Hindi ko alam kung pinapa-guilty niya ako lalo o talagang trip niya lang.
Pag-alis ni ateng tindera, hindi ko na mahagilap ang salitang dapat kong sabihin. Shet lang talaga.
Hanggang ngayon naaalala ko pa 'yun. Tuwing nakikita ko na ang lalaking 'yon, lagi na akong nagtatago. Hindi ko alam na sa tuwing tinitingnan ko siya 'pag may program, nahuhulog na ako. Sana mabasa niya 'to though alam ko naman na malabo.
PS: Noong nag-stalk pala ako, nalaman ko na isa siyang President Lister at chairman ng Medtech Department. Man in white, sorry ulit😃
From: F.D
*****
At the same day, may nag-confess din sa admin ng university files na lalaking ka-tugma sa confession ni girl.BOY CONFESSION:
"With her smile"
I am not a cool guy neither a gangster. I just wanted to say this to someone who brought a hurricane in my life.
Nakilala ko siya noong bumibili ako ng icecream. Habang nakapila, salita siya nang salita kasama niya ang kaibigan niya. I admit, I'm attracted when I saw her face for the first time. She's so simple especially her smile.
Pag-alis nila, ako na ang susunod na bibili. Naglalagay na ang tindero sa plastic cup nang maalala ko na wala pala akong dalang pera kasi nasa office 'yung bag ko.
"Ah, kuya, pwedeng kunin ko muna pera ko sa loob, balik ako agad," sabi ko.
"Nilibre ka na ng mga kaibigan mo diba? Hindi kinuha nung dalawang babae ang barya nila."
Medyo natawa ako kasi hindi ko naman talaga kilala 'yung mga babae. Since pareho naman kami ng school, sinabi ko na lang na babayaran ko sa kanila.
I went home that day with a curve in my lips. Alam ko kasing makikita at makikita ko ang babaeng 'yun, magkatabi naman kasi ang medtech at comscie department. Nakita ko kasi ang uniform niya.
And I was right. Simula nang araw na 'yun, lagi ko na siyang pinagmamasdan. Call me cheezy or corny, but I like that girl. Hindi ko na din binalik 'yung pera, nato-torpe ako.
I was delighted when I learned that she's also part of the quiz bee. Tiningnan ko ang list kung saan siya nakasali, napangiti ako. For the first time, I was excited to take the general quiz bee. She got the second place and I am the winner. Ayoko naman kasing matalo niya ako.
At noong isang araw lang din after the quiz, may nakakatuwa at nakakatawang nangyari.
Naghahanap ako ng mauupuan para magmeryenda nang mamataan ko sa siya stall number 7. Mag-isa niya lang kaya naglakas loob akong lumapit sa kanya. Nanginginig ako but I tried to be cool.
Tinanong ko kung pwede akong umupo sa upuang nasa harap niya, tumango naman siya. I wanted her to look at me, but it looks like she loves the rain, that's why she can't glance me even just for a second.
Sa ilang minutong tahimik kami sa aming mga upuan, ilang beses ko din na kinumbinsi ang sarili kong magsalita. Nang magkaroon na ako ng lakas ng loob, bigla naman siya tumayo na dahilan para matapon ang sauce ng siomai sa uniform ko.
Napamura ako nang hindi sinasadya. Hindi dahil nagalit ako kung hindi dahil nahihiya na ako sa itsura ko. It was a mess. I even said to God, "ito ba ang paraan niyo para makausap ko siya?".
Tarantang-taranta siya at namumula ang pisngi niya. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko. She's adorable that I even wanted to pinch her cheeks.
PS: Hi, sana mabasa mo 'to kahit malabong mangyari. Nasa akin pa pala 'yung panyo mo.
From: R.M
END💓
BINABASA MO ANG
COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONS
Short StoryThis book is a compilation of my short stories. Formerly a stand-alone one shot, but I compiled it to make it better^_^ ALLRIGHTRESERVED.