Kung Sino Ka Dati

235 13 0
                                    

Nakita ko siyang kasama ang mga barkada niyang lalaki. Masaya ito na tila hindi ininda ang aming paghihiwalay kahapon.

Gusto ko siyang ibitin patiwarik dahil sa sobrang wirdo niya. Sa anim na taon naming magkarelasyon, masaya naman kami. Ngunit nitong nakaraang buwan, naging magulo na ang prinsipyo niya. Noong pangit ako at kasuklam-suklam ang aking mukha, mahal na mahal niya ako. Samantalang ngayong nagbago na ang aking itsura, ni hindi na ako matingnan.

Naglakad ako palayo sa gym nang may lumapit sa kanyang babae. Mataba at pangit ang itsura. Gusto ko itong murahin at isigaw na tanga siya pero hindi ko magawa.

Tumakbo ako palabas ng school. Nanlalabo na kasi ang aking mga mata. Nanuot sa aking dibdib ang sakit na dulot ng panghihinayang at pagkabigo.

"Selene!"

Muntikan na akong mabangga kung hindi lang nakapagpreno ang kotseng humarurot palapit sa akin. Sinigawan pa ako ng driver. Pagkatapos akong sermunan, pinaharurot nitong muli ang kanyang kotse.

Tumingin ako sa sumigaw kanina, ang walanghiya kong ex. Nagtuluy-tuloy na akong umalis, hindi alintana ang muntikan ko nang pagkamatay.

"Selene! Teka lang!"

Dahil maliit lang ang aking mga hakbang, naabutan ako ng siraulo. Imbes na hilahin, iba ang kanyang ginawa. Pumunta siya sa aking harapan kaya napatigil ako.

"Anong kailangan mo?"

"Kailangan ko lang siguraduhin na hindi ka nasaktan. Konsensya ko pa kung may nangyaring masama sa 'yo," malamig nitong tugon. Ang sarap niyang ihampas sa pader. Kung p'wede lang na buhusan ko siya ng tubig nang matanggal naman ang kalamigan ng kanyang pakikitungo, ginawa ko na.

"Tigilan mo ako."

"Bukas na," sagot niya na parang nakakatawa ang pagsagot sa tanong ko, na parang hindi ako nasasaktan. Magsasalita na sana ako nang may kinuha siyang papel sa kanyang bulsa bago hinila ang aking palad saka ito binitawan. "Basahin mo 'yan pag-uwi mo. Makakaalis ka na, tinitigilan na kita."

Para akong tanga sa pinaggagawa niya. Hindi na ako umimik, naglakad na lamang ako palayo, tinigilan nga talaga ako ng baliw na 'yon. Hindi man lamang ako hinabol.

Pag-uwi ko sa bahay, tahimik. Pati kasi ang mga dati kong kaibigan, hindi na ako kinikibo. Hindi na sila namamasyal tulad ng dati.

Malungkot akong umakyat sa aking kwarto. Pagkababa ko ng aking bag, agad kong binuksan ang sulat na binigay ni Lander. Sa kama ako umupo.

*****
Hi Pangit:)

Pagpasensyahan mo na kung mahaba-haba 'to. Alam kong tamad ka magbasa pero sana, intindihin mo ang gusto kong ipaintindi sa utak mo.

Joke ko lang 'yung sinabi ko kahapon na hiwalay na tayo. Napuno lang kasi ako sa sobrang sama ng ugali mo. Ang laki na kasi ng ipinagbago mo. Parang hindi na ikaw 'yung taong minahal ko ng sobra. I won't say sorry because it's not my fault.

Mahal kita, alam mo 'yan. Minahal kita kahit ang taba mo noon. Minahal kita kahit ang daming pimples sa mukha mo. Minahal kita kahit ang takaw mo sa pagkain, inuubusan mo pa ako. Minahal kita kahit ang hina mo sa mga subjects natin. Minahal kita kahit ang pangit ng boses mo. Minahal ko kung sino ka.... KUNG SINO KA DATI.

Hindi ko sinasabing mali na baguhin mo ang pisikal mong kaanyuan, pero sana hindi mo idinamay ang katauhan mo. I don't like the new you.  Alam mo ba kung sino ka na simula nang umangat na ang itsura mo?

Kung hindi, p'wes, sasabihin ko sa 'yo kasi mahal kita.

Ngayon, naging mapangmataas ka na sa kapwa mo, kaya pati kaibigan nating dalawa, iniwan ka na. Hindi ka na nakikinig ng mga suggestions. Hindi ka na kumakain kahit gutom ka para lang makapag-diet, pati tuloy ako hindi na nakakakain ng maayos. Hindi ka na tumatawa ng malakas, pilit na ang bawat galaw at pagngiti mo, 'di ko na tuloy alam kung paano ka pakisamahan. Naging instant sikat ka lang, hindi mo na pinapansin ang mga dati mong kabarkada. Pati mga magulang mo, ayaw mo nang kakwentuhan. Mas gusto mo pa na makasama ang mga plastik na taong nakikipalapit sa 'yo para lang sumikat din sila.

Mahal ko si Pangit, hindi si Selene.

Si Pangit, laging masaya, walang pakialam sa negatibong pahayag ng mga tao. Samantalang si Selene, siya na ang mapangmataas, ang daming negatibong sinasabi sa kapwa at judgmental sa iba.

Naalala mo noong nilagyan kita ng uling sa mukha mo? Akala ko tatawa ka tulad ng dati, kaso bigla mo akong sinigawan sa harap ng barkada ko. Nasaktan ako du'n.

Noong after defense natin, gusto kong kumain tayo kasi ang sakit na ng sikmura ko, ayaw mo akong samahan dahil busy ka sa kaka-bash ng mga walang kwentang tao. Nasaktan mo na naman ako kasi mas pinili mong mag-fb kaysa sa akin.

Mahal kita. Pero paano ko sasabihin 'yon sa harap mo kung iba ang nakikita ko? Hindi na ikaw ang araw-araw kong sinasabihan ng mga katagang 'yun. Nasasaktan mo na ako.

Ibalik mo na lang 'yung dating ikaw. Please? Mis na mis ko na kasi si Pangit.

Hindi ko sinasabing ayaw ko ang bago mong anyo. Actually, lalo kitang minahal nu'ng nakita kong sobrang ganda mo na. Hindi naman masama ang magbago, huwag mo lang sanang binago ang totoong ikaw. Change yourself for the better not the other way around.

Alam kong minsan, nakikita mo akong napapasulyap sa ibang babae, normal lang 'yun. Pero tandaan mo, sa huli, ikaw pa rin ang gusto kong mahalin. Wala silang panama.

Pangit mahal, ibalik mo na ang dati mong katauhan. Hindi ang pisikal mong kaanyuhan kundi 'yung dati mong kabutihan. Gusto ko, kakain ka. Ayoko kasi na ginugutom mo ang sarili mo, pati ako nagugutom. Kapag madami kang nakain, exercise tayo ng sabay:) Ako ang maglalagay ng cream sa mukha mo para 'di ka na magka-pimples. Astig 'di ba?

Kapag magkasama naman tayo, gusto kong tumawa ka pa rin ng malakas. Kahit sa harapan ko na lang, mas ramdam ko kasing masaya ka talaga tuwing kasama mo ako kapag malapad ang mga ngiti mo. P'wede na ba 'yun?

Pangit, balik ka na. Pakasal pa tayo.

Nagmamahal na gwapo,
Lander ni Pangit:)<3

*****

Basang-basa na ang papel na aking hawak pagkatapos kong basahin ang sulat niya. Patuloy ang pag-agos ng aking luha dahil sa samu't-saring emosyon ang nararamdaman ko.

Realization hit me hard. Hindi ko alam na ibang tao na pala ako. Kaya pala hindi ako masaya dahil pinilit kong maging ibang tao kahit ayoko.

(PS: Improve yourself. Change yourself for the better not for the worst. Masayang baguhin ang sarili lalo na kung alam mo na sa pagbabagong 'yon, magiging masaya ka😊.)

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon