CHAPTER ELEVEN II

223 27 0
                                    

Continuation


Samantha's Point of View

Nakakainis siya akala niya hindi ko alam kung anong ginagawa niya tsk!

"Bakit mo ko pinipicturan?" inis na sabi ko sakanya.

"Hindi kita pinipicturan ha!" pagtanggi pa ni Kurt.

"We? Talaga ba?" nakangising sabi ko.

"Hindi nga o, tignan mo naglalaro nga ako dito." -Kurt.

"Kunyari kapa akala mo hindi ko alam kung ano yung ginagawa mo kanina doon sa arcade ah *smirk* " ako.

"Patingin ako dali!" nakangiting sabi ko sakanya.

"Hindi pwede." iniwas niya pa yung cellphone niya para hindi ko to makuha.

"Bakit hindi pwede?" nakangising sabi ko.

"Basta." sagot niya naman bigla kong kinuha sa kanya yung cellphone niya tapos naghabol- habulan kami doon papunta sa terrace para hindi niya maabot patay! Ang tangkad niya bali nakaharap ako sakanya habang yung isa kong kamay hawak-hawak yung cellphone niya siya naman todo agaw sa cellphone niya pero hindi niya parin maabot nagkalapit yung mukha namin unti na lang at mahahalikan niya na ako waaaa pumikit ako sa sobrang kaba.

'Aish, Tanga!' para hindi ko makita kung ano yung gagawin niya muli kong dinilat yung mga mata ko at ang loko wala na naagaw niya. Hays.


"Paano pa ba iyan nakuha ko ito!" nakangiti pang sabi niya sa akin.

"So, what?" mataray na sabi ko sakanya pagkatapos nun bumalik na siya sa upuan niya tinignan ko yung cellphone ko at may nagmesage. Psh! sino ba pa sinend niya sakin yung mga stolen shots nakuha niya sakin! Infairness ang galing niya kumuha bawat anggulo magaling siya kumuha. Yes, I change his nickname. He's so annoying!

From: mr yabang kurt
O, ayan na ang ganda ko kumuha no *wink emoticon*

To: mr yabang kurt
hindi naman.

From: mr yabang kurt
We? Hala hindi nga?

To: mr yabang kurt
oo na, maganda na.
share mo lang?


From: mr yabang kurt
yeah.
*wink emoticon*
-seen‐


"Ehem?" si Keila pala nagkunwaring umubo pa.

"Nakakaistorbo ba kami? Sa inyo?" sabi niya pangingiti pa siyang nalalaman.

"Hindi naman" ako.

"Wushu!" panunukso ni Joyce. Nang-asar pa nga!

"Guys abangan natin yung fire works ah mamayang seven o'clock excited na ko!" nakangiting sabi ni Keila sa amin.

"Mamaya nalang tayo bumili ng mga snacks treat ko." sabi ni Jacob na anak ng mayaman.


"Sure." sagot naman ni Keila.

"Bakit gutom kana naman?" tanong ni Edward kay Jacob ito naman tanong pa ng tanong mabuti nga treat niya wala akong nagastos. I'm so very kuripot!

"Oo, sabi ko nga diba mamaya nalang." Jacob.

"Okay, pre." nakangiting sabi ni Edward sakanya.


***

Hinintay nga namin mag seven o'clock para sa fireworks habang inaabangan namin yung fireworks bumili sila ng mga snacks tagiisa kami drinks at chips lang mga binili nila.

"Ten.." bilang naming lahat.

"Nine.."

"Eight.."

"Seven.."

"Six, Five, Four, Three, Two, One!"

Wow! Ang ganda ng fireworks. Nagsihiyawan ang mga tao yung mga naririnig mo galing sa fireworks pinagmasdan ko lang ang mga fireworks habang kumakain ng binili nila Jacob na snacks.


"Tara guys picture tayo dali!" excited na sabi ni Keila nagpicture-picture naman kami selfie dun selfie dito.

"Okay, by partners naman ah by partners!" paguulit ni Keila. Oo, narinig nga namin, Keila. Need talaga by partners pwede namang solo.


"O! kayo naman ni Samantha, Kurt." talagang enimphasize niya pa yung 'kayo' argh!

"Huh?" takang tanong ni Kurt at medyo nahiya pa.

"Samantha." tawag sakin ni Keila tumango naman ako para picturan kami pasimpleng pinagdikit ni Keila yung mga katawan namin bali magkadikit yung braso namin with matching naka-akbay pa.

"Ayie!" kantiyawan pa nilang apat. Ang awkward tuloy sa akin! Nakakainis itong dalawa kong kaibigan! Kaibigan ko ba talaga sila? Nakita ko naman ang pag ngiti nila sa akin pati kay Kurt.




Umiwas na ako agad at pinicturan na yung fireworks nakadalawang kuha lang kami sa picture tagi-isa kami yung camerang dala kasi ni Keila instax then polaroid yon kaya may tigi-isa kaming picture pagkatapos namin panoorin yung mga fireworks nag-aya na rin silang umuwing lahat.




Before we left, nagpost ako sa instagram account ko ng picture ng fireworks agad naman nagreact si Kurt doon ng heart emoticon. Okay, para saan yon?

My Boy Bestfriend Is My ForeverWhere stories live. Discover now