note: paplug po ulit ng point of view ni eunice hahaha!
***
Eunice's Point of View
I'm here at our house after naming magusap ni Kuya Carlo, Ate Samantha's Ex-boyfriend biglang nagvibrate yung cellphone ko.
from: unknown number
eight o'clock tomorrow.
sabi madam principal, miss sungit.
:))to: unknown number
k. who gave you my number?from: unknown number
si madam principal, i mean your tita.to: unknown number
ok.Istorbo, kainis! Bukas babalik na naman dun dapat pala sumama na lang ako kila Ate Samantha eh argh! Ayoko pa naman ng may ginagawa bakasyon na bakasyon tsk nakaka-inis naman tong araw nato! Isa pa yang asungot na yun.
***
Nandito nako ngayon sa Principal's Office pa-vip masyado yang, Kiro na yan. Buwiset! It's quarter to eight na wala parin siya.
"Ta, anong oras na ba may pupuntahan pa ako." inis na sabi ko.
"Maghintay ka nga." sabi ni Tita Ciana sa akin nag-excuse si Tita dahil may tumatawag sa phone nya.
"Si Kiro hindi sya makakapunta ngayon, Eunice." parang hindi pa mapakali na sabi ni Tita sa akin.
"What?" sigaw ko.
"May sakit siya kaya pala ang tamlay tamlay nya, pwede mo ba siyang puntahan?" tita.
Ako? Tsk, buwiset talaga!
"Eh, hindi ko nga alam kung saan nakatira yon." Nakacross-arm na sabi ko.
"Sa village lang natin pangatlong bahay sa kaliwa." paliwanag pa ni Tita sa akin.
"Alam nyo naman pala eh! Ikaw na lang po pumunta, kailangan ko ng umalis." sabi ko aalis na sana ko ng may sinabi pa si Tita.
"Wala ka man lang bang awa, Eunice. May sakit yung tao di ka man lang nagaalala" sabi pa ni Tita. Bakit naman kasi nagkasakit yon? Buwiset! Kasalanan ko ba na nagkasakit siya tsaka may magaalaga naman dun. Okay, fine!
"Anong gusto mo alagaan ko siya, Tita naman!" reklamo ko.
"Gusto mo b--" pinigilan ko na yung sasabihin niya.
"Tita! I don't care kasalanan ko ba na nagkasakit siya." inis na sabi ko isusumbong nya ko kay Daddy! Tsk! Hindi naman ako takot eh!
"Wala yung maid nila sa house nila Kiro ngayon pinag day-off ng mommy niya siya lang mag-isa ngayon sa bahay nila. Eunice, please!" pagma- makaawa pa ni Tita Ciana sa akin.
"Tita." sambit ko.
"Eunice anak, please!" hay nako, Tita.
"Okay, fine!" sagot ko kahit labag sa loob ko.
Umalis na ako doon bago pa ako magtimpi, Aish!
Kinuha ko na yung susi ng kotse ko at umalis na doon. Hindi natuloy yung pagtour ko sakanya dito sa school sa kadahilanang nagsakit siya.Anong pinasok ko maging nurse niya tsk!
"Thank you, Eunice." nakangiting sabi ni Tita Ciana.
Pinark ko na yung kotse ko doon mismo sa tapat ng bahay namin at nilakad ko na lang yung bahay nila Kiro. Nag-doorbell na ako agad akong pinagbuksan ng kasama niya sa bahay na sa tingin ko yung kasakasama ni Kiro dito.
"Kayo po ba yung pinapunta ni Ms. Ciana?" tanong ni Kuya sa akin.
"Ah, ako nga po." tipid na ngiting sagot ko.
"Andun po si Sir Kiro sa taas natutulog may lagnat po kasi siya may soup na pong nakahanda dun tska po yung gamot nya sige po aalis na po ako, Ma'am. May gagawin pa po kasi ako." saad niya tumango na lang ako bago pumasok sa loob ng bahay nila.
Dumiretso muna ko sa kusina at kumuha ng plang-ganang maliit tsaka nilagyan ng maligamgam na tubig tska kumuha ng face towel at kinuha ko narin yung gamot nya. Ang role ko dito ngayon eh maging nurse ng Kiro na yun. Buwiset! Si Tita kasi eh. Eh, di sana ngayon nasa bahay ako di ba?
Umakyat na ko papuntang kwarto nya kumatok muna ko bago buksan yung pintuan nakatalukbong siya ng kumot pinatay niya rin ata yung aircon niya dito at ang manly ng kwarto niya simple lang at neutral colors lang ang vibe.
Lumapit ako sakanya at ang amo pala ng mukha niya kapag natutulog. Err—Oh, gosh! Eunice, what will you thinking! Ano ba itong sinasabi ko. Ang init nga niya tapos ang taas pa ng lagnat niya pagkadilat nya biglang nanlaki yung mata niya.
Hindi niya siguro expected na makikita niya ako dito.
"A-Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa loob ng kwarto ko? Bakit ka nandidito? Sinabi ba sayo ni Madam Principal?" sunod sunod na tanong niya sa akin.
"Inaalagaan ka di ba obvious tsk!" sabi ko.
"Sino nagsabi sayo na may sakit ako?" tanong nya.
"Si Tita Ciana, huwag kang magalala aalis rin ako dito pagtapos nito." sabi ko.
"Please, don't." sabi niya na ipinagtakha ko.
YOU ARE READING
My Boy Bestfriend Is My Forever
Teen Fiction[Completed] It's my first ever story. Samantha Leyve Concepcion and Kurt Leandro Romero's Story. She's a simple girl who have many dreams pero lahat ng iyon natupad nya. She is a model and she has a friend named Keila and Joyce ng biglang hindi in...