Samantha's Point of View
Highschool...
First Day of school. Ang aga ko nagising dahil nga first day ng klase. Andito na ko sa school papunta nasa room ko mabuti at nandoon na sila Joyce at Keila...
"Hi Samantha!" bati sa akin ni Keila.
"Goodmorning Sam." bungad na bati ni Joyce sa akin with her usual face. The no emotion face psh.
"Morning." saad ko sakanila tsaka ako umupo sa tabi nila ang pagkakaayos kasi ng upuan namin, yung mga babae limang hilera ganun din sa mga lalake.
"Guys alam nyo ba may bago tayong kaklase!" Kei.
"Sino?" sagot ng isa kong kaklase
"Si Kurt Romero." sabi ni Keila.
"Magpapapicture nga ako mamaya eh." sabi nitong si Cheska at hawak ang kanyang cellphone. Si Cheska mahilig syang magselfie, in short selfielord i mean ayon nga mahilig ngang magpose-pose at magpakuha ng litrato. Pumasok na yung teacher namin na si Ms. Lopez nagpakilala muna sya samin kasi may mga bagong transferee samin kabilang na siya don.
"Goodmorning, Class!" bati ni maam.
"Goodmorning, Ma'am!" bati naming lahat.
"Ah class siya nga pala si Mr. Romero bagong kaklase ninyo." sabi ni ma'am sa amin ng makaupo kami.
"Goodmorning...I'm Kurt Romero new student here." pagpapakilala niya sa amin.
"Okay, Mr. Romero humanap kana ng upuan mo para makapag simula na tayo." sabi ni Maam.
"Dito, Classmate." nakangiting sabi ni Edward.
Makulit yang si Edward pero kapag ako harap niyan wala yang kakulitan niya tahimik sakin yan hahaha! So ayun umupo na siya at nagsimula na nga si Ma'am nagdiscusss lang siya buti at walang pinagawang homework.
Canteen.
"My god! ang gwapo nya diba shet kinikilig ako!"
"Sana maging kaklase din natin sya no!"
"Siya ba yung new transferee? Ang gwapooo!!!"
Ayan nanaman sila kaya ayaw kong pumupunta dito ang ingay na tapos wala silang ibang pinagsasabi kung ano yung trending dito sa school malamang...
Samantha canteen nga eh diba syempre maingay, madaming estudyante.
Nung hindi ko pa kilala sila Joyce andun ako sa ilalim ng puno ng mangga kumakain gusto ko kasi kapag kumakain ako tahimik yung walang istorbo.
Well sanay naman ako sa ganyan may isang website kasi tungkol sa mga estudyante dito sa school kunyare si ganito may boyfriend na tas ayun ipagtsitsimisan kapa nila di ba nakakairita yung ganun. Lumingon ako sa mga nagtitilian na mga babae dumating na pala silang tatlo.
"Hi! Kurt ang pogi mo"
"Edward papicture!"
"Kyahh! Jacob ang pogi mo".
Tilian ng mga babaeng estudyante. Nginitian lng nila yung mga babae at umupo dun sa table nila nakita kong nginitian ako ni Kurt pero hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na lng sa pagkain. Natapos ko na yung pagkain ko nagpaalam ako kila Joyce na magccr muna naglalakad ako papunta sa cr ng may nabangga akong lalaki..
YOU ARE READING
My Boy Bestfriend Is My Forever
Teen Fiction[Completed] It's my first ever story. Samantha Leyve Concepcion and Kurt Leandro Romero's Story. She's a simple girl who have many dreams pero lahat ng iyon natupad nya. She is a model and she has a friend named Keila and Joyce ng biglang hindi in...