Samantha's Point of View
Tinawag na kami ng maid para kumain ng lunch pumwesto na kami sa upuan para kumain.
"Pumayag naba sila Keila sa outing niyo?" tanong ni Tito Cielo.
"Yes po, Tito." nakangiting sagot ko.
"Eunice, ikaw huwag ka munang magpapaligaw dadaan muna sa akin yang mangliligaw sayo" Tito. Hahaha!
"Opo, Dad." nakangiting sagot ni Eunice.
"Bakit may nanliligaw na ba sayo, Eunice?" tanong ko kay Eunice nasamid siya sa sinabi ko sabay iwas ng tingin at tinuloy yung pagkain niya.
"Wala po, Ate Samantha." sagot niya habang diretso ang tingin sa pagkain niya.
"Akala ko meron eh. Mabuti naman kung wala. Eunice, you have to study hard okay para ma-acbieve mo yung mga dreams mo sa buhay, okay?" pakiusap ko sakanya.
"Sabihin mo sakin kung meron, Eunice akong bahala doon." Isa pa itong si Kurt! Hay nako!
"Kuya Kurt naman eh, sinabi ko nga po walang nanliligaw sakin study first po muna." sabi pa ni Eunice.
"Very good study first muna anak, bago yang ligaw-ligaw na iyan ha." sabi ni Tito Cielo pagkatapos naming kumain pumunta kami sa garden dito sa bahay nila Tito Cielo para magpahangin nagusap lang kami tungkol sa pag nenegosyo. Nang maghapon na napagpasyahan na naming bumalik sa apartment mupo muna ko sa sofa pagkarating agad namin.
***
"Babe, tara kain na." yaya sakin ni Kurt nagpadeliver lang siya ng pagkain namin online at sabay kaming kumain pagkatapos niligpit ko yung mga pinagkainan namin.
Pagkatapos kong magligpit umakyat na kong kuwarto para maligo. Grabe! Ang init dumiretso na kong cr kakatapos lang kasing maligo ni Kurt ng matapos na ko nakita ko siyang nagbabasa ng libro na may salamin sa mata ang gwapo niya bagay na bagay sakanya. Nagpatuyo na ko ng buhok tsaka dumiretso na sa higaan.
"Babe" tawag niya.
"Ano yon, babe?" sabi ko naman sakanya.
"I love you." malambing na sabi niya sa akin agad namang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
"I love you too." nakangiting sabi ko sakanya kaagad ako nakaramdam ng antok kaya naman pumuwesto na ako sa tabi niya narinig kong sinarado niya na yung librong binabasa niya at tumabi narin sa akin.
Maraming salamat, Kurt. I really appreciate your efforts to me. Thank you. I love you, babe.
YOU ARE READING
My Boy Bestfriend Is My Forever
Teen Fiction[Completed] It's my first ever story. Samantha Leyve Concepcion and Kurt Leandro Romero's Story. She's a simple girl who have many dreams pero lahat ng iyon natupad nya. She is a model and she has a friend named Keila and Joyce ng biglang hindi in...